CHAPTER 6

15.8K 551 70
                                    

CHAPTER 6

LUCY'S P.O.V.

NAKAKAPANIBAGO ang umagang ito dahil sa unang pagkakataon. Magkakasabay kaming pumasok sa loob ng SPIA nila Jhoace, Shin, Faye, at ako. Si Maezy at Phoebecate kasabay naman ni Heira. Para kaming mga siga sa school lahat ng madadaanan namin iniiwasan kaming lahat binibigyan kami ng daan lahat. Iniiwasan nilang makabangga kami or kahit dumikit kami sa kanila dahil natatakot silang mapagtripan namin. Usap-usap kasi sa school nang maging kaibigan namin si Jhoace at Shin lumaki na ang sakop ng grupo kung kaya't mas lalo kaming kinatakutan.

"May Transferee namang pinagti-tripan." Narinig naming bulong-bulungan ng mapadaan sa'min ang limang estudyante.

Nagkatinginan kaming apat pagkatapos huminto kaming apat ngunit naka poise pa rin kami.

"Hey! Come here!" tawag ni Jhoace sa babae.

"A-Ako po ba?" nauutal na sagot ng babae. Bakas sa mukha niya ang matinding takot.

"Yes, You Beautiful Lady." Sabay ngiti ni Jhoace.

Nagkatinginan kami ni Faye. Makita mo ba naman si Jhaoce na hindi tinarayan ang babae at nginitian pa. Magugulat ka, for sure after kausapin ang babae magpapamisa 'yan dahil sa himala nangyari kay Jhoace.

"S-Sorry po Miss Jhoace, ano po ang kailangan niyo sa'kin?"

"Relax, Girl. Tatanungin lang kita kung nasaan ang bagong transferee na binubully ngayon?" kalmado niyang sabi.

"Nandoon po sa soccer field. Yung dating kasamahan nila miss Lucy at Faye ang nambubully." Tumingin pa sila sa'min.

Inirapan ko naman ang babae. Nakakainis inidawit pa kami sa mga panget na iyon.

"Hindi na ka-grupo nila Lucy ang mga iyon kami na ang kaibigan nila ngayon." Nakangiting sabi ni Jhoace."

"Gano'n po ba? Sorry po miss Lucy at Miss Faye." Yumuko pa ang estudyante.

Pilit na ngiti ang naging tugon ko sa babae. Kahit ang totoo gusto ko na siyang sabunutan. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil kay Jhoace. Mabait siya sa babae kaya dapat maging mabait din ako.

"Okay, thank you." Sabi pa ni Jhoace.

Muli naman kaming nagkatinginan dalawa ni Faye at nag-uusap ang mga mata namin na sinasabing

"Nasapian na si Jhoace ng mabait na espiritu."

"Mabuti pa puntahan natin ang bagong salta dito para matulungan natin. Let's go guys!" sabad ni Shin.

Sumunod naman kami sa kanila. Habang papalapit kami sa field. Napansin naming parang may mga nakadapa sa lupa. Kaya nagmadali kaming naglakad. Iniisip namin na baka marami silang binubully.

Isang sapatos ang lumipad sa gilid ko. Mabilis ko naman iyong nailagan. Ngunit bago pa ako makabwelo isang sapatos naman ang muling lumipad palapit sa mukha ko. "Shit!" napamura kong bigkas.

May isang mabilis na kamay ang sumalo ng sapatos kaya hindi ito tuluyang tumama sa mukha ko. Nang makita ko kung sino iyon si Shin Lorraine iyon. Sabagay, mabilis ang mga mata ni Shin.

"Ang galing! Hindi ka tinamaan."

Sabay pa kaming napalingong apat. Laking gulat namin na nakalupagi ang mga nambubully dating naming kasamahan ni Faye. Inapakan ang paa  ng babae ang pinaka-leader nila.

"Hello, Ladies my name is Yasmin. Transferee ako. Just wanna say thank you, ganito ba sa school niyo mag welcome ng bago ang weak." nakangisi niyang sagot.

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon