💫5

135 5 0
                                    

MFW💫5

Gabriel Pov

Napatingin ako sa suot kong relo,
Mag aala una na , halos limang oras na rin akong andito sa plaza.

Mukhang uulan pa yata ,
Kaya naisipan kong umuwe na.
Pinkiramdaman ko muna ang bahay bago tuluyang pumasok ,

Tahimik naman.
Marahil ay pinaalis na nga ni buboy ang babaeng yon.
Mabuti naman kung ganon.

Pumasok ako sa bahay at nakita kong nakahiga ang babae natutulog ito
Dahil sa pagdating ko ay nagising syang bigla.

Dahan dahan itong bumangon habang sapo sapo ang noo nya.
Matagal syang nakatingin sakin bago muling magsalita.

"Andyan ka na pala, kanina pa kita inaantay" sabi nito saka bumaba sa katre
Nakayapak itong nagpunta sa kusina saka tinanggal ang platong nakatakip sa mangkok
"Kain na tayo" muling sabi nya sabay ngiti

Napatingin na naman ako sa relo ko , ala una na.
Hindi pa rin sya kumakain?.
Hinintay pa talaga ko?. Gusto na naman ba nyang masigawan??.

Lumapit ako sa lamesa at tinignan ang laman ng mangkok,
Sinigang na isda.
"Saan galing to?" Tanong ko habang hindi tumitingin sakanya.

"Bigay ni lily.tara kain na tayo"

"Anong kakainin wala namang kanin?" Sabi ko at napatingin ako sakanya,
Ganun rin sya saakin.
Para namang may kung anong kakaiba sa mga mata nya at hindi ko matagalang tignan ito.
Nag iwas ako kaagad ng tingin.

Lumabas ako ng bahay
Nagpunta ako sa bahay nila buboy na isang iskinita lang ang layo saamin.

Kumatok ako at agad naman akong pinagbuksan ni buboy
"Oh" gulat sya nang makita ako,

"P-pasensya ka na kanina sa ginawa ko pare, nabigla lang ako"

Tinapik naman ako nito sa balikat
"Wala yon ano ka ba" lumingon ito at tinignan kung may tao bang makakarinig samin

"Pare? Mukhang nakalimot yung babae , siguro dahil sa pagkakabagok ng ulo nya. Hindi nya alam kung sino sya, at ang akala nya ay mag asawa kayo"

Napasapo naman ako sa noo ko,
"Yun na nga ang problema eh. Pano to?"

"Pare, sakyan mo na lang muna yung kung ano yung alam nya"

"Patong patong na kasinungalingan na to buboy, baka lalo tayong ipakulong ng babaeng yon kapag nalaman nya yung totoo" sabi ko naman

"K-kaya nga hwag muna eh, hwag muna natin sabihin, alamin muna natin kung taga saan talaga sya. Makibalita tayo sa lugar kung saan nangyare yung aksedente"
Ani ni buboy

Hindi ako nakasagot sa sinabi ni buboy
May punto rin naman sya,
Baka lalong magkanda letse letse ang buhay namin.

"Pare, sakyan mo na lang muna" buboy.

"P-pero si c-cristine" nangangatal kong sabe

"Pare maiintindihan naman ni tintin to, sobrang understanding ng asawa mo, hindi naman natin ginusto to e"

Natahimik naman ako, tama si buboy maintindihin at maalalahanin si cristine,
Pero hindi ko masisiguro kung maiintindihan nya ang ganitong bagay
Kilala ko ang asawa ko, tahimik at mahinhin na babae rin pero sobra kung magselos.
Kaya nya akong hindi pansinin ng isang buong linggo kapag nagseselos sya.

Nalungkot ako dahil sobrang na mimiss ko na sya.
Gusto ko na syang mahagkan at mayakap.
Bigla akong bumalik sa realidad ng muling magsalita si buboy

"Pare, hwag mo na lang paglalalabasin yung babae. Saka sanayin na natin na tawagin syang tintin. Para hindi sila maghinala"
Isang malalim na buntong hininga lang ang binitawan kong sagot

My Fake WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon