💫25

77 3 0
                                    

MFW💫25

Tirik na ang araw nang muli akong nagising ang akala ko kanina ay hindi na ako makakatulog pero may isang pilyong Gabriel ang nagpainit ng dapat ay malamig kong dapit araw

Pagmulat ko ng mata ay wala na si Gabriel sa tabe ko,
Nakabihis na rin ako ng pang ibaba kong short pero damit ni Gabriel ang suot kong pang itaas.
Bumangon ako at inayos ang aming higaan
Naglinis na rin ako sa bahay at nag asikaso,

"Akala ko ba walang pasok si Gabriel ngayon, bakit wala sya??"
Sabi ko sa sarili ko habang nag aasikaso,

Palabas na sana ako upang magsalok ng tubig nang makita ko si Gabriel sa igiban ng tubig,
Kasama at kakwentuhan ang parang higad na si Aira

Tila parang nakakatuwa ang pinag uusapan ng dalawang to ah,
Panay ang hawak ni Aira kay Gabriel nakikita ko namang napapangiti rin si Gabriel,

Bumalik ako sa loob ng bahay
Aminado akong naaasar ako sa kung ano ang nakita ko sa labasan,
Pero ayokong magmukhang isip bata at magselos kaya mananahimik na Lang ako at kunware ay hindi sila nakita.

Ilang sandali pa ay pumasok na si Gabriel pawisan at medyo hinihingal pa galing sa pagkaka igib,
Tinignan ko lang ito at agad namang ngumiti saakin,

Tinalikuran ko sya at nagpunta sa lababo upang mag bisibisihan,
Dahil naiirita akong nakikita si Gabriel na ngumingiti ngiti saakin na parang walang nagawang kasalanan saakin,

Napahinto ako sa ginagawa ko nang bigya akong niyakap nito mula sa pagkakatalikod,
Marahan pa akong hinalikan sa bandang batok ko,

"Ano ba!!"
Saway ko sakanya.

"Bakit?"
Tanong nya

"Ang pawis pawis mo eh"

"Pawis rin naman ako kaninang madaling araw pero niyayakap mo pa rin ako kanina"
Natatawa pang aasar nya sakin

"Tigilan mo nga ako Gabriel!"

"Kain na tayo, anong aalmusalin natin?"

"Kumain ka mag isa mo!!"
Inis kong sabi sakanya.
Ewan ko ba naiinis talaga ko eh.

Napansin na nya siguro na asar na talaga ako, iniharap nya ako sakanya
"Bakit ang sungit mo?. Anong problema??"

"Wala"
Walang ganang sagot ko

"Ano nga?"

"Wala sabi ko diba"

"Hindi ka magkakaganyan kung wala lang Cristine"

"Sinabi ko na ngang wala eh"

"Hindi ako manghuhula , kung galit ka sabihin mo. Kasi wala akong alam na ginawa kong ikakagalit mo"

Parang nagpantig naman ang tenga ko sa mga narinig kong sinabi ni Gabriel,
Wow!! Wala daw syang ginawang ikakagalit ko,
Sampalin ko kaya ng platong babasagin tong lalakeng to -__-

"Ah wala pala??"

"Wala nga"
Mabilis na sagot nya

"Puntahan mo si Aira, sya tanungin mo. Baka alam nya kung bakit"

Magpupunta ako sa higaan at muli sanang hihiga nang bigla nya akong marahan na hilain,

"Halika nga dito"
Sabi nya at hinawakan ako ng mahigpit sa magkabilang bisig ko

Nakakainis pa lalo dahil nakangiti pa ito habang nakatingin saakin,
Nakataas naman ang kilay ko at hindi ko matago ang pagka irita sa mukha ko.

"Nagseselos ka na naman kay Aira?"
Nakangising sabi nito saakin

My Fake WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon