MFW 💫3
May limang minuto na rin ang lumipas nang makaalis sila buboy , pero hindi ko pa rin maharap ang babaeng kasama ko ngayon.
Nakatayo lang ako sa pinto habang nakatingin sa labas.Napalingon ako nang marinig kong may tumunog mula sa lamesa.
Nakita ko ang babae na may hawak na baso at akmang iinom ito.Itinuro ko ang supot ng pandesal sa lamesa
"Kumain ka na, pandesal yan"
Tumingin lang sakin ang babae , para syang isang mahinhin na babae na walang kamuwang muwang, hindi nakakatignan ang mukha nyabg napaka inosente,"H-hindi ka ba s-sasabay?" Tanong nya
Imbis na sumagot ay , ibinaling ko ang tingin ko sa iba.
Hindi ko yata kayang sumabay sakanya.
Pano na lang kung magtanong sya ng kung ano ano, paano ko ipapaliwanag ang lahat.
Talaga bang hindi nya maalala kung sino sya at kung anong nangyare?Nagulat ako nang biglang may humawak sa braso ko,
"Kaen na tayo" sabi nya sabay hila sa braso ko, para naman akong napaso sa mga hawak nya, mabilis kong inalis ang kamay nya sa pagkakahawak sa braso ko at muli ay umiwas ako sakanya."M-mauna ka na" sabi nang hindi sya tinitignan,
Iniwan ko syang nakatayo sa pinto ako naman ay pumunta sa katre at naupo doon,
Lumingon sya sakin at kita ko sa mga mata nya ang pagtataka.
Siguro ay napapaisip sya bakit ko sya iniiwasan,Maya maya pa ay humakbang sya papalapit sakin
"Sabayan mo na--""Hwag kang masyadong lumapit" putol ko sa sasabihin nya , kahit naguguluhan ay sinunod naman nya ang sinabi ko,
Hindi na sya muling humakbang papalapit saakin,Isang malalim na buntong hininga ang binitawan nya bago muling magsalita
"A-ayokong kumain mag isa, sabayan mo na ko" nakayuko sya habang sinasabi yon at hindi nga talaga sya umaalis sa kinatatayuan nya."Sanayin mo yang sarili mo na kumain ng mag isa!!" Sinabi ko yun ng pagalit para tumigil sya, tama mag gagalit galitan na lang ako para hindi nya ko kulitin.
"Kumain ka na dyan!!" Muling sigaw ko,
Nakayuko syang lumapit sa lamesa.Ayun naman pala eh , susunod rin naman pala kailangan pang masigaw sigawan .
Muli ay napatingin ako sakanya habang kumakain sya ng pandesal at kape,
May dalawang tasa ng kape sa mesa.
Pinag timpla nya rin ako ?
Muling napabaling ang tingin ko sakanya nang makitang nagpunas sya ng mukha ,
Umiiyak ? Teka, bakit umiiyak to??
Nagpupunas ng luha. Anong problema ng babaeng to??. Dahil ba sa nasigawan sya?
Yon lang umiyak na, tsk! ARTE!!Lumapit ako sa lamesa at kumuha ng isang pandesal ,
"Akin ba to?" Tanong ko habang turo turo yung isang tasa ng kape,Muli syang nagpunas ng luha sa kanyang mga pisngi bago sumagot.
"O-oo" mahinang sagot nyaPara bang lalo naman akong nabwesit,
Asar na asar talaga ako sa mga babaeng maaarte, bakit kailangan pang mag inarte, may mga babae ngang ubod rin naman ng ganda pero hindi umaarte ng ganito.
Hindi ko napigilan ang sarili kong tignan ang pag iyak iyak nya ng wala namang dahilan,"Ano bang iniiyak iyak mo?!!. ANO!! NAKAKAIYAK BANG KUMAIM NG PANDESAL!!" Bulyaw ko sakanya. Hinigop ko ang kape sa tasa saka padabog na ibinaba ito sa lamesa ,
Wala akong pakelam kung mabasag ito oh hindi ! Nakakabwesit ! Pinapakain lang, iiyakan ka pa!"Pare" tawag sakin ni buboy
Parehas namin itong nilingon , at nang makita nya kung sino.
Muli syang yumuko at mabilis na nagpunas ng mga luha,Palapit na si buboy pero mabilis naman akong lumabas ng bahay at padabog na isinarado ang pinto ng bahay ,
Buboy Pov
Papasok pa lang ako ng bahay ni pareng gabriel nang marinig ko syang sumisigaw ,
Sinisigawan nya yung babae sa harap ng hapag kainan."Pare" awat ko sakanya
Parehas silang napatingin sakin , pero mabilis na nag iwas ng tingin ang babae at nagpunas ng mga luha ,
Ano ba kasing nangyayare,
Bakit naman sinisigawan ni gabriel tong babaeng to.
Naaatim nyang sigaw sigawan at paiyakan ang maladyosang babae na to.Papalapit na sana ako sakanila nang biglang lumabas si gabriel at pabalibag na isinarado ang pinto ng kanyang bahay,
Napatingin ako sa babae na nakayuko at tahimik na umiiyak,
Mabilis nyang pinupunasan ang mga luhang bumabagsak mula sakanyang mga mata."S-sandali lang ah" sabi ko at tumango lang ito sakin nang hindi ako tinitignan .
Lumabas ako ng bahay at hinabol si gabriel,
Nakita ko syang nagsisindi ng sigarilyo sa isang tindahan."Gabriel!!" Tawag ko sakanya
Hindi ito sumagot, kunot noo nya lamang akong tinignan.
"Gabriel ano yon ?. Anong nangyare?" Tanong ko sakanya
"Sabihin mo na yung totoo dun, sabihin na natin yung totoo na--"
"Na ano? Na mabangga natin sya, namuntik na syang mamatay dahil satin, na dapat ay hahayaan na natin syang mahulog sa bangin"
Sa punto ito ako naman ang naiinis,
Natahimik si gabriel sa mga sinabi ko"Ano? Yun ba ang gusto mo gabriel ? Ang makulong tayo ? Ang makulong ako nang sagayon ay parehas magkanda sira sira ang mga buhay natin"
Napakamot ako sa ulo , at lalong kumunot naman ang noo ni gabriel."Sabi ko naman kasi sayo , iwan na natin yang babaeng yan don. Kung iniwan natin yan don wala tayong ganitong problema diba" nag iwas ng tingin sakin si Gabriel, alam kong galit na galit na rin sya
"Hindi nya kilala kung sino sya, hindi nya alam kung nasan sya. Sakyan mo na lang kung ano yung alam nya"
Muling nilingon ako ni gabriel at kita ko sa mga mata nya ang matinding galit
"Ang alam nya , sya si Cristine!! Hindi nyo pwedeng ipagamit sa babaeng yon ang katauhan ng asawa ko!!!""Ano bang masama don ?. Wala namang nakakakilala sakanya dito , wala rin namang nakakakilala sayo!!" Parehas nang mainit ang ulo namin ni Gabriel
Laking gulat ko nang kwelyuhan nya ako at tignan ng matalim,
"Paalisin mo na yang babaeng yan sa bahay, gusto ko pagbalik ko wala na yan!!"
Pagkasabi non ay saka nya ako binitawan,Lumakad sya palayo, ako naman ay inayos ang sarili.
Nilingon lingon ko ang paligid at wala namang tao ang nakarinig sa usapan namin ni Gabriel,Hindi ko na rin alam ang gagawin ko, hindi ko na alam kung ano ang tama at mali.
Mukhang sa ganito pa matatapos ang pagkakaibigan namin ni Gabriel kung hindi namin agad ito maaayos,Bumalik ako sa bahay ni pareng gabriel para tignan at kausapin ang babae
Pagpasok ko ay nakita kong naglilinis ito ng bahay.---
Hi mga besh, G na G po si kuya mong Gabriel 😂
Loyal naman pala kasi sa asawa 😊
CayeLOVES 💜💞
#MFW💕
---
![](https://img.wattpad.com/cover/140042309-288-k65934.jpg)