CHAPTER 4

18.2K 655 76
                                    

Chapter 4

DENVER'S P.O.V.

KANINA ko pa pinagmamasdan si Lucy habang tinutungga niya ang alak na hawak niya. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang nararamdaman ko sa kanya. Wala naman ako sa mission ngayon. Pero hindi ko mapigilang pag-aksayahan siya ng oras para pagmasdan mula sa malayo.

"Hey! Denver."

Mabilis kong binaling ang tingin ko nang makilala ko ang boses na iyon. Si Ate Jhoace. Nakangiti siya habang papalapit sa'kin. Kaya ngumiti rin ako sa kanya.

"How are you, Ate Jhoace?"

"I'm good," tapos binaling niya ang tingin niya kay Lucy. "Kanina pa kita pinagmamasdan mula sa kinauupuan ko cousin. Kanina ka pa nakatitig kay Lucy. Type mo ba siya?" pilya siyang ngumiti sa'kin.

"Ofcourse not, siya nga ang kanina pa nakakatitig sa'kin. Kaya nga napilitan akong makipagsayaw sa kanya." Alibi ko.

Iniwasan ko ang mapanuring tingin sa'kin ni Ate Jhoace. Kilala ko na siya papaaminin niya ako kahit ayoko.

"Really?"

"Yes!" walang pag-aalinlangan kong sagot sa kanya.

Nagkibit balikat siya sa'kin. Mabuti naman kung gano'n. Alam mo kasi si Lucy ang mortal kong karibal kay Clarence Miguel. Pero dahil Dyosa ang kalaban niya. Hindi siya umobra sa'kin. Sana hindi ka magkagusto sa kanya cousin. Dahil ang alam ko marami siyang boyfriend."

"Hindi mangyayari iyon." Seryoso kong sagot sa kanya.

"Good, if you don't mind, pupunta muna ako kay Tito Coby. Bye! Denver." Sabay talikod niya sa'kin.
Pagka-alis ni ate Jhoace. Muli kong pinagmasdan si Lucy. Habang nakikipagtawanan sa kaibigan niya.

"Kaya ka siguro maraming boyfriend dahil sexy ka." Sabi ko habang nakatanaw ako sa kanya.

Kumuha ako ng alak sa waiter na dumaan. Pagkatapos lumipat ako ng table na malapit sa pwesto ni Lucy. Mas gusto siyang titigan ng malapitan at pakinggang ang boses niya. Hindi naman binagbabawal sa mission ko ang mapalapit sa kanga. Advantages pa nga ito dahil mas mapapadali ang misyon ko.

"Hello, Ladies!"

Napahinto ako sa pag-inom ko nang tubig nang makita kong may lumapit kay Lucy at sa dalawang kaibigan niya na tatlong lalaki na nasa edad fourty. Marahil isa ito sa mga bisita ni Daddy.
Tiningala ni Lucy at ng kaibigan niya ang tatlo pagkatapos. Hindi nila ito pinansin. Nagpatuloy sila pag-uusap dalawa.

"Can we join?" sabi pa ng lalaki.
"I'm sorry Mister. We don't talk to a strangers." Sabay irap niya dito.

"Ang taray niyo naman. Gusto lang namin ng makipagkaibigan." Sabi ng isang lalaking may Bigote.

Tumayo si Lucy at ang kaibigan niya. "Umuwi na lang tayo Faye."

Ngunit bago sila makahakbang. Nakita kong pinisil ng lalaki ang maumbok na pwet ni Lucy. Biglang umakyat ang dugo ko sa ulo ko. Hindi ko namalayan na kuyom na ang kamao ko.

"Bastos!" sabay sampal ni Lucy sa lalaki. Pulang-pula ang mukha niya sa galit.

"Wag kang Feeling conservative. Nagsuot ka ng ganyan tapos ayaw mong mabastos." Nakangising sagot ng matandang lalaki.

Nag-init ang ulo ko. Sinuot ko ang sobrero ko at lumapit sa kanila. Kinilabit ko ang matandang nambastos kay Lucy.

"Yes!" iritang sagot ng lalaki.

Isang suntok ang pinakawalan ko dahilan para tumalsik siya sa lamesa at magbigay ng daan para matuon ang pansin sa'min ng mga bisita.

"Who the hell are you?! Bullshit!" tumayo siya at pinunasan ang dugo sa labi niya.

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon