💫14

109 4 0
                                    

MFW💫14

Nang magising ako ay wala sya sa tabe ko,
Masakit man ang ulo ko sa puyat ay pilit akong bumangon.

Nakita ko syang nasa pinto at nagpapa apoy nang kahoy.
Ngumiti ito nang makitang nakatingin ako sakanya.

"Anong ginagawa mo dyan, may sakit ka diba" tanung ko sakanya.

"Maayos na ang pakiramdam ko, magaling yata ang doctor ko" pabirong sabi nya

Lumapit ako sakanya at sinapo ang noo nya, 
Hindi na nga sya ganun kainit pero sa pakiwari ko ay may sinat pa sya.

"Baka mabinat ka, tama na yan. Mahiga ka na dun, ako na dyan"
At kinuha ko sakanya ang ginagawa nya.

Agad naman nya akong sinunod at pumanik sa higaan naming katre.
Nakatingin lang ito sakin,

Nag pakulo ako nang tubig para sa kape, nag igib ako nang tubig at nagpunta na rin sa labas para bumili nang makakain,

"May pasok ako, kainin mo tong binili ko ha para makainom ka nang gamot. Siguraduhin mong nakakaen ka bago uminom nang gamot"

Tumango lamang ito bilang tugon,
Mabilis naman akong nag asikaso nang aking sarili para pumasok.

Habang nasa byahe kami ni Buboy ay mas panatag na ang kalooban ko dahil alam kong hindi na ganun kataas ang lagnat nya.

"Pare, kamusta si Tintin"
Tanong sakin ni buboy habang hindi inaalis ang mata nya sa daan.

"Ayos lang"
Tipid na sagot ko.

"Aba, mukhang ayos nga ah. Hindi ka na nagagalit kapag tinatawag ko syang tintin, hindi mo na sinasabing hindi sya si Cristine, hindi sya ang asawa ko"
Ani nito na ginagaya pa ang tono nang boses ko.

"Loko loko!"

"Alam mo pare tingin ko hindi na talaga makakaalala yung babaeng yon. Biruin mo ilang bwan na ang lumipas ni wala man lang tayong napapanuod sa balita na may hinahanap, nakailang balik na rin tayo sa romblon pero wala rin tayong nababalitang missing person don--"
Napabuntong hininga ito at lumingon saakin
"--Pare hindi kaya binigay talaga sya sayo nang panginoon"

"May asawa ako Buboy, sya ang bigay sakin nang Panginoon"
Agad kong sagot.

"Uo alam ko, pero tignan mo naman Pare, kung iisipin mo ang swerte mo. Napakagandang babae ang inuuwian mo gabi gabi, ewan ko ba naman sayo kung paanong naaatim mong paghintayin ang ganun ka gandang babae. Kahit hindi mo aminin sakin Pare, nasisiguro ko na minsan ka ring napatingin sa hubog nang kanyang katawan, lalake lang tayo pare. At anong magagawa natin kung ang tukso na mismo ang lumalapit saatin, lalo sayo. Nakakatabe mo pa ang tukso, ni minsan ba pare hindi mo sinubukang--"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya.

"Puro ka talaga kalokohan Buboy, pagmamaneho mo ang atupagin mo hindi yung kung ano ano" natatawang sabi ko naman sakanya.

Napapaisip rin ako sa sinabi ni Buboy,
Tama rin sya. Bakit ni wala man lang mga taong naghahanap sakanya.
Wala ba syang pamilya?.
Magulang o mga kapatid,

Pauwe na kami ni Buboy galing trabaho nang huminto sya sa isang tyangge at namimili nang mumurahing tsenelas na pang babae.
Siguro ay bibilihan nya si Lily.

"Pare sandali lang ah, bibili lang ako nang tsenelas. Si Lily kasi minamanas na ang paa kaya hindi na magkasya sakanya yung mga tsenelas nya"

Bigla ko namang naalala ang sinabi sakin ni Andrea, na hindi ko man lang daw mabilihan ang ninang nya nang tsenelas.

Ang batang yon talaga.
Kung alam nya lamang na lahat nang luho nang ninang nya , yung totoong ninang nya ay binibigay ko.
Hindi naman maluho ang asawa ko,
Pero yon na siguro ang nakakapag pasaya saakin, ang maibigay ang lahat lahat sakanya.

Lumapit ako at tumabe kay Buboy habang abalang abala na namimili nang tsenelas para kay Lily.

"Sya kaya, ano kayang size nun"
Sabi ko habang hawak ang isang terno nang tsenelas.

"Parang size 36 Cup.B"
Bulong sakin ni Buboy sabay bungisngis.

Marahan kong ihinampas ang tsenelas na hawak ko sa noo nya.
"Puro ka kalokohan!"
Natatawa naman nyang sinapo ang kanyang noo.

Mukhang maliit lang naman ang paa nya, dahil kapag sinusuot nya ang tsenelas ko ay sobrang laki nito sakanya.
Bibilihan ko na lang sya nang tsenelas.
Wala itong ibang ibig sabihin.

Bumili ako para hindi na nya sinusuot suot pa ang tsenelas ko
Saka mura lang naman, kaya napabili na rin ako.
Yun lang at walang ibang dahilan.

Pagdating sa bahay ay naabutan ko syang kumakain pa lang,
Mukhang magaling na nga sya.
Wala na ang pamumutla sa mukha nya at bumalik na rin ang sigla sa mukha nya.

"Ngayon ka pa lang kumakain"
Puna ko habang nagtatanggal nang sapatos.

"Kakatapos ko lang kasi maglinis nang bahay at maglaba"
Napatingin naman ako sa sampayan sa labas,
Kita iyon mula dito sa loob dahil merong bintana sa tapat ng lababo,

"Pati yung kumot nilabahan mo?"
Nag aalalang tanong ko, may dugo kasi yon. Yun yung kumot na nakasapin sa higaan nung gabing may nangyare sa amin.

"Uo"

"Oh ano?"
Tanong ko na naman.

"Anong ano?"
Nagtatakang tanong nya,
Ah. Eh uo nga naman, anung ano ba yon Gabriel?.

"Aah, wala. Akina yung tsenelas ko, oh itong isuot mo"
Sabi ko sabay hagis sa paahan nya ang supot nang plastick na naglalaman nang tsenelas na binili ko kanina para sakanya.

Agad naman nya itong kinuha,
Malapad ang ngiti nya at mabilis na sinukat.

"Salamat ha, Gabriel" sabi nito saakin

Mula nang binigay ko ang binili kong tsenelas para sakanya ay napansin kong buong gabing malapad ang ngiti nya.
Dahil ba ito sa binilihan ko sya nang tsenelas?.
Yon lang??. Eh hindi naman kamahalan yon, mumurahin nga lang eh masaya na sya agad .
Ganon ba talaga sya kababaw??.

Hindi ko na lang sya pinansin at nagpahinga na,
Maaga na naman ako bukas para maghanap buhay.

---
Headache attack 🎃🎃
Yung tipong kumikirot 😢
Haist , osha ipapahinga ko na itechiwa,

LiKE&&VOTE
salamat 😊

cayeLOVES💜💕
---

My Fake WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon