💫34

101 5 2
                                    

MFW💫34


"andito na po tayo maam"
sabi nito saakin,
pinagbuksan pa ako nito ng pinto ng kotse.

papasok na sana ako sa building nang marinig ko ulit itong magsalita.

"babalik na lang po ako maam, ihahatid ko pa po ang mommy nyo sa trabaho"
sabi nito at mabilis na sumakay ng kotse at pinaandar ito..

Maam??.
ano bang maam ang pinagsasasabe nya??.
hindi ba nya ko kilala?!.
bakit kung kausapin nya ako tila bang ibang tao ako para sakanya.
ano bang nangyayare sakanya.
nung huling pag kikita lang namin ay nagmamakaawa sya saakin para lang makausap ako at ngayon ito sya at umaarteng parang hindi ako kilala.
ano bang nangyayare sakanya?!.

habang nasa opisina ay hindi rin ako makapag focus sa pagtatrabaho dahil sa kakaisip kay Gabriel.
bakit biglang nagbago ang pagtrato nya saakin,
bakit kumikilos sya na parang di ako kilala..
inutos ba ito ni mommy??. ng kapatid kong si Nathan??.
gulong gulo na ko.

ilang oras rin akong nasa opisina nang pumasok si Gigi.
sinabi nitong mag aalas singko na at may iba pa ba akong  kailangan dahil pauwe na sya.
napatingin naman ako sa relo ko.
oo nga mag uuwian na, sa lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan ang oras.

tinapos ko pa ang ginagawa ko kaya ako na lang ang naiwan dito sa office,
nakasalubong ko pa ang nag iikot na guard at binati ako nito.
medyo madilim na rin paglabas ko.

paglabas ko ay nakita kong nakaparada na ang kotse ni mommy sa labas ng building.
agad namang lumabas si Gabriel at pinagbuksan ako ng pinto.

nang makalapit ako sakanya ay napabuntong hininga na lang ako nang ganun pa rin ang pag trato nito saakin.
pero gaya ng kanina ay parang hindi nya pa rin ako kilala at hindi kinakausap.

"G'Gabriel"
pagbasag ko sa katahimikan.

"bakit po maam? "
sagot nya nang hindi ako tinitignan at seryosong nagmamaneho.

parang may kung anong tumusok naman sa puso ko sa naging tugon nya saakin.
bakit?!. bakit ako nasasaktan?.
dahil ba sa malamig na pagtrato nya saakin?!.
ganito na lang ba talaga nya ko kakausapin?!.
h'hindi ba sya magpapaliwanag??  hihingi ng tawad??.
nagbago na ba ang tingin nya saakin dahil sa ginawa ng kapatid at mommy ko sakanyang pagpapakulong?.

oo alam kong hindi ko sya hinayaan magpaliwanag nung una pero dahil lang yon sa galit ko at hindi pa ako handang makinig sa kahit na anong paliwanag na mang gagaling sakanya.
pero ngayon na kalmado ang lahat wala ba syang balak na kausapin ako??.
ayaw na ba nya?. sawa na ba sya??.

"maam?. may problema po ba?. bakit po kayo umiiyak? "

mabilis kong pinunasan ang mga luha ko dahil sa sinabi nito.
hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

" w'wala"
yon na lang ang nasabe ko at tumingin sa tanawin sa labas ng sasakyan.

ang sakit pala.
pakiramdam ko hindi na ako importante kay Gabriel,
parang isang amo at emplyeyado na lang ang turingan namin.
o mas masahol pa don,

kung ganito nya ako itatrato paano ko masasabi sakanya ang tungkol sa batang dinadala ko,
paano kung sabihin ko sakanya pero patuloy pa rin ang ganitong pagtrato nya saakin o bigla na lang syang mawala at iwasan ako.
kaya ko bang palakihin ng mag isa ang bata?.
ayoko rin naman iasa kila mommy at nathan ang magiging buhay namin ng magiging anak ko.
may sarili rin silang buhay at sobra sobra na ang tulong at pagsasakripisyo nila para saakin.

nang makarating kami sa bahay ay pinilit ko ang sarili kong umayos dahil ayokong mag alala pa saakin si mommy.
sinalubong ako ni mommy at nagtanong tungkol sa trabaho ko.
sumagot lang ako sa bawat tanong nito saakin tapos ay nagpaalam na akong magpapahinga muna sa kwarto.

magpapahinga sana ako pero kahit anong pilit ko ay hindi ako makatulog.
naiisip at naiisip ko pa rin si Gabriel kahit na ayoko,
pumasok ako sa cr para mag shower,

habang naliligo ay tinitignan ko ang imahe ko sa salamin sa loob ng cr,
natuonan ko ng pansin ang tyan ko mabilis na tumulo ang mga luha ko.
"mukhang tayo lang munang dalawa baby, si papa kasi wala na atang balak makipag ayos kay mama"
pagkausap ko sa batang nasa loob ng sinapupunan ko na tila ba sasagot rin ito.

nang matapos maligo ay nag asikaso na ako para bumaba,
alam kong ready na ang dinner at ayoko namang gutumin pati ang batang nasa tyan ko. isa pa wala si Nathan,  ayokong kumain ng mag isa si Mommy.

pagpunta ko sa kusina ay nakita kong naghahain pa lang si manang, tutulong sana ako pero ayaw ako nito patulungin..
kaya lumabas muna ako para maglakad lakad sa garden nang makita si Gabriel na naglilinis ng kotse,

"Gabriel"

"maam kayo po pala"

"Gabriel pwede bang mag usap tayo"
lakas loob kong sabe sakanya,  kahit pa hindi ko alam kung paano uumpisahan ang usapang ito.

"bakit po maam? ano po ba yon? "
seryosong sabe nito

" Gabriel, ano bang ginagawa mo dito. a'ano ba tong ginagawa mo"

"nagtatrabaho po"
walang ganang sagot nya

"bakit mo ako ganito kung tratuhin Gabriel?. ano ba? wala ka bang sasabihin"
pilit kong pinipigilan ang pag iyak.

"maam paano po ba ang tamang pakikipag usap ng isang trabahador sa amo nya?. mali po ba ito maam? "

" Gabriel naman, tigilan mo na to pwede ba? "
sa punto ito ay hindi ko na talaga kinaya pa at bumuhos na ang luha ko,
iyak na ako ng iyak.

" akala mo ba gusto ko to?. akala mo ba gusto kong pinapamukha saakin kung gaano ako kababa, kung gaano kalayo ng agwat natin. kung gaano ka kataas, amo kita. driver lang ako"
kita ko sa mga mata nya ang galit

"B'bakit ka kasi pumayag"

"may iba pa ba akong pagpipilian, kailangan ako ng mga kapatid ko. para makabayad sa pag pyansa saakin ng mommy mo dahil pinakulong ako ng kapatid mo kailangan kong maging driver ng mommy mo. pinag isipan ko rin naman itong mabuti maam, kapag matapos ko ang utang ko sa mommy mo hwag kang mag alala ako na mismo ang lalayo sayo. at hinding hindi na kita guguluhin pa"

hindi ko na alam kung anong dapat isipin o sabihin kay Gabriel pero isa lang ang nasisiguro ko,
alam kong nasasaktan sya dahil sa mga nangyayareng ito saknya.
maging saakin ay masakit rin ito. hindi ko kayang makitang ganito si Gabriel.
ang sakit sakit pero wala akong magawa.

sinabihan ako ni Gabriel na tumigil na sa pag iyak at mas mabuti pang pumasok na sa loob dahil hindi magandang makita kaming nag uusap ng ganito ng ibang tao.
wala akong nagawa kundi sundin na lang ang sinabi nya.

kapag kaharap ko si Mommy ay nagpapanggap akong ayos lang ang lahat at walang problema,
ayokong ipakita sakanya na mahina ako at umiiyak..
dahil sa wala akong magawa pilit na lang akong nagpapakatatag para sa batang nasa sinapupunan ko.






---


mag vote kayo!!!!
mag comments na riiiin,
ang tatamad ah!! 😂😂✌️

#cayeL❤️VES😘💞

---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Fake WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon