CHAPTER 5

18.3K 622 59
                                    

CHAPTER 5

DENVER CLAIDE'S P.O.V.

"Anong nangyari sa pinapagawa ko sa'yo, Denver?" tanong sa'kin ni Lord Teo. Maaga akong pinatawag ni Lord Teo upang magreport sa kanya. Dalawang linggo na akong nakabantay sa Anak ni Felipe Treshn. Ngunit wala akong napapansing kakaiba. Wala naman kasing magandang ginawa ang anak niya kung hindi ang mag shopping at tumambay sa Bar tuwing gabi.

"Lord Teo, nababantayan ko naman ang anak niya, ngunit wala akong nakikitang kakaiba sa kanya. Hindi ko rin nakikitang kasama niya ang Daddy niya." Sagot ko.

Nakatitig sa kawalan si Lord Teo habang hinimas-himas ang baba niya ng daliri niya. "Hindi mo pa rin nakukuha ang loob niya? Kailangan mong mapalapit sa kanya para madali kang makakuha ng impormasyon."

"Kumukuha lang ako ng tiyempo Lord Teo."

"Siya nga pala, kung hindi mo magagawang mapalapit sa anak ni Felipe, ibibigay ko kay Yasmin ang mission."

Kumunot-noo ako. Si Yasmin siya ang babaing pinagkakatiwalaan ni Master Lloyd Luppy. Isa siya sa matinik na Reaper.

"Kailan ko ba kayo binigo, Lord Teo, pinapangako ko sa inyong mapapalapit sa'kin ang anak niya. Hindi niyo na kailangang ibigay sa iba ang mission."

"Sige, aasahan ko ang pangako mo sa'kin. Makakaalis ka na."

Tumayo ako at pagkatapos nagpaalam ako kay Lord Teo. Bahagya ko pang tinakpan ang mukha ko ng sombrero. Ang silid na ito ay ang pinaka sekretong lugar sa malaking masyon. Tanging mga sekretong tao lang ang nakakapasok dito. Paglabas mo ng pintuan may ibat-ibang lagusan, lagusan patungo sa ibat-ibang silid na nasa loob ng masyon. Ginawa ito upang walang sinumang makapansin  na nakikipag-usap ka kay Lord Teo. Biometric ang  elevator do'n kaya idinikit ko ang hinlalaki ko sa gilid ng pintuan ng elevator. Pagkatapos bumukas iyon. Agad akong pumasok sa elevator at muli kong dinikit ang hinlalaki ko. Pagkatapos umandar na ito. Alam na nito kung saang floor at kung saan silid ako pupunta dahil sa pag-tap ko ng hinlalaki ko. Iyon kasi ang access ko para makapasok at makalabas. Ilang segundo pa. Huminto ang elevator sa Third floor at room B. Nasa mismong tapat na ako ng silid ng kwarto ko na sindya para sa'kin ni Tito Teo.

Saglit akong humiga sa malambot na kama upang magpahinga muna saglit. Habang nakahiga ako at nakatingin sa kisame. Bigla kong naalala ang mukha ni Lucy. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. "Hindi ito pwedeng mangyari." Kinapa ko pa ang dibdib ko wala pa rin tigil sa pagpintig ng malakas.

"Kailangan ko pala siyang sundan." Napabalikwas ako ng bangon at agad na lumabas ng kwarto.

Nang papalabas ako ng masyon. Nakita ko namang paparating si Yasmin Malayo pa lang pansin ko na ang malapad niyang ngiti sa'kin. Napasimangot ako. Hindi niya alam na isa akong secret weapon ni Lord Teo. Wala naman kasing nakakaalam sa kanila maliban kay Lord Teo at ang four blue eagle. Ang akala niya isa lamang ako sa mga mababang tauhan ni Lord Teo. Napangiwi ako habang napapansin ko ang pag-indayog ng balakang niya na kulang na lang ay tumalsik sa lakas ng pagpitik.

"Psh! That Freak." Mahina kong sabi.

Sinadya niya kasi akong harangan sa dadaanan ko at pagkatapos humarap sa'kin. Nakangiti pa siya sa'kin habang parang kambing na ngumunguya ng bubble gum.

"Maganda naman ang umaga ko, dahil nakita ko ang future Husband ko. Good morning my Love." Pinisil pa niya ang pisngi.

"What's good in the morning? Stop calling me Love." Inis kong sabi.

Tumawa siya na mas lalo kong kinainis.

"Crazy!" tipid kong sagot.

Nameywang pa siya. "Yan ang gusto ko sa'yo mahirap makuha."

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon