CHAPTER 28

15.7K 494 59
                                    

Chapter 28

HALOS hindi ako magkanda uga-uga sa paghahanap ng bag ko dahil sa kamamadali ko. Ang loob ng kwarto ko halos dinaanan ng bagyo dahil sa sobrang kalat at gulo. Nagkalat kasi ang mga damit ko at mga make up, kumot at mga unan sa kama. Maging ang mga pagkain sa ibabaw ng table ko ay nakakalat na rin. Ganito ako kapag wala sa mansiyon si Denver. Mula kasi nang lumabas kami ng hospital tuluyan na akong nanirahan sa bahay nila at nagsama na kami bilang mag-asawa.

"Beep! Beep!"

"Wait! I'm coming!" Sigaw ko habang isa-isa kong nilalagay sa bag ang mga make up ko.

Muli ko namang narinig ang busina ng kotse ni Jhoace kaya napag desisyunan kong iwan ang kalat ng kwarto namin at ibilin na lang sa mga katulong ang kalat na naiwan ko.

"Mama, aalis na po ako." Paalam ko kay Mama Dianne. Hinalikan ko siya sa pisngi habang abala siya sa pag search ng beauty products sa online. Mahilig kasing tumingin-tingin si Mama sa mga online para malaman niya ang bagong beauty products.

"Take care." Ngumiti pa siya sa'kin.

"Mama, naiwan ko po na makalat ang kwarto. "

"Sige, papalinis ko na lang sa katulong natin."

"Salamat po." Sabay talikod ko upang umalis na.

Mula nang tumira ako sa bahay nila Denver naramdaman ko na may pamilya ako na may taong nag-aalala, nagpapasaya at higit sa lahat mahal nila ako. Ipinaramdam ni Denver at ng pamilya ang kahulugan ng isang pamilya na kahit kailan hindi ko naramdaman sa kinagisnan kong pamilya.

Paglabas ko pa lang ng pintuan nakita ko na agad ang kotse ni Jhoace na nakaparada sa tapat ng malaking gate namin. Ibinababa ni Jhoace ang salamin ng kotse niya at dumungaw siya nang makita niya ako.

"Bilis!" Sabi ni Jhoace.

Halos liparin ko na ang pitong dipa na layo ko sa kotse niya para lang makarating agad kanina pa niya akong umaga pinagmamadali.

"Ang tagal mo naman!" Inis pa niyang sabi.

Inirapan ko siya bago ako sumakay sa loob ng kotse pagkasakay ko mas lalo akong nainis sa mga taong nakasakay sa loob ng kotse ni Jhoace.

"Hello, Lucy!" Nakangiting bati ni Maezy.

Isa-isa ko silang tiningnan pagkatapos inirapan ko silang lahat. Akala ko kasi kaming dalawa lang ni Jhoace ang magkasama ngayon, kasama pala namin ang barkada.

"Wag mo kaming irapan diyan namuti na mata namin kahihintay sa'yo." Sagot ni Faye.

"Sorry, kung sampung pinuto kayong naghintay sa'kin. Nakakahiya naman sa paghihintay ko sa inyo noong pumunta tayo sa Boracay. Naghintay ako ng isang oras sa coffee shop." Sarcastic kong sagot.

"Mag move on ka na ang tagal na iyon." Sagot ni Faye.

Naging malumanay ang boses niya habang napapansin ko namang nagsesenyasan si Maezy at Faye.

"Saan ba ang lakad natin?" Tanong ko.

"Sale ngayon sa isang sikat na Mall dito sa manila pupuntahan natin." Sabat ni Jhoace.

Matalim ang pagkakatingin ko kay Jhoace habang nagmamaneho siya.
"Seriously? Nag-aabang si Jhoace ng sale?" Sa isip-isip ko.

"Kailan pa kayo naging kuripot?" Tanong ko.

"Simula ng maging kaibigan natin si Maezy at Phoebe, naging kuripot na kami." Sabi ni Faye. Pangisi-ngisi pa itong tumingin sa dalawa.

"Kami naman ang napansin mo." Sabat ni Phoebe.

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon