💫2

219 7 0
                                    

MFW💫2

Umalis na nga si buboy at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Napatingin ako sa babaeng mahimbing na natutulog sa higaan ko.

"Anong gulo ba tong napasok ko"
Bulong ko sa sarili at naihilamos ko na lang ang palad ko sa aking mukha,

Tinignan ko ang babae habang natutulog. Mukha syang anak mayaman.
Ang kinis ng balat at hindi maikakailang maganda sya.
Mahaba ang buhok nya , matangos ang ilong manipis at mapula ang mga labi mahaba ang pilik mata at mamula mula ang mga pisngi,

Sana ay maintindihan nya ang pangyayare at sana rin ay walang gulo maganap dahil hindi naman yan ang ipinunta ko dito , andito ako upang maghanap ng trabaho sa manila nang makatulong kila inay at itay sa mga bayarin

Tinignan ko ang relo.
Alas tres na nang madaling araw.
Mahimbing pa rin ang tulog ng babaeng ito.
Paano kaya ako matutulog dito.

Naisip kong ilatag na lang ang karton sa sahig at doon matulog.
Ilang bagay bagay pa ang naisip ko bago ako dalawin ng antok.

Nagising na lang ako sa sunod sunod na katok, napabalikwas naman agad ako ng bangon at napatingin sa relo ko,
Alas sais na agad ? Parang sandali pa lang akong nakakatulog eh.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si buboy.
Pagkabukas na pagkabukas ko ay sumilip sya at tinignan ang babae sa higaan.

"Tulog pa rin?" Tanong nya

Tumango naman ako bilang sagot,
Nagbigay daan ako sakanya upang makapasok sya agad namin isinara ang pinto.
Napakamot na lang ako ng ulo nang maisip na parang daig pa namin ang kriminal sa mga pinag gagagawa namin.

"Grabe naman kung matulog yan, gigising pa kaya yan?" Bulong ni buboy

"Eh kung halikan mo kaya , baka may pagka sleeping beauty yan pre kailangan ng halik"

"Ewan ko sayo , kung ano anong pinagsasasabe mo dyan. Dito ka muna bantayan mo yan, bibili lang ako ng pandesal sa kanto" sabi ko saka umalis






Buboy pov

Abala ako sa pagtimpla ng kape nang biglang may kumatok
Binuksan ko ang pinto
Laging gulat ko nang makita ang panganay kong anak na si andrea
Anim na taong gulang na si andrea at pumapasok na ng grade.1

"Pa tawag ka ni mama, kakain na daw po" malakas ang pagkakabigkas nya kaya naman agad kong tinakpan ang bibig nya

"Hwag kang maingay" bulong ko

Sunod sunod naman ang pagtango nya kaya binitawan ko na sya.

"Papa sino yung babae?"
Naku po ito na nga ba ang sinasabi ko , napaka intremidida pa naman ng batang to
"Papa ayan ba yung sinasabi ni mama na babae mo?"

"Ano? Hindi noh , san mo naman nakuha yan" gulat ako sa tinanong ng anak ko

"Naririnig ko po kapag nag aaway kayo ni mama"

"Hindi ko babae yan anak, asawa yan ng ninong gabriel mo , kaya hwag kang maingay at baka magising"

"Bakit madami syang sugat?. Binugbog ba sya ni ninong?" Ang dami namang tanong ng batang to.

"Hindi , nahulog kasi sya sa bubong. Sige na hwag kang tanong ng tanong ayaw ng ninong mo ng tanong ng tanong. Dito ka lang ha, hwag kang mag iingay para hindi magising ang ninang mo, bibili lang ako ng sigarilyo" sabi ko at lumabas na.




Gabriel Pov

Dala dala ko ang pandesal na binili ko sa kanto , nang makita ko si buboy na bumibili sa tindahan

My Fake WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon