💫18

105 3 0
                                    

MFW💫18

Nasa palengke na ako nang mapadaan ako sa bilihan nang ulam,
Bumili ako nang ulam namin

Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko syang nakahiga
Medyo magulo rin ang loob nang bahay.
Halatang hindi nalilinisan.

"Tin"
Pagtawag ko sa atensyon nya.

Agad naman itong lumingon at umupo mula sa pagkakahiga nya sa higaan.

"G-gabriel, d-dumating ka na pala"
Tatayo sana sya , pansin kong hirap itong kumilos.
Wala naman syang lagnat pero maputla sya.

Nilapitan ko sya at agad na niyakap.
Agad rin syang yumakap sakin , maya maya ay naramdam kong umiiyak na sya.

"Sorry, im sorry Gabriel"
Sabi nito at umiiyak

"Sshh, tahan na. Tama na"
Pag aalo ko sakanya

"Yung anak natin"
Sabi nya saka humarap saakin,
Parang isang bukas na gripong patuloy ang pag agos.
Niyakap ko syang muli.

"Wala kang kasalanan , siguro hindi pa sya para satin. Tama na, baka magkasakit ka pa sa kakaiyak mo"

Ihinarap ko sya sa akin, at pinunasan ang luha nya.
"Naligo ka na ba?"
Pabiro kong tanong sakanya.

Umiling iling ito sakin

"Kailan pa?. Simula nung umalis ako?"
Biro ko

"Grabe, hindi ah. Kahapon lang"

"Haha, pumasok ka na sa banyo, ipag iigib kita nang tubig pang ligo amoy kahapon ka pa eh, Tapos kakaen na tayo"
Sabi ko, inalalayan ko syang tumayo

Nang pumasok sya sa loob nang banyo ay nag igib na ako nang tubig.
Pagtapos ay nag linis ako saglit sa lababo at nagwalis sa loob nang bahay,
Pagkatapos ay naghain na ako nang pagkaen namin.

Saktong tapos na rin syang maligo.
Suot nya ang damit ko at boxer short ko,
Napangiti ako nang makita ko sya.
Hihiga na naman sana sya.

"Kakaen na tayo"
Sabi ko

"Busog pa ko"
Sagot nya sakin.

"Pano kang nabusog?. Anong kinaen mo"

"M-mamaya na lang ako kakaen"

"Ngayon na, sabay tayo"
Sabi ko , nilapitan ko sya at hinatak papuntang mesa.

Sumunod naman ito,
Pero hindi gaya nang dati.
Hindi na sya magana kumaen.
Parang tatlo o apat na subo lang ang ginawa nya.
Wala daw talaga syang ganang kumaen,

Hinayaan ko na lang at hindi na pinilit pang kumaen,
Matapos kumaen ay naghugas sya nang plato.
Lumabas naman ako para bumili nang sigarilyo.

Nakakita ako nang hopia sa tindahan kaya bumili ako nang limang piraso.
Pagbalik ko sa bahay ay nag aayos na sya nang higaan.

"Tin, binilihan kita nang hopia"
Sabi ko sakanya.

"H-ha? Bakit"

"Wala, baka gusto mo lang. Diba palagi kang nagpapabili sakin nito"

"Pakilagay na lang muna sa lamesa, kakainin ko kapag naguom ako"

Sabi nito na parang biglang lumungkot ang tono,
Ayaw na nya nang hopia ?
Bakit naman kaya.
Nagustuhan lang ba nya yon dahil sa nagbubuntis sya nung nakaraan.

Matapos mag ayos nang higaan ay pumanik na sya agad at natulog na.
Tama nga si Lily.
Nawalang bigla ang kaibigan nyang masigla at pala ngiti.

Hinayaan ko na lang at inintindi,
Alam kong hindi madali para sa isang ina ang pinag dadaanan nya.
Siguro nga ay ganon kaimportan sa isang babae ang bata sakanilang sinapupunan

My Fake WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon