CHAPTER 20
LUCY'S P.O.V.
Napabuntong-hininga na lang ako habang pinapanood ko ang mga kaibigan kong masayang nagtatampisaw sa dagat. Kumpleto kaming lahat kasama rin ang mga boyfriend nila ngunit dahil ako lang ang walang partner ngayon ako ang mag-isang naiwan sa cottage habang nilalantakan ng ice cream. Dalawang buwan na mula nang mabaril ako ng mga kalaban ng sindikato. Nakaligtas naman ako ngunit naroon pa rin ang peklat dulot ng sugat. Bagama't pinapaderma ko na ang peklat ko hindi naman siya agad-agad na nawawala. Kaya naman nahihiya akong magsuot ng two piece may nakapatong rin balabal sa balikat ko upang matakpan ang isa kong peklat.
Napangiti ako nang matanaw ko si Jhoace na kumakaway sa'kin at pinapapunta ako sa dagat. Ngunit sumenyas ako na ayoko.
"Si Jhoace talaga napaka maldita." Sambit ko. Inirapan kasi niya ako nang hindi ako pumayag sa gusto niya.
Pagkatapos nag kasya na lang akong panoorin sila. Napaka peaceful ng pakiramdam ko ngayon. Wala akong iniisip na problema. Ang pagiging leader ko sa sindikato ay nakakalimutan ko kapag kasama ko ang mga kaibigan ko. Hindi ko inakala na magiging close ko ang mortal kong kaaway at kaagaw sa lalaki. Si Jhoace at ang grupo niya ang numero uno naming kaaway. Madalas ang grupo namin ang nagbabanggaan sa school. At madalas ang grupo namin ang nag-uumpisa ng gulo. Gusto ko kasing katakutan kami ng mga estudyante sa SPIA tulad na lang nila Jhoace. Ngunit kahit anong gawin namin noon palagi kaming talo sa grupo nila at pagkatalo sa pag-ibig ni Clarence Miguel. Nang matanggap ko na wala na akong pag-asa kay Clarence Miguel. Nag-umpisa naman maging mabait sa'kin si Jhoace at ang grupo niya na kinalaunan natanggap ko na sila bilang kaibigan. At ngayon isang grupo na lang kaming lahat. Napakasarap pala ang magkaroon ng mga kaibigang katulad nila dahil nandiyan sila kahit anong mangyari sayo. Hindi ka nila iiwan kaya naman mas gusto ko silang kasama kaysa sa kinagisnan kong pamilya.
"Shit!" napamura kong sambit nang maramdaman ko ang lamig dulot ng basang damit. Bago ako makapagreak. Buhat-buhat na ako ni Clarence Miguel.
"Lucy, magpasalamat ka sa'kin dahil ako ang nag-utos sa mine ko na buhatin ka. Yiee! Kikiligin na 'yan!" pambubuska ni Jhoace.
"Letchugas kayong mag jowa! Ibaba mo ako Clarence Miguel! Ayokong maligo!" nagpupumiglas pa ako.
"Bilis Mine, ihagis mo na siya sa tubig!" utos pa ni Jhoace.
"Ayy!!" halos makainom ako nang tubig nang bigla akong hinagis ni Clarence Miguel.
Nagtawanan silang lahat. "Nakakainis! Ayoko ngang maligo e."
"Wag kang kill joy." Nakangiting sabi ni Faye sa'kin.
"Ang sama niyo sa'kin." Nakasimangot kong sagot.
"Hindi kami sanay sa'yo na tahimik lang, kung anoman ang problema mo mamaya natin yan pag-usapan kaharap ang tequila." Tinapik pa ako ni Clarence Miguel.
Kung noon niya ginawa ang ganito baka hinimatay ako sa kilig. Pero dahil wala na akong natitirang pagkagusto ko sa kanya ordinaryo na lang para sa'kin ang lahat.
Lumapit rin sa'kin si Shin. "Ikaw ang nagset ng vacation na ito. So, let's enjoy the moments."
Isa-isa ko silang tiningnan. Kung sabagay bakit ba ako nagmukmok sa isang tabi. Kaya nga ako nandito para magsaya.
"Oo na!" sabay wisik ko sa kanila ng tubig dagat gamit ang dalawang kamay kong humahampas sa tubig.
"Ah! Gano'n gusto mo ng ganyang laro ah!" sabi pa nila Clarence Miguel.
"Hep! Hep! Siyempre girls vs boys ito." Sabi ni Jhoace.
Lumapit sila sa'kin pagkasenyas ni Jhoace sabay-sabay naming hinampas ang tubig papunta sa kanila. Pagkatapos sinund-sunod namin ang paghampas. Hindi naman nag patalo ang mga lalaki. Hinampas din nila ang tubig dagat papunta sa'min kaya naman halos mainom namin ang tubig. Sabay-sabay kaming nagtawanan habang naglalaro kami sa dagat. Hindi na ako nagmukmuk sa cottage dahil masaya akong nakikipagkulitan sa mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
THE BLOOD OF LOVE #wattys2019
Teen FictionKilala ako bilang Maarte, Malandi, Inggitera, Palaaway, Bully. Sabihin man nila ang lahat ng masasama sa'kin. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang maging masaya. Mag mahal at mahalin ng taong pinapangarap ko. Ngunit paano kung ang taong mag papab...