CHAPTER 7

15K 583 54
                                    

LUCY'S P.O.V.

“Nasaan ako?” isang katanungan sa sarili ko. Nang magising kasi ako nasa loob ako ng isang kwarto. Bumangon ako at iniisip ang nangyari kanina. Sumimangot ako nang maalala ko ang lahat. Pinatulog pala ako ni Yasmin kaya ako nakarating dito. Nilibot ko ang tingin sa loob ng kwarto. At napansin ko ang mga gamit dito ay gamit pambabae. Nilapitan ko ang picture frame na nakapatong sa side table at tiningnan ko iyon. Kumunot-noo ko nang makita ko ang larawan ni Yasmin at ni Denver. May kirot sa dibdib ko habang pinagmamasdan ko ang larawan nila. Nakaakbay si Denver kay Yasmin habang nakangiti silang pareho.

“Matagal na siguro silang magkakilala.” Sabi ko.

Pagkatapos kong pagmasdan ang larawan. Lumabas ako ng kwarto. Nalula pa ako sa laki ng bahay. Maraming pasikot-sikot akong madadaanan. Mabuti na lang at may nakakita sa’king Katulong.

“Ma’am, mabuti naman po at nagising kayo. Sumunod po kayo sa’kin kanina pa kayo hinihintay ni Senyorita Yasmin.” Pumihit siya patalikod at naglakad. Sinundan ko  naman siya. Ilang saglit pa natatanaw ko na si Yasmin na nakaupo sa habang nasa  beranda.

“Senyorita, nandito na po siya.” Nakayuko pa ang katulong.

Nakataas ang kilay ko nang tumingin sa’kin si Yasmin. Nakakainsulto kasi ang ngiti niya sa’kin. “How’s your sleep?”

Nagcross-arm ako. “Bakit mo ako dinala rito?” diretsong tanong ko sa kanya.

“Relax, umupo ka muna at uminom mg tea. Wag mong i-stress ang sarili mo. Papangit ka niyan.” Ngumisi pa siya.

“Ayokong magpaligoy-ligoy wala akong oras makipagplastikan sa’yo. Tell me your reason.”

Umiling-iling siya habang umiinom ng Tea. Relax na relax siya sa ginagawa niya. “Gusto ko lang makipagkaibigan sa’yo.”

“I’m sorry, ayokong makipagkaibigan sa’yo.” Tumalikod ako upang umalis.

“Hindi ka aalis!”

“Ayy!” sigaw ko nang marinig ko ang putok ng baril. Nang lingunin ko si Yasmin nakatutok na sa’kin ang baril.

“Stay here!” giit niya sa’kin.

“Sino ka ba? Bakit may hawak kang baril? Plano mo ba akong patayin?”

Humalakhak siya sa’kin. “Actually, I want to kill you right here. Pero siyempre ayokong magalit sa’kin ng Mahal mo. Baka patayin niya ako kapag pinatay kita.”

Nakaramdam ako ng takot sa kanya. Ngunit nanaig ang curiousty ko. Anong meron ba sa kanya bakit gusto niya akong patayin anong kinalaman ko sa kanya. Isa ba siya sa mga taong nag-agrabyado ko noon at naghihiganti ngayon.

“Kung papatayin mo ako gawin mo na ngayon, dahil siguradong walang makakaalam. Walang maghahanap sa’kin. Walang nagmamahal sa’kin.”  Napalunok pa ako upang pigilan ang pagpatak ng luha ko. Nagiging emosyonal kasi ako pagdating sa pagmamahal. Hindi ko pa kasi naramdamang mahalin ako ng kahit sino.

“Wag kang mag-alala gagawin ko rin yan sa ngayon kilalanin mo muna ang taong nagmamahal sa’yo. Paparating na siya ngayon.”

Kumunot-noo ako. “Nagsasayang ka lang ng oras. Paalisin mo na ako kung hindi mo ako papatayin ngayon.”

Bago pa magsalita si Yasmin nakarinig na kami ng putok ng baril sa baba ng mansyon niya.

“I told you, darating siya.” Sa lapad ng ngiti niya enjoy na enjoy siya sa nangyayari.

“Sino ka ba Yasmin?” muli kong tanong.

Tumingin siya sa’kin. “Ako ang papatay sa’yo.” Sabay tawa ng malakas.

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon