LUCY'S P.O.V"BABAE KO,"
Tawag sa'kin ni Denver matapos ang seremonya ng kasal naming dalawa sa loob ng university, kailangan ko na kasing bumalik sa klase upang matuto naman kahit papaano, maging ang mga estudyante ay nagsibalik na rin sa klase nila. Puno pa rin ng ligaya ang nararamdaman ko ngayon para akong nasa ilalim ng isang napakagandang panaginip ko.
"Uhm, bakit Lalake ko?" Hindi ako nagpakita ng anumang reaksiyon sa kanya bagkus naging pormal ako sa kanya.
Lumapit siya at pinagmasdan ako. Nakapamulsa pa siya habang hindi pa rin niya inaalis ang suot niyang damit nang kinasal kami.
"Hihintayin kita mamaya sa pag-uwi mo para sabay na tayong uuwi sa bahay namin." Ngumiti pa siya.
"Sa bahay niyo?"
I'm not born yesterday para hindi malaman kung ano ang ibig niyang sabihin. Ofcourse kasal na kaming dalawa so ibig sabihin kailangan na kaming mag samang dalawa.
Tumango siya. "Gagawa na tayo ng Anak para naman magkaroon na ng apo ang Mommy at Daddy ko."
"Teka! Sure ka bang doon ako titira?"
"Yes, mag-asawa na tayo."
Parang bigla akong nagsisi sa pagmamadali kong magpakasal kay Denver, feeling ko naisahan niya ako.
"Hindi ba pwedeng wag muna tayong magsama bilang mag-asawa kasi hahanap pa ako ng magandang pagkakataon para magpaalam sa Daddy at Mommy ko."
Kahit naman kasi hindi sila ang totoo kong magulang gusto ko pa rin namang ipaalam sa kanila ang nangyayari sa'kin kahit na nga madalas wala silang pakialam.
"Sige, pero next week dapat sa bahay ka na titira." Yumuko siya pagkatapos mabilis niya akong hinalikan sa labi.
"Denver!" Halos ibulong ko ang sinabi ko sa kanya.
"I love you,"bulong niya pagkatapos tumalikod na siya sa'kin.
"Si Denver talaga!"
"HAPPY WEDDING!"
Iyon ang bungad sa'kin ng mga kaklase ko nang makapasok ako sa loob. Ang lapad naman ng ngiti ko habang nagpapasalamat ako sa kanila.
"Wala ka bang dalang gunting?" Tanong sa'kin ni Faye nang makaupo na ako. Magkatabi kasi ang inuupuan naming dalawa.
"Wala akong dala, bakit?"
Pinaikot pa niya ang eyeballs niya bago nagsalita. "Haba ng hair mo eh, tinalo mo si Rapunzel. Ano na lang ang sasabihin ni Snow white, Cinderella, sa haba ng buhok mo. Imagine school wedding ceremony ang peg. Ganda mo talaga!"
"Hindi ko naman ginusto iyon, nabigla rin ako sa ginawa ni Denver. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumayag."
"Wow! Ikaw pa ang chusy."
"Hindi naman sa gano'n kaya lang kasi hindi alam ng parents ko na nagpakasal ako."
"Aysus! Kailan pa nagkaroon ng pakialan ang parents mo? Isa pa matanda ka na hindi ka na bata nasa tamang edad ka na ng pag-aasawa."
Natahimik ako da sinabi ni Faye. Kung hindi sana ako kasali sa sindikato hindi ako nag-aalala ngayon. Iniisip ko ang kaligtasan ni Denver kapag nalaman ni Daddy na mag-asawa na kami. Isa pa, natatakot akong malaman ni Denver ang totoo. Ayokong kamuhian niya ako.
"Sana ganoon lang kadali ang lahat." Sagot ko.
"Magtiwala ka kay Denver. Hindi na siya bata nasa tamang edad na rin siya. Mas matured pa nga siyang mag-isip sa atin."
BINABASA MO ANG
THE BLOOD OF LOVE #wattys2019
Ficção AdolescenteKilala ako bilang Maarte, Malandi, Inggitera, Palaaway, Bully. Sabihin man nila ang lahat ng masasama sa'kin. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang maging masaya. Mag mahal at mahalin ng taong pinapangarap ko. Ngunit paano kung ang taong mag papab...