CHAPTER 16

15.5K 567 66
                                    


Chapter 16

DENVER CLAIDE'S P.O.V

PABULONG-BULONG ako habang inaalis ni Mommy ang suot kong hospital gown. "Mom, kaya kong hubarin ang damit ko lumabas ka na." inis na inis kong sabi sa kanya.

"Hindi ka pa masyadong magaling baka dumugo ang tahi mo. Tutulungan na kita sa paliligo mo." Sabi ni Mama habang pinipilit niyang tanggalin ang suot kong damit.

"Stop Mom! Magaling na ako, hindi na ako bata! Kaya kong maligo mag-isa." Reklamo ko uli kay Mommy.

"Denver Claide, hindi ka matatapos maligo kung magpupumilit ka!" inis na sigaw ni Mommy sa'kin.

Si Mommy na yata ang pinakamakulit na Mommy sa buong mundo. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na kaya kong maligo mag-isa. Malayo naman sa bituka ang tama ng baril sa'kin. Kung alam lang niyang sinadya kong magpabaril. Tapos masyadong over acting siya. Hayss!

"Mom, please! Malaki na ako hindi na ako bata na pinapaliguan mo noon. Kaya ko na Mommy."

Taas ang kilay ni Mommy na tumingin sa'kin at nameywang. "Nahihiya ka bang makita ko ang dragon mo na katulad sa Daddy mo? Abah! Denver ako ang Mommy mo. Wag kang mahiya sa'kin. Ako na magpapaligo sa'yo sige na."

"Ayoko! Hindi na lang ako maliligo." Tinangka ko pang humakbang palabas ng banyo para wag nang maligo.

"Ang tigas talaga ng ulo mo! Kanino ka ba nagmana bata ka. Sige, maligo ka mag-isa mo. Doon na lang ako sa labas ng banyo. Kapag kay kailangan ka sumigaw ka lang."

Huminga ako nang malalim. Finally, pumayag din siya sa gusto ko.

"Nagmana ako sa'yong matigas ang ulo. Sige na po Mom, maliligo na ako."

"Aba't loko ka! Kapag bad attitude sa'kin kapag maganda sa Daddy mo." Umuusong ang ilong ni Mommy dahil sa asar sa'kin.

"Okay lang 'yan Mom, love naman kita.  Bye!" sabi ko pa tapos dahan-dahan kong isinarado ang pintuan ng banyo. Sinugarado kong nakalock siya. Pagkatapos binuksan ko ang gripo bago ko kinuha sa bulsa ko ang cellphone. Tinawagan ko si Tito Teo. Mula kasi nang mangyari ang pagbaril sa'kin. Wala na akong ibang narinig na balita sa Daddy ni Lucy.

"Hello, Lord Teo." Paunang bati ko nang marinig kong sinagot niya ang tawag ko.

"Napatawag ka Denver? Paalis ka na ba sa Hospital?" tanong niya sa'kin. Alam kasi niyang lalabas na ako ng hospital.

"Opo,"

"Good, pagkalabas mo diyan may sasabihin akong importante sa'yo."

"Hindi ko ba pwedeng malaman ngayon?"

"Magpahinga ka muna Denver at ako mismo ang dadalaw sa inyo sa bahay niyo. Siya nga pala nasaan ang Mommy at Daddy mo?"

"Si Daddy, parating pa lang galing kumpanya si Mommy nasa labas."

"Mabuti naman kung gano'n. Sige na, mag-iingat ka mamaya sa pag-uwi sa inyo. May mga tauhan akong palihim na nakabantay sa pag-uwi mo para masiguro natin ang kaligtasan mo."

"Salamat Lord Teo." Pagkatapos pinutol ko ang tawag.

Inumpisahan ko ng maligo dahil baka mainip si Mommy sa'kin at katukin ako rito. Ngunit nang malapit na akong matapos maligo narinig ko na ang malakas na katok ni Mommy.

"Malapit na akong matapos Mommy!" sabi ko pa.

"Bilisan mo baka mainip ang girlfriend mo kahihintay sa'yo."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Mommy.

"Si Lucy po ba Mommy?"

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon