MFW💫16
"Hindi ka parin tapos?. Balak mo bang ngatngatin pati kaldero't kaserola"
Natatawa kong biro sakanya"Masarap ka palang magluto eh" sabi naman nito saakin.
"Sus, nang uto ka pa. Oh hayan ang hopia mo. Ang takaw mo"
Inilapag ko ang hopia sa mesa.Nauna na akong nahiga sakanya.
Naghugas muna sya nang plato bago tumabe sakin matulog.Maya maya ay natulog na rin kami,
Kahit magkatabe kaming natutulog ay palagi akong nakatalikod sakanya.Nagising ako nang madaling araw dahil sa may narinig akong kumakaluskus sa kusina,
Nang magmulat ako nang mata ay nakita kong nasa lamesa sya at kumakain na naman.Hindi ko na lang ito pinansin at bumalik na lang sa pagtulog.
Ganon ba ko kasarap magluto?
Kaya kahit madaling araw na ay gigising pa rin sya para kumain.Hindi nagtagal ay naramdaman kong dahan dahan na itong pumapanaog sa higaan ,
Hindi ko na lang ito pinansin at tuluyan nang bumalik sa pagkakatulog.Kinabukasan ay nahuli ako nang gising kaya naman mabilis na lang akong kumilos, bumili nang pagkain nag igib at nag asikaso para pumasok.
Habang sya ay mahimbing na mahimbing na natutulog pa rin.Umalis ako at pumasok na sa trabaho,
Gaya nang dati buong araw na naman kami ni Buboy na nasa loob nang delivery truck at magdeliver.Sumapit ang oras nang uwian ,
Maaga kaming nakauwe ni Buboy.
Pag uwe ko sa bahay ay naabutan ko na naman syang natutulog.ilang araw na rin syang ganito,
Kahit nung araw nang day off ko.
Wala syang ginawa kundi ang matulog.
Kikilos sa bahay maya maya ay matutulog.
Hinahayaan ko na lang sya dahil wala naman talagang magawa sa bahay .
Iniisip ko na baka naboboring lang talaga sya sa bahay kaya puro tulog na lang ang ginawa nya.Kaen tulog nang kaen tulog na lang ang ginagawa nang babaeng ito.
Ewan ko na lang kung hindi sya manaba sa pinag gagagawa nya dito sa bahay.Bago ako pumasok ay hinabilinan ko sya na maglaba at gagabihin rin ako sa pag uwe dahil malayo ang pagdedeliveran namin ni Buboy ngayon.
Kahit nakapikit pa ay sumagot naman ito
Maaga akong umalis kaya hinayaan ko na lang syang matulog.Probinsya nang laguna ang pagdeddliveran namin ni Buboy ngayon.
Habang palabas na kami nang laguna ay napadaan kami ni Pareng Buboy sa isang tindahan nang mga pasalubong.Bumili si Buboy nang ipapasalubong nya sa asawa't anak nya.
Nakakita ako nang karton nang hopia.
Bigla kong naalala na itong mga nagdaang araw ay nahihilig sa pagkaen nang hopia ang babaeng yon.
Kaya napabili na rin ako nang isang kahon nang hopia.Habang nasa byahe ay masaya kaming nagbibiruan ni buboy.
Nang may biglang tumawag sa cellphone nya."Oh bakit?"
Sabi nya nang masagot ang tawag sa cellphone."Ha??!. Pauwe pa lang kami eh"
Napakunot naman ang noo ko nang marinig kong halos mapasigaw si Buboy."Oo sige, magmamadali na kami"
Sabi nito at ibinaba na ang tawag sa cellphone."Bakit pare anong problema?"
Tanong ko."Si Tintin daw , dinala nang barangay center sa palengke"
Nangangatal na sabi nito"Ha?. B-bakit daw?"
"Hindi ko alam eh, hindi ko na naitanong natataranta na kasi si Lily pinagmamadali na tayong umuwe"
Hindi ko rin alam kung bakit pero may isang bahagi sa isip at puso ko na nag aalala ako para sa babaeng yon.
Kung ano ang nangyare sakanya.Nang makarating kami nang hi way ay pinauna na ako ni Buboy na umuwe,
Sya na lang daw ang magbabalik nang truck sa warehouse at magpapaliwanag sa amo namin kung ano ang nangyare.Alas sais na nang makarating ako sa center, agad kong nakita si Lily kasama ang anak nilang si Andrea.
Nakita kong nakahiga ang babaeng iyon sa isa sa mga bed sa clinic.
Pansin ko ring namumugto ang mata nya."Ikaw ba ang mister ng pasyente?"
Tanong nang isang ginang na sa tingin ko ay doctor dito sa center.Tumango na lamang ako.
"Ano pong nangyare doc?"
Nag aalalang tanong ko."Ligtas na si misis, pero hindi kinaya ni Baby--"
Gulat kong nilingon ang ginang na nagsasalita sa harap ko.
"--hindi mahigpit ang kapit nang bata Mister kaya maselan magbuntis si Misis, kahit ligtas na si Misis dapat ay maalagaan parin sya pag uwe nang bahay dahil mas dilekado ang binat"
Paliwanag saakin nang doctor."B-buntis sya?"
Tanong ko sa doctor nang hindi ito tinitignan.
Nakapako lang ang mga mata ko sa babaeng nakahiga at walag humpay ang pag agos nang luha."Oo, hindi nyo ba alam na buntis ang Misis mo?. She's 6 weeks pregnant sir,"
Saad nito saakin.
Sinabi nya ring pwede na kaming umuwe,
Okay na ang lahat ang mahalaga ay makapag pahinga ang pasyente.Sinamahan ako ni Lily hanggang sa makarating kami sa bahay.
Labis ang pag aalala nya para sa kaibigan nya.
Nagpasalamat ako sakanya at sinabi pwede na silang umuwe mag ina dahil baka sobra ko na silang na aabala.Nang makauwe sila Lily ay wala na akong ibang narinig kundi ang bawat lag hikbi nya.
Tahimik syang umiiyak.
Ilang beses ko syang sinabihan na tumigil na sa kakaiyak dahil baka kung ano pa ang mangyare sakanya,
Hanggang sa nakatulog na lang ito sa pagod mula sa walang tigil nyang pag iyak.
Nang mahimbing na syang natutulog ay napaisip ako.Parang paulit ulit na plaka sa isipan ko ang bawat katagang binitawan nang doktorang nakausap ko kanina.
Sa hindi malamang dahilan ay bigla ko na lamang nasuntok ang pintuan nang banyo na syang dahilan nang pagkagulat nya at magising nang tuluyan.
Lumabas ako nang bahay at pabalibag na isinarado ang pinto nang bahay.
Malalim na ang gabe , pero ito ako at naglalakad.
Hanggang sa makita ko ang isang kaibigan naaya akong mag inom kaya napasama na rin ako.Gusto kong makalimot,
Dahil wala naman nang mangyayare kung iisipin ko nang iisipin ang batang namatay sa sinapupunan nang babaeng yon.Habang nasa inuman ay walang tigil ang isip ko sa kakatakbo,
Bakit nangyayare saakin ang mga bagay na to, bakit mabilis binawe sakin ang dapat ay magiging anak ko.Agad ba syang binawe nang panginoon dahil alam nitong bunga ang batang iyon nang isang malaking kasinungalingan.
Ganon ba ako kasamang tao para paghigantihan nang ganito nang panginoon.
Wala ba akong karapatan maging isang ama.---
😭😭💔Wala nang maraming kuda
Emoji - emoji na lang ang labanan dito :(#cayeLoves💜💕
---