CHAPTER 17

15.2K 586 70
                                    

Chapter 17

LUCY'S P.OV.

"Bakit kailangan ako?" nakataas pa ang kilay kong tanong kay Faye habang kumakain kami sa loob ng canteen ng school. Oras kasi ng lunch break ngayon at dahil kumain sa labas si Jhoace at Clarence Miguel nagkanya-kanya na kaming lakad na magkakaibigan. Kasama nila Shin, Phoebe at Maezy ang mga boyfriend nil samantalang kami ni Faye ang dalawang palaging magkasama.

"Alangan namang ako?" itinuro pa ni Faye ang sarili niya. Pagkatapos pailalim niya akong tinitigan.

Inirapan ko siya. "Ayoko! Nahihiya ako."

"Ako ba ang girlfriend?" pagtataray niya sa'kin.

Plano ko kasing yayain si Denver ng date. Hindi naman romantic date ang naisip ko. Gusto ko lang siyang makasama mamasyal sa mga park at kumain sa mga street foods. Hindi pa kasi namin iyon nagagawang dalawa. Pero hindi ko kayang sabihin sa kanya dahil nahihiya ako kaya humingi ako ng tulong kay Faye para sabihin kay Denver.

"Baka pagtawanan lang niya ako tapos ire-reject lang niya ako, alam mo naman may pagkamayabang ang hudas na iyon." Sabay simangot ko at pagkatapos pinagpatuloy ko ang pagkain.

"Alam niyo? Ang baduy niyong dalawa. Kunwaring aayaw-ayaw pero palagi namang magkasama. Baka mamaya niyan malaman ko na lang buntis ka na." pilya siyang ngumiti sa'kin.

"Malabong mangyari iyon." Alibi ko. Deep inside kumakakabog ang dibdib ko sa sinabi niya. Bigla ko kasing na-imagine ang itsura ko kapag nalaman kong buntis ako.

"Speaking of the devil, look who's coming." Sabay tingin ni Faye sa may entrance.

Hindi ko alam kung matutuwa ako O maiinis kay Denver. Habang papalapit kasi siya sa'min. Hindi namang maiwasan ng mga estudyante na nasa loob ng canteen ang kiligin kahit na nga alam nilang ako ang girlfriend niya. Tapos si Denver sumasagot sa mga babaeng bumabati sa kanya.

"Nagsama pa ng panget." Sabi pa ni Faye. Sabay irap niya.

Saka ko lang napansin ang presensiya ni LordJereh dale. Kaya pala gano'n na lang ang sabi ni Faye.

"Bakit mo naman sinama pati aso niyo Denver." Bungad na bati ni Faye. Nakahalukipkip pa siya at nakangising tumingin kay LJ dale.

"Kung mukha akong aso ano pa ang tawag sa'yo?" pang-asar na sagot ni Lj Dale.

Hinawi ni Faye ang buhok niya. "Goddess, I'm Goddess!" nagpacute pa si Faye.

"Goddess of the river." Sabay tawa ni Lj dale.

"How dare you!" hinampas pa ni Faye si Lj dale sa balikat.

Umiling akong tumingin kay Denver Claide, siya naman ay nagkibit balikat sa'kin.

"Maiwan na namin kayo ng girlfriend ko." Hinawakan ni Denver ang kamay ko.

"Teka! Sasabay na ako sa inyo. Ayokong makasama ang bakulaw na ito." Sagot ni Faye.

"Wag kang bitter Panget. Istorbo ka sa date nila. Halika nga rito!" sabay hila ni Lj dale ni kay Faye.

"Don't touch me! Baka magkagalis ako!" react ni Faye.

"Let's go, Babae ko magiging sweet din 'yan mamaya kapag wala na tayo." Mahinang sabi ni Denver.

Tumango ako at sumunod sa kanya. Hawak-hawak ni Denver ang kamay ko habang palabas kami ng canteen. Taas noo naman ako at proud na proud habang dinadaan namin ang mga babaeng nakatingin sa'min. Well, ngayon pa lang magbigti na sila dahil sira na ang fantasya nila dahil ako ang girlfriend ni Denver.

"Bakit ka pala nandito?" tanong ko sa kanya nang nasa loob na kami ng kotse niya.

"Namiss na kasi kita kaya pinuntahan kita." Tipid niyang sagot sa'kin.

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon