CHAPTER 21

13.7K 500 28
                                    


LUCY'S P.O.V

PASADO alas nuebe na ako ng umaga nakarating sa school. Kailangan ko pa kasing makipag-usap sa Taiwanese customer namin. Bilyon-bilyon kasi ang nawalang pera noong nakasagupa namin ang mafia kaya naman bumabawi kami ngayon. Nagawa kong i-closed ang deal namin at mag set ng trasaction kung saan hindi malalaman ng kalaban ang plano namin. Naisip kong paagahin ang transaction namin at sa lugar na hindi iisipin ng kalaban na naroon kami. Kung hindi nga lang tumawag sa'kin si Faye na may umaaway sa kanya sa school hindi ako pupunta ayokong hayaan si Faye na bugbugin at pagtulungan ng mga estudyante lalo na ngayong ilang linggo ng hindi nagpapakita si Jhoace.

Nagtaka ako nang pagbaba ko pa lang  sa kotse may nakatayong anim babae sa harapan ko. Lahat sila may nakakabit na ngiti sa kanilang labi.

"Good morning miss Lucy Treshn." Sabay-sabay pa silang yumuko.

Tumayo ako sa harapan nila at isa-isa lang tiningnan. "Good morning." Walang kagatol-gatol kong bati sa kanila.

"Miss Lucy Treshn, pinapunta kami rito ni Miss Jhoace para ibigay sa inyo ito." Pagkatapos iniabot nila sa'kin ang maliit na sobre.

Kumunot-noo ko. "Pumasok si Jhoace?"

Tumango sila. "Kahapon pa pumapasok ang Queen of upgraded maldita miss Lucy. "

"Ah, okay!" Pagkatapos kinuha ko ang maliit na sobre na inaabot nila. "Thanks."

"Ahmm... Miss Lucy, pwede po bang pa-picture kami?" Nahihiyang tanong nila sa'kin.

"Huh? Really?" Tumaas pa ang kilay ko.

"Pwede po ba?"

"O-Okay,"

Nagtilian silang lima pagkatapos lumapit sila sa'kin at isa-isa nilang inilabas ang cellphone at nagpicture kami.

"Ang weird?" Bulong ko habang naglalakad ako patungo sa classroom namin.

Kapansin-pansin ang mga estudyante ngayon dahil sa tuwing madadaanan ko sila naghahagis sila sa'kin ng confetti. Gusto ko sanang tarayan sila dahil sa paghahagis ng confetti pero baka mag mukha akong Kill joy at idiot kung pupunahin ko sila, baka kasi may celebration dito na hindi ko nalalaman kasi madalas akong absent ngayong buwan.

Bago pa ako makapasok sa loob ng classromm namin. Hinarang na ako ng president ng classroom namin. Bukod doon napansin ko rin nakaharang sa pintuan ang mga kaklase ko.

"Ang weird talaga!"

"Miss Lucy Shaira Treshn, hindi ka pwedeng pumasok sa classroom ngayon."

Umarko ang kilay ko, sa lahat naman ng ayaw ko ay ang tawagin ako sa buo kong pangalan. "Why?" Napalakas pa ang boses ko.

Nakakaramdam na kasi ako ng pagkainis sa nangyayari.

"Maglilinis kami ng classroom." Sabay iwas ng tingin sa'kin.

Napahalukipkip ako. "Naghihirap na ba ang school na ito at kayo na ang pinaglilinis ng classroom?" Bakas sa tono ng boses ko ang pagtataray.

"Wag kang maraming tanong." Pagkatapos sumenyas siya sa mga estudyanteng naroon sa tabi niya. Lumapit sila sa'kin at pagkatapos magkabilaan nilang hinawakan ang braso ko at hinila nila ako palayo sa classroom.

"Ano ba?! Bitawan niyo nga ako!" Halos sumigaw na ako sa sobrang inis.

"Relax lang Miss Lucy, promise pasasalamatan mo pa kami." Sabi ng dalawang lalaking humihila sa'kin.

"Bitawan niyo ako O lilipad ang kamao ko sa inyo?!"

"I'm sorry miss Lucy, napag-utusan lang kami." Pagkatapos muli nila akong hinila palayo.

THE BLOOD OF LOVE #wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon