💫1
"Pre, sigurado ka bang ayos ka lang maging pahenante?"
Tanong ni buboy sakin,"Oo naman"
"Pasensya ka na pare ah, hindi ko kasi alam na may nakuha na palang bagong driver. Naunahan tayo tuloy pahenante ang bagsak mo"
"Ok lang pre, salamat parin sanay naman akong magbubuhat ng mabibigat na bagay alam mo namang hindi kagandahan at napakapayak lang ng pamumuhay namin sa probinsya, naglakas loob lang akong lumuwas upang ibangon ang sarili ko sa kalugmukan."
"Oo sobrang mapayapa at simple lang sa probinsya natin, at sympre nabalitaan ko din ang nangyari sayo"
Hindi ako sumagot , umiwas lang ako ng tingin. Nang muling magsalita si pareng buboy sabay tapik sa balikat ko
"Pareng gabriel , ilang buwan na ang nakakalipas . Kalimutan mo na yun"
"Hwag na natin pag usapan pa yon" ngumiti ako ng pilit ganon rin si buboy at hindi na nga sya nagsalita pa
Ako si Gabriel, Gabriel Alegre. Tubong Cagayan Valley, pero naninirahan ako sa isang maliit na bahay malapit kila pareng buboy para makipag sapalaran sa buhay.
Naiwan sa probinsya ang pamilya ko ang mga magulang kapatid at ang aking mag ina.Ipinasok ako ni pareng buboy sakanyang trabaho , na dapat ay isa ring company driver pero naging pahenante naunahan kasi akong mag apply pero ayos lang dahil sa tingin ko ay hindi ko pa rin kayang magmaneho,
Isa pa hindi ko rin naman kabisado ang pasikot sikot dito sa maynila.Tapos na kame Magdeliver ng mga libro sa probinsya ng romblon pabalik na kami ng maynila medyo madilim at matarik ang zigzag na daan.
"ANAK NANG!!" Biglang sambit ni buboy na syang ikinagulat ko,
Nilingon ko ang daan, kahit ako ay nagulat nang biglang may tumawid na kambing umiwas si buboy kaya napunta kami sa kanang bahagi ng daan
Mapuno ang kanang bahagi ng daan bangin naman ang kaliwang bahagilaking gulat naming pareho ng biglang may isang kotseng itim ang sumulpot sa harap ng truck at sinubukang iwasan na mapabangga samin,
Mabilis namin nilingon ang itim na kotse, bumangga rin ito sa isang puno at halos laglag na ang kalahati ng kotse sa bangin, na para bang konting tulak na lang ay mahuhulog na ito
Mabilis kaming bumaba sa truck.
Lumingon lingon si buboy na para bang tinitignan kung may nakakita ba sa aksedenteng nangyare."Pare!! Tara na!!" Natatarantang sabi ni buboy sabay hatak sa kamay ko.
"Ha?! Hindi ba natin tutulungan yung driver?"
"Pare lika na!! Baka may makakita pa satin dito" balak ko na rin sanang umalis
Dahil tama si pareng buboy baka may makakita pa saamin dito nababasa ko ang nasa isip nya at alam kong ayaw nya ng problema.Nakailang hakbang pa lamang kami nang biglang maalala ko na baka may recording camera ang kotse.
"Pare baka may camera yung kotse. Baka nahagip ang plaka ng truck"
"Oo tama, yung dash cam. Kunin natin" bumalik kami sa itim na kotse para tignan ang camera.
Lumingon lingon pa ulit kami para tignan kung may ibang tao.
Madilim na rin, sinilip ni buboy sa bintana.
Ganun rin ang ginawa ko."Pare ayun oh!" Turo nya sakin.
Mas lumapit pa ako para makuha ang camera ,
Nakita kong nakayuko ang babaeng driver ng kotse aabutin ko na sana ang camera nang biglang gumalaw ang babae kaya naman nagpa ugoy ugoy ang kotse
![](https://img.wattpad.com/cover/140042309-288-k65934.jpg)