MFW💫29
Maaga akong gumising upang simulan ang paghahanap buhay,
nakasanayan na ni Tin na gumising ng maaga at mag asikaso sa bahay pati na rin ang asikasuhin ako bago ako tuluyang mamasada,
masaya kaming nag aalmusal nang may marinig kaming katok mula sa pintuan,
tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Tin at sinabing sya na ang magbubukas ng pinto."Ano po ang kailangan nyo? "
rinig kong tanong ni Cristine kaya naman napadungaw na rin ako sa bandang pintuan."nasaan si Gabriel?"
nang marinig ko ang pangalan ko ay tuluyan na nga akong tumayo sa hapag kainan upang tignan kung sino ang kausap ni Cristine.
parang nang lambot ang mga tuhod ko nang makita ko kung sino ang babaeng kausap ni Cristine.
halos hindi ako makalapit sakanilang dalawa sa sobrang kaba."Gabriel, hindi mo ba ako papapasukin sa loob ng bahay? "
" P-Pasok po kayo N-Nay"
utal kong sabibakas sa mukha nya ang pigil na galit.
at may pagtataka naman sa mukha ni Cristine."Gabriel anak, gusto mo bang ipaliwanag ang lahat saakin?. dahil hindi ko ito naiintindihan, sino ang babaeng ito? "
hindi ako makapag salita, madidiin na pag lunok na lamang ang tanging nagawa ko,
ramdam ko ang butil butil na pawis sa noo ko." may mga balitang nakarating saamin na may babae ka raw na inuwi dito. ang sabi ko nga ay hindi ako maniniwala hanggat hindi ako mismo ang makakakita"
tila na lunok ko ang sariling kong dila kaya di makasagot sa lahat ng tanong ni nanay.
" A-Ako po ang asawa ni Gabriel, Cristine po ang pangalan ko"
sagot ni Cristine."C'Cristine?!. Cristine ang pangalan mo at mag asawa kayo ni Gabriel?"
" opo "
"matagal na ba kayong mag asawa? anong buong pangalan mo?"
"opo matagal na po, Cristine Dimalin Alegre. bakit ho? "
halos malusaw ako sa kinatatayuan ko ng tignan ako ni nanay delya na parang dismayang dismaya
"N-Nay m-magpapaliwanag po ako"
"sobra na ito Gabriel, hindi ko akalain na ganito ang gagawin mo sa anak ko. akala ko ba ay mahal mo si tintin"
nag umpisa nang umagos ang luha sa mga mata ng nanay ni Cristine na tila hindi matatapos.
nanginginig ako sa halong takot kaba at kahihiyan na nararamdaman ko ngayon."ang makisama kaagad sa ibang babae ay hindi namin matanggap. pilit namin inintindi ang pangungulila mo, pero ang pag papagamit ng katauhan ng anak ko sa ibang babae ay kalabisan na Gabriel!!. Kung alam ko lang na ganitong klase ng tao ka noon pa lang sana ay naging tutol na ako sainyo ng anak ko, baka sakaling hanggang ngayon ay nakakapiling ko pa ang anak ko!! MAHIYA KA NAMAN SA YUMAONG KALULUWA NG ASAWA ANAK MO!!! "
tuluyan na ngang umalis nang umiiyak at galit na galit si Nanay delya.
gusto kong hilingin sa dyos na sana ay lamunin na lamang ako ng lupa." G-Gabriel, T-Totoo ba ang lahat ng narinig ko? "
ngatal at pigil ang luhang hinarap ako ni Cristine.hindi na ako nakasagot, tanging pag tango na lamang ng naging tugon ko sa tanong nya
" B-Bakit nya sinasabing pinapagamit mo saakin yung katauhan ng anak nya?. Sino bang Cristine ang tinutukoy nya? "
" Si Cristine, A-ang anak nya ay ang asawa ko at may anak kami"
"eh ako?! sino ba ko?! S-Sino ba ko sa buhay mo? "