MFW💫11
Habang kumakain ay dumating si Buboy.
Minadali ko ang pagkain ko dahil may lakad kami ni Buboy"Oh Gabriel hindi ka pa naliligo" bungad naman nito
"Ay hi Tintin" baling nito sa kasama kong babae,"Kaen buboy" alok nito sabay ngiti
"Ay sige tapos na, dinaanan ko lang si Gabriel e"
"A-aalis kayo?" Tanong nya
"Uo, hihiramin ko lang tong Gabriel mo may papasukan kami gagawa ng bahay labor lang, mukhang pinapaiyak ka na nga ni Pareng Gabriel, hindi pa nagpapaalam sayo to ah"
Pagkasabing ganun ni Buboy ay ngumiti lang ang babae at ipinagpatuloy ang kanyang pagkain
"Hoy Buboy, maliligo lang ako aalis na tayo. Hwag na kung ano ano pinagsasasabi mo dyan"
"Oo na bilisan mo, seloso naman nito hahaha" muling biro nya
"Sira ulo" bawe ko naman.
Natapos ang dalawang araw na gawa namin sa bahay ng hipag ni Buboy.
Sa dalawang araw na yun ay ganun pa rin ang gawa ko.
Magtatrabaho sa umaga mag iinom sa gabi nang sagayon ay deretso tulog pagdating sa bahay.Araw ng lunes ngayon maaga akong gumising upang mag igib ng tubig para makaiwas sa mahabang pila,
Nang matapos akong mag igib ay nag punta ako sa palengke upang bumili ng almusal, at nang ulam at kanin na rin isang gulay at isang pritong isda saka dalawang supot ng kaninNaglalakad na ako Pabalik nang may isang bata ang biglang magsalita sa gilid ko.
"Ninong? Saan ka galing"
Bungad sakin ni Andrea ang anak ni buboy at lily."Oh, sinong kasama mo"
Gulat kong tanong sakanya"Ako lang po, bumili ako tinapay ninong"
Sagot nito sabay palita ng supot ng pandesal na dala nya"Ayos ah, pwede ka na palang mautusan"
Natatawa kong sabi sakanya.
Bigla ko namang naalala ang anak ko"Kuya magkano po yan?"
Narinig kong sabi ni Andrea.
Nilingon ko sya pero wala na sya sa tabe ko,
Napatingin ako sa dereksyon nya."Trenta lang" sagot naman ng nagtitinda
"Pwede po to?" Muling tanong ni Andrea at ipinakita ang limang piso sa palad nya.
Natawa ang nagtitinda bago umiling iling.
Paalis na sana si Andrea nang lumapit ako sakanila,
Tingin ko ay gustong gusto nya ang parang water gun pero imbis na tubig ang lumabas ay mga bula . Napakaraming bula"Gusto mo ba nyan?" Tanong ko sakanya
"Opo ninong, pero kulang pa po pera ko" malungkot na sagot nito sakin
Kumuha naman ako ng pera sa bulsa ko at bumili ng isa.
Saka inabot sakanya.
Abot tenga ang ngiti nya nang binigay ko sakanya ang laruan.Iniaabot nya pa sakin ang pera nyang limang piso pero hindi ko na ito tinanggap at sinabing ibili na lang nya ng pagkaen nya yon.
Habang naglalakad kami ay aliw na aliw nyang pinaglalaruan ang binili ko para sakanya."Ninong? Madami ka bang pera?"
Nagulat naman ako sa tanong nya."Bakit?"
"Kasi binili mo po ako nito"
Sabi nya sabay angat ng laruan nya.
"Sabi ni mama wala daw po kayong kapera pera ni ninang eh"
Dugtong pa nito"Bakit naman nasabi ng mama mo yun?"muling tanong ko
"Kasi po hindi nyo daw po mabilihan si ninang tintin ng tsenelas"
"A-ah eh, kasi hindi ko alam ang sukat ng paa nya" palusot ko naman
"Edi kagaya sa paa ni mama" agresibo ang bata ito at mabibo , talagang may sagot sya sa bawat sasabihin mo
"Ah ganun ba, hindi ko kasi alam eh"
Napapakamot na lang ako sa ulo dahil hindk ako makapaniwalang pati sa isang batang tulad ni Andea ay kailangan ko pa rin magpalusot.Hindi ko namalayan na andito na pala kami sa iskinita kung saan ang daan ko pauwe,
Bago pa kami maghiwalay ay muling nagsalita si Andrea"Pati po panty saka bra hindi mo binibilihan si ninang kaya binilihan na la--"
Sa pagkakataong ito ay maagap kong tinakpan ang bibig ni Andrea.
At nagpalingon lingon ako kung may nakarinig ba sa sinabi nya."Ssshh, ano ka bang bata ka, sige na umuwe ka na sainyo sa gilid ka lang dumaan ah"
Tumango tango lang ito saka nagpaalam na,
Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makapasok sya sa iskinita nila.Bago ako makarating sa mismong bahay ay naabutan ko sya sa pinto ng bahay na nagpapabaga sa lutuang di'uling,
Ito kasi ang gamit kong lutuan dito sa labas ng bahay pero wala naman akong kaldero at kaserola dito.
Tanging lumang takure lang na naiwan ng dating nakatira dito pati ang lutuang di'uling ay iniwan nilaHindi nya namalayan na nasa likod na nya ako, napatingin naman ako sa paa nya.
Nakayapak na naman sya dahil gamit ko ang tsenelas ,Napansin ko rin ang blouse at maong short na suot nya.
Kanino galing tong suot nya?
Binili rin ni lily?.
Bakit naman sya ibibili ni Lily.
Nagpapabili ba sya ?.
Siguro ay nagpapaawa sya kay Lily."Ipasok mo to dun, ako na dyan!"
Halos mapatayo naman sya sa pagkagulat nang bigla akong nagsalita sa likod nya.nang tuluyan na syang makatayo ay iniabot ko sakanya ang mga binili ko.
Agad naman nya itong ipinasok sa loob ng bahay.Habang nag aasikaso sya sa loob ng bahay ay napansin ko ang pasa nya sa braso pati na rin ang sa hita dahil nga sa nakashort sya.
Naalala ko kung paano ko syang hinatak papauwe at ibinalya sa higaan, kaya siguro nagkanda pasa pasa sya.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatingin sakanya ng magsalita sya."Gabriel bakit?"
"W-wala, kumain ka na may binili akong pansit saka tinapay dyan"
"Sabay na tayo"
Pumasok na rin ako ng bahay nang mapabaga ko na ang uling.
Hindi ko alam kung bakit pero napapatingin ako sakanya."San naman galing yang suot mo?"
Hindi ko na napigilan pa at naitanong ko na rin,
Kahit pa alam ko naman na kay lily"A-ah, binigay ito ni lily mga napagliitan nya daw na damit ito"
"Bakit ka naman binigyan?. Siguro nanghingi ka at nagpaawa"
"Naku hindi Gabriel, ayoko pa nga sana tanggapin ito pero napakapilit naman nya"
Siguro nga ay ipinilit ni Lily ang mga damit sakanya, ganun naman yung si Lily masyadong mapilit.
Hinayaan ko na lang ang bagay na yun. Hindi ko na pinalaki pa ang isyu hindi naman ako ganung klase ng tao,---
Hi mga besh,
Pa vote and like poOTW to quezon province :)
Its swimming time ^^#CayeLoves 💜💕
---