💫13

97 4 0
                                        

MFW💫13

Nagising ako dahil parang may nakadantay at nakayakap saakin,
Nang imulat ko nang tuluyan ang aking mga mata ay nakita kong nakayakap saakin ang babaeng kasama ko sa bahay,

Ang babaeng hindi maalala kung sino talaga sya .
Ay balot nang kumot mahimbing na natutulog at nakayakap saakin.

Sinilip ko ang sarili ko sa ilalim nang kumot,
Nagulat ako nang makitang parehas kaming nakahubad.
Dahan dahan ako bumangon at umupo mula sa pagkakahiga,

Pilit kong inalala at isa isang binalikan ang lahat hanggang sa maalala kong
Umuwe ako nang bahay at nakita kong andito ang asawa ko,
Andito si Cristine.

Muli akong napatingin sa babaeng mahimbing na natutulog sa tabe ko,
Ibig sabihin ay hindi si Cristine ang nakatalik ko kagabi.
Hindi ang asawa ko, kundi ang babaeng ito.

Nang tuluyan na ngang bumalik sa aking alala ang lahat ay naihilamos ko na lamang ang mga palad ko saaking mukha.

Ano itong nagawa ko??.
May asawa't anak akong tao
Nag taksil ako sa pinakamamahal kong asawa.
Ang buong akala ko ay si Cristine ang nakatalik ko kagabi pero hindi pala, Nagkamali ako.
Nakagawa ako nang kasalanan sa asawa ko

Kinuha ko ang damit ko at tahimik na nagbihis,
Sa tuwing napapatingin ako sa babaeng nakahiga at mahimbing na natutulog sa higaan ay nahahabag ang aking kalooban.

Hinila ko ang kumot upang matakpan nang maayos ang kanyang katawan dahil hubad pa rin ito.
Nang may umagaw nang pansin ko.

May dugo ang hita nya.
May dugo rin sa sapin nang higaan.
Birhen pa ang babaeng ito nang magtalik kami kagabi?.
Ang ibig sabihin ay ako ang unang lalakeng dumaan sa buhay nya.
Sa sobrang kalasingan ko ay hindi ko na ito napansin o namalayan kagabi.

Kaya siguro ay sobra syang mabigla at nagulat sa ginawa ko kagabi.
Dahil pala yon ang unang beses na iaalay nya ang kanyang pagkababae ,

Sobrang bigat sa aking kalooban ang nagawa ko sakanya.
Ang buong akala nya ay natural lang ito dahil mag asawa naman kami.
Siguro kung malaman nya ang katotohanan ay labis nya akong kakamuhian dahil sa pag nakaw ko sa kanyang pagiging isang birhen.

Hindi nya ito pwede makita,
Dahil kung makikita nya ito ay siguradong magtataka sya na paanong nangyare na matagal na kaming mag asawa ngunit sya ay birhen pa rin.

Kailangan ko itong ilihim sakanya,
Dahan dahan ko syang kinabig upang makuha ang kumot na nakasapin sa katre,
Nang makuha ko na ay agad kong binabad sa baldeng may tubig.

Kumuha rin ako nang isang basang towel upang mapunasan ang kanyang hita na merong bakas nang natuyong dugo.

Habang pinupunasan ko ang kanyang hita ay napapalunok na lang ako sa tuwing gagalaw sya at aangat nang kaunti ang kumot na nakatakip sa kanyang hubad na katawan.

Habang pinupunasan ay bigla na lamang itong nagising ,
Sa gulat ko ay naihagis ko sa isang sulok nang higaan ang towel na hawak ko.

"Gabriel, anung ginagawa mo?"
Tanung nya saakin.

"Ha?. A-aahh, w-wala--"
Nauutal utal kong sabi nang hindi sya tinitignan.
"--M-magbihis ka na"
Dugtong ko sabay abot sakanya nang mga damit nyang nagkalat sa lapag.

Mabilis naman nya itong kinuha,
Tatayo na sana sya upang mag hibis nang bigla syang matumba.

"Oh bakit?"
Tanong ko.

"Wala to, nabigla lang siguro ako nang tayo"
Sagot naman nya.
Pero nang mahawakan ko sya upang alalayan ay halos mapaso ako sa init nang braso nya.

"Ang init mo, nilalagnat ka"
Puna ko naman sakanya.

"M-masakit nga ang ulo ko pati ang mga hita ko"
Sabi nya naman.
Agad akong napaisip ,
Nilagnat ba sya dahil sa ginawa namin kagabi.
Nabigla ko ba sya kaya sya nilagnat ngayon.
Ang sabi nya ay nahihilo sya at masakit ang mga laman laman nya lalo na ang hita nya.

Inalalayan ko syang mahiga muli,
Kinuha ko ang towel na naihagis ko kanina at inutusan syang punasan nya ang sarili nya.

Nang matapos syang magpunas ay tinulungan ko syang magbihis dahil nahihirapan sya at nahihilo.

Pinahiga ko muna sya para makapagpahinga sya.
Lumabas ako para Bumili nang makakaen at gamot na rin,

Tatayo pa sana sya upang mag asikaso pero pinigil ko sya at sinabing ako nang bahala.
At magpahinga na lang sya

Iniwan ko ang kanyang pagkain na pang hanggang mamayang gabi sa mesa,
Pati na rin ang kanyang gamot.
Hindi ko na sya ginising bago ako umalis dahil mahimbing ang kanyang tulog.

Pumasok ako sa trabaho nang may pag aalala,
Hindi nawala sa isip ko ang babaeng yon.
Nag aalala ako dahil alam kong may sakit sya at sya lang mag isa sa bahay.

Mabilis lumipas ang oras nang trabaho,
Tinatawag ako nang iba kong katrabaho para mag inom , pero mabilis akong tumanggi

Nagmamadali akong umuwe, yung lakad ko ay halos patakbo na.
Kahit si Buboy ay hindi alan ang dahilan kung bakit ako nagmamadali.

Nang marating ko ang bahay ay sya agad ang hinanap nang mata ko,
Nakita ko syang nakahiga at mahimbing na natutulog.

Pumasok ako at napansin kong hindi nya kinaen ang binili ko pati na rin ang gamot ay hindi nya nainom.

Lumapit ako at sinapo ang noo nya,
Sobrang init parin nya.
Bigla naman syang nagising dahil sa paghawak ko sa noo nya.

"Andito ka na pala"
Mahinang sabi nya.

"Bakit hindi ka kumain, hindi mo rin ininom yung gamot mo"

Hindi ito sumagot , babangon sana sya pero napakapit sya sakin .
Agad ko naman syang nahawakan,
Inalalayan ko sya para maupo sa higaan.

Ipinaghain ko sya nang pagkaen at binigay ito sakanya.
Konti lang ang nakain nya pero sapat na ito para uminom nang gamot.

Pagkatapos nyang uminom nang gamot ay pinahiga ko sya para makapagpahinga
Kumuha ulit ako nang towel para punasan sya upang kahit papano ay humupa ang kanyang lagnat.

Hindi ako makatulog nang malalim dahil sa mayat maya akong gumigising para punasan at painumin sya nang gamot.

Madaling araw na nang muli akong matulog.
Humiga ako sa tabe nya at natulog na rin,
Parang ilang minuto pa lamang akong natutulog nang tumunog ang cellphone ko at mag alarm,

---
Pa Like&Vote naman po :)
Salamat 😊

CayeLoves💕💜
---

My Fake WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon