MFW💫26
@Resort
Gabriel Pov
Marahan kong hinawakan ang mukha ni Tintin upang gisingin ito,
Agad naman itong nagmulat ng kanyang mata."Andito na tayo"
Bulong ko sakanyaNag ayos naman agad ito nang upo nang makitang nagsisilakad na ang iba naming kasamang nakasakay sa bus pababa,
Sumilip ito sa bintana at parang nasilaw pa sa sikat ng araw.
"Ilang oras yung byahe??""Apat na oras, tara na"
Sabi ko nang makababa na yung iba naming kasama,Tinuro saamin ang kanya kanya naming kwarto,
Sa isang kwarto ay may apat na king size bed. Kasama namin sila buboy sa kwarto at may dalawang pamilya pa kaming kasama sa kwarto.Inayos ni tintin ang gamit namin maya maya at tinawag na kami upang mag almusal,
Bumaba na kami upang makihalubilo sa iba,Pansin kong agaw atensyon si Tintin sa mga katrabaho kong mga binata at kahit pa sa may mga asawa na, napapatingin sila kay tintin, na kala mo ay may nakitang artista.
"Ninang swimming tayo mamaya"
Sabi ni AndreaNgumiti naman sakanya si Tintin at sinabing kumain na muna bago magswimming.
Kumain kami tapos ay nagpasya kaming maglakad lakad ni tintinTuwang tuwa sya dahil sobrang ganda daw dito,
Hindi namin napansin na kasunod lang pala namin ang mag inang si Lily at Andrea"Ninang!!"
"Oh, andito rin pala kayo"
Bati ni Tintin"Ninang picture tayo don oh sa mga puno"
Sabi ni AndreaAgad naman na nagpunta si Tintin akay akay si Andrea at pinicturan sila ni Lily
"Oh sali naman ako"
Masiglang sabi ni Lily,"Akina picturan ko kayo"
Sabi ko"Hwag na , don ka na lang sa tabe ni Tintin. Sumali ka na rin groupie tayo"
Sabi nya at itinulak pa ako papalapit kay Tintin."Oh kayo naman solo kayong mag asawa"
Sabi nya ulit.
"Gabriel, lumapit ka naman sa asawa mo, akbayan mo naman, yan ganyan... Oh ibang pose naman"
Tapos ay ginawa ko na lang ang sinabi ni Lily.Maya maya ay nag paalam na ang dalawa na magsuswimming na,
Kami naman ni Tintin ay pinagpatuloy ang paglalakadHabang naglalakad kami ay pansin ko ang mga matang nakatingin kay Tintin,
Hindi ko alam kung napapansin nya ba ito o hindi lang nya pinapansin,
Panay ang kwento nya tungkol sa mga pinagkukwentuhan nila ni Lily.
Sa tuwing tumatawa ito ay lalo lumilitaw ang kagandahan nya.Sumapit ang dapit silim (tama ba??? Diko alam kung tama ba yung term😂✌)
At naisip namin ni Tintin na maligo na sa dagat,Masaya kaming naligo kasama sila andrea at Lily,
Nakipag laro kami kay Andrea dahil hindi naman masyadong makapaglaro ang Mama nya dahil nga buntis ito.
Nakipaglaro kami ng taya tayaan kay Andrea, maliit lang si Andrea kaya kami ni Tintin ay hanggang bewang lang namin ang tubig habang hanggang balikat naman ni Andrea,
Hindi namin kasama ang Papa nya dahil
Nakikipag inuman kasi si Buboy sa iba pa naming mga katrabaho,
Kanina pa nila ako niyayaya pero sinabe ko na lang na susunod na lang ako.Habang naglalaro ay may iilang grupo ng lalake ang pansin kong lumalapit lapit kung nasaan nakapwesto si Tintin,
Basa na kami dahil sa kakalaro. At hapit na hapit na sa katawan ni Tintin ang damit na suot nya,
Naka Vneck shirt kasi sya at maong short.
May mga babaeng naka two piece pero hindi ko hahayaang mag ganon si Tintin.