CHAPTER 29

22.7K 565 107
                                    

[Lucy P.O.V.]

Hindi maalis sa labi ko ang ngiti lalo na nang makita ko kung gaano nila ako hangaan sa suot kong wedding gown ngayon. Ngayon kasi ang araw ng pag-iisang dibdib namin ni Denver.  Ang asawa kong mas bata pa sa'kin. Ngunit sabi nga ng iba age doesn't matter naman daw. At isa na ako sa mga taong naniniwala sa gano'n. Hindi mo talaga masasabi kung saan ka maiinlove kung sino ang ibibigay sa'yo ni God. Basta matagpuan mo lang sita kahit sino, ano pa siya siguradong magiging masaya ka at masasabi mong may forever.

"How do i look?" Sabi ko sa kanila.

Kasama ko sa loob ng silid na ito ang mga kaibigan ko ni-request namin na dito na rin sila ayusan upang makita namin ang isa't-isa.

"Well, mukha ka ng tao ngayon Lucy." Nakangiting sagot ni Jhoace.

"Thanks, Jhoace." Tipid pa akong ngumiti.

Napansin ko naman na nagpupunas ng luha si Faye kaya lumapit ako sa kanya. "Bakit ka umiiyak?"

"W-Wala! I'm happy for you."

"Ang plastik mo Faye, sabihin mo kaya ka umiiyak kasi bitter ka dahil single ka pa rin hanggang ngayon." Walang prenong sabi ni Jhoace.

Kung hindi kami sanay sa ugali ni Jhoace, siguradong napikon na si Faye sa sinabi niya. Ngunit dahil alam naming gano'n lang niya i-express ang pagiging concern niya balewala na sa'min iyon.

"Sasabutan kita diyan Jhoace, masaya talaga ako para kay Lucy, kasi natagpuan niya ang lalaking magmamahal sa kanya ng lubos."

"Don't worry Faye baka ngayon nag-aaral na ng grade 1 ang future Husband mo." Biro ko sa kanya.

She glared at me. "Just kidding!" Sabi ko pa.

"Let's go! Baka nainip na ang groom mo magwala iyon do'n." Sabi ni Jhoace.

Sumunod naman sila Phoebe, Maezy na lumabas kaming dalawa ni Faye naiwan sa loob at nakaharap sa malaking salamin habang pinagmamasdan namin ang sarili namin.

"Parang kailan lang nagpapakatanga ka kay Clarence Miguel." Panimula ni Faye habang tinitingnan namin ang sarili sa salamin.

"Naging tanga ako sa isang lalaki na hindi naman pala para sa'kin."

"Ako kaya kailan darating sa'kin ang lalaking ako naman ang mahal at hindi ako yung palaging nagmamahal mag-isa?"

Tinapik ko ang balikat niya at bumulong ako. "Baka naman kasi nasa harapan mo lang ayaw mo lang pansinin?"

"Kilala ko na 'yang sinasabi mo." Sinuklay pa niya ang buhok niya. "Hindi ko siya mahal nakakaasar mukha ni LJ Dale."

"The more you hate the more you love."

"Ewan ko sa'yo Lucy! Pinaiinit mo ang ulo ko." Tumalikod siya sa'kin at mauuna sanang lumabas.

"Bruha! Yung belo ko hawakan mo." Sabi ko sa kanya.

"Bahala ka sa diyan!" Sabi pa niya.

"Wag mo na kayong lumabas."

Sabay pa kaming napahinto ni Faye sa paglalakad palabas ng bahay nang makasubong namin si Tito Teo nakasuot siya ng white tuxedo dahil isa siya sa mga ninong sa kasal namin, kasama niya ang body guard niyang pormal na pormal din ang suot na damit ngunit mahahalata mo naman ang baril sa tagiliran ng pantalon ng mga ito.

"Bakit po?" Tanong ko.

Hinawakan ni Faye ang kamay ko habang nakatingin kami sa kanila.

Seryosong nakatingin sa'min si tito Teo. "Bibigyan natin ng engrandeng kasal si Denver."

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon