CHAPTER 25

14.5K 484 83
                                    

DENVER'S P.O.V.

Kinapa ko ang baril ko na nasa tagiliran ko lang ng sumakay ako ng kotse, kanina ko pa napapansin na may sumusunod sa'kin mula pa nang makausap ko si ate Lilibeth, may kutob akong alam na nila ang totoo. Pagsakay ko ng kotse biglang may limang lalaki ang sumulpot sa harapan ng kotse ko at pinagbabaril ako.

"Shit!"

Dumapa ako at nakipagpalitan ako ng putok habang ang isang kamay ko ay abala sa pag i-start ng engine ng sasakyan ko dahil kung hindi ako aalis siguradong ito na ang magiging katapusan ko. Nagawa ko namang paandarin ang kotse ko at sinalubong ko ang tatlong lalaking malakas ang loob na harangin ako.  Tatlo na lang sila dahil napuruhan ko na ang dalawa. Patuloy ang pagratrat nila sa'kin kaya naman hindi ko namamaneho ng maayos ang sasakyan dahil yumuyuko ako para maiwasan ang bala nila.

"Bulls eye." Sambit ko pa nang tamaan ko sa sintido ang isa pang lalaki pagkatapos nang makalampas ako sa kanila pinaharurut ko ang kotse ko. Agad kong tinawagan si Lord Teo nang makaalis ako.

"Anong nangyari Denver?" Bungad niya sa'kin.

"Lord Teo, hinahabol ako ng sindikato mukhang alam na nila ang totoo."

"Gamitin mo ang gps para masundan ka namin."

"Yes, Lord Teo."

Muli namang akong pinapaulan ng bala ng kotseng sumunod sa'kin mas naging mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan, kailangan ko silang matakasan dahil siguradong hindi nila ako bubuhayin kapag naabutan nila ako nakipaghabulan ako sa gitna ng kalsada mabuti na lang at hindi main road and dinaanan ko dahil siguradong maraming dadamay.

"Shit!" Sambit ko nang tamaan ang gulong ng kotse ko. Gumegewang na ang kotse ko at kung hindi ako magmamadali maaring maabutan nila ako. Inangat ko ang upuan sa driver seat at kinuha ko doon ang grada wala akong choice kung hindi ang hagisan sila ng granda pagkatapos iniliko ko ang kotse ko upang salubungin sila mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela habang matalim ang pagkakatitig ko sa dalawang kotse na papalapit sa'kin madiin kong tinapakan ang manibela ng kotse ko at sinalubong ko sila. Malayo pa lang pinapaulanan na nila ako ng bala sinisikap kong umiwas ngunit dahil sa marami sila tinaman ako sa balikat. Hindi ko masyadong ininda ang sakit habang nag-uunahang tumulo ang dugo sa braso ko at nang isang pulgada na lang ang layo ng kotse ko inalis ko ang pin ng granada at itinapon ko sa kanila.

"Three points." Sambit ko nang pumasok sa loob ng kotse nila ang granada. Bago pa sila makaalis sumabog na ang kotse nila at durog-durog ang kotse at maging ang katawan nila.

"Rest in peace."

Umatras ako upang ipihit ang kotse palayo may isang kotse pang sumusunod sa'kin at tantiya ko dalawang tao na lang ang nakasakay dahil napatay ko na ang iba naghabulan pa rin kami sa daan hanggang sa muli nilang tinamaan ang gulong kotse ko huminto ito kaya naman kinuha ko ang baril at granada na natitira pagkatapo lumabas ako at nagtago ako sa likod ng kotse. Nang malapit na sila sa kotse ko pinaulan ko sila ng bala pagkatapos hinagis ko ang granada sa kanila. Hindi iyon lumusot sa kotse nila pera nadaplisan ang kotse ng sumabog ang granada don nagkaraoon ako ng pagkakataong patamaan ang nasa loob ng kotse. Hindi naman ako napahiya sa sarili ko nang matamaan ang nasa loob ng kotse pareho silang tinamaan sa dibdib kaya nawalan sila ng balanse napagpagewang-gewang ang kotse nila hanggang sa nahulog ito sa bangin at sumabog.

"Done." Sambit ko. Umupo ako sa semento at nagsindi ng sigarilyo hindi ko alintana ang dugong umaagos sa balikat ko. Ilang saglit pa tumunog ang cellphone pangalan ni Lilibeth ang nakapangalan do'n.

"Hello, Ate Lilibeth." Sarcastic kong bati.

"Asshole! Siyam yata ang buhay mo at hindi ka pa rin namatay." Galit niyang sabi.

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon