💫15

113 4 1
                                    

MFW💫15

Lumipas ang mga linggo at nasasanay na rin ako sa prisensya nya.
Hindi na rin ako madalas makipag inuman sa mga katrabaho ko at sa mga naging kaibigan ko sa lugar namin.
Hanggat maaari ay umiiwas na ako,
O di kaya ay makikipag inuman ako pero yung hanggang sa kaya ko lang.

Ayoko nang umuwe nang lasing na lasing at baka kung ano na naman ang magawa kong hindi dapat.

Nasanay na rin akong nagsasabay kaming kumain tuwing gabi,
May paminsan minsan na nagtatanong sya.
iilan lang ang mga nasasagot ko sa bawat tanong nya.
Kapag hindi ko na alam kung paano sasagutin ang tanong nya ay nagpapanggap na lang akong naiinis na para tumigil sya.

Pansin kong malaki ang takot nya sakin.
Kapag umuuwe akong pagod o mainit ang ulo ay tatahimik lang ito sa isang tabe.
Pati na rin kapag may nagagawa syang hindi ko nagustuhan
Halos mangiyak ngiyak na sya sa pag hingi sakin nang sorry.

Araw nang sahod ngayon at galing akong trabaho nauna na akong umuwe , nag paiwan pa si Buboy dahil may inutos pa sakanya ang amo namin.

Napadaan ako sa palengke at bibili na sana nang lutong ulam nang maalala ko ang sinabi ni Pareng buboy saakin nang minsan ay makasabay ko syang bumili nang ulam,

Paulit ulit na lang daw ang binibili kong ulam dahil paulit ulit na lang daw ang nilulutong ulam sa karenderyang pinagbibilihan ko.

Naisip kong bumili na lang nang lulutuing ulam ,
Tutal ay maaga pa naman para makapag ulam naman kami nang may sabaw.

Pag uwe ko sa bahay ay nakasarado ang pinto, sinilip ko mula sa bintana ang loob nang bahay
Nakita kong nakahiga sya sa katre,

Kinuha ko ang susi nang bahay sa bag ko at binuksan ito,
Nagulat ako nang makita itong mahimbing na natutulog nang naka short walang damit pang itaas at naka Bra lang,
Napansin ko ring may towel na nakapulupot sa paa nya.

"Cristine!"
Tawag ko sakanya.
Agad naman itong nagising

"Dumating ka na pala, ang aga mo ah"
Sabi nito sabay bangon mula sa kanyang pagkakahiga.

Napahawak na lamang ako sa batok ko at nag iwas nang tingin nang bumangon sya sa higaan nang naka Bra,
Nang muli ko syang nilingon ay nakita kong nakatalikod na sya sakin at kumukuha nang damit.

Nagulat ako nang makitang meron pala syang tattoo sa likod,
Bandang batok. Maliit na babaeng parang isang balerina ang disenyo nang kanyang tattoo.

Ngayon ko lamang ito nakita dahil palagi syang nakalugay kaya natatakpan nang buhok nya ang kanyang batok.

"Bakit?"
Tanong nya nang makitang nakatingin ako sakanya.

"W-wala, sa susunod hwag kang natutulog nang ganun ang ayos mo"
Puna ko sakanya.

"Nakalock naman ang pinto eh, saka ikaw lang naman ang papasok"

"Kahit na, pano kung kasama ko si Buboy edi nakita kang nakahubad nung unggoy na yon"
Paliwanag ko sakanya.

"Ang init kasi eh, naiinitan pa rin ako kahit may basang towel sa paa ko"

"Gabi na naiinitan ka pa rin"
Sabi ko habang nag aasikaso nang lulutuin kong ulam.

Magluluto ako nang tinolang manok,
Habang nagluluto ako ay pumasok sya sa loob nang banyo ,
Halos trenta minuto syang nagkulong sa loob nang banyo.

"Anong ginagawa mo dyan?. Kanina ka pa dyan ah"
Tanong ko.

"Lalabas na ko, tapos ka na bang magluto?"

Aba ayos ah?
Parang may utusan lang makatanong batas eh noh.

"Matatapos na, lumabas ka na dyan"
Ani ko

Ipapasok ko na ang niluto kong ulam nang biglang may babaeng sumulpot sa harap ko na nakasuot nang nurse uniform at may dalang plato na may pansit,

"Hi, ikaw ba si Gabriel?"
Tanong nya.

"Uo, sino sila?"

"Ay ako si Aira, Nanay ko yung may ari nitong inuupahan mo"
Paliwanag nya sakin. At inilahad ang kamay nya, nakipagkamay na rin ako

"Gabriel"

"Oo, alam ko. Kilala kita, nakukwento ka madalas ni Nanay, eto nga pala pinabibigay ni nanay birthday nya kasi"
Sabay abot nang plato ng pansit

"Ay salamat, pakibati mo na lang ako sa nanay mo ha, sandali at isasalin ko"
Kinuha ko ito at mabilis na pumasok sa loob para isalin sa plato.

Mabilis kong binalik sakanya ang pinaglagyan nang pansit.
"Salamat ulit ah, hindi ko na nahugasan"

"Okay lang"
Sagot naman nito,

Yun lang at nagpaalam na syang aalis na. Nakita kong nakatayo si Cristine sa pinto at seryosong nakatingin saakin.

"Bakit?" Tanong ko

"Sino yon?"

"Ah yon?. Anak nung kapit bahay, yung may ari nang inuupahan natin"
Sagot ko habang pinapasok ang niluto ko at nagsasandok na rin

"Eh anung ginagawa nun dito"

Napahinto ako sa ginagawa ko at napatingin sakanya.
Dahil Para bang naiinis ang tono nya.

"Nagbigay ng pansit, birthday daw nang nanay nya"
Paliwanag ko naman.

"Magbibigay lang nang pansit ang tagal pang umalis, may pahawak hawak pa sa kamay mo"
Padabog itong umupo sa katre,

Ano bang problema nito?
Bakit ba parang ang init init nang ulo.
Aba, hindi porke medyo mabait na ako sakanya pwede na syang umarte nang ganyan saakin.

"Nakipagkilala lang yung tao, ano ka ba naman, kumaen ka na nga dito"
Sabi ko na nakaupo na sa hapag kainan nakapag hain na rin ako nang pagkain namin.

Lumapit naman ito saka nagsimulang kumain.
"Eto? Eto yung binigay nya?"
Sabi nya sabay subo nang pansit.

Hindi ko na lang pinansin ang sunod sunod nyang subo sa pansit at pagmamaktol nya.
Ang ugali talaga nang mga babae pabago bago.
Hindi ko naman alam kung bakit ba sya naiinis.

"Sino nagluto sya daw?"
Tanong nya at nakatingin sakin

"E-ewan ko"

"Siguro sya, hindi masarap. Tikman mo" sabi nya sakin at sinimulan nang kainin ang niluto kong ulam.

"Anong titikman ko dyan inubos mo na" sarkasto kong sagot.

Para namang nagulat sya sa sinabi ko,
Napatigil sya sa pagsasandok nang ulam at napatingin sa pinagkainan nya ng pansit.

Natapos akong kumain at tumayo na, iniwan ko syang kumakaen.
Palabas na sana ako nang bigla syang magsalita.

"Lalabas ka?"

"Bakit?"

"Bili mo naman ako nang hopia"

"Hopia?"

"Oo, kahit limang piraso lang"

"Hindi ka pa nga natatapos kumain dyan"

"Sige na please, sige kahit dalawa na lang"

"Bahala ka dyan"
Sabi ko saka tuluyang lumabas nang bahay para manigarilyo.

Ilang minuto akong nasa labas bago ako pumasok sa loob,
Nang makabalik ako ay naabutan ko pa rin syang kumakain.

---
Please do Like&Vote
Pa follow na rin,
Thanks 😊

#cayeLOVES💜💕
---

My Fake WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon