💫24

81 1 0
                                        

MFW💫24

Ilang araw rin ang lumipas ang pagsasama namin ni Cristine ay masasabi kong hindi na rin naiiba sa isang tunay na mag asawa.
Sanay na sanay na kami ni Cristine sa isat isa, dahil rin sakanya ay nadadalas ang pag uwe ko ng maaga mula sa trabaho. Madalas ay napapatawa nya ako dahil sakanyang mga kainosentehang taglay.

Dahil kay Cristine ay nagkaroon ulit ako ng dahilan upang magpatuloy sa buhay.
Dahil puno ng positibong bagay at pag iisip si Cristine. Palagi nyang ipinapaalala saakin na masarap at masayang mabuhay.
May ilang beses na rin naming pinagsaluhan ang malalamig na gabe,
Masasabi kong ang tulad ni Cristine ay ang tipo ng babae na hindi na nanaisin pang pakawalan ng isang lalake.
Tama nga si Buboy. Napaka Swerte ko kay Cristine.

Umalis ako ng bahay na mahimbing ang tulog ni Cristine.
Hindi ko na ito inabalang gisingin pa.
Hinagkan ko na lamang ito sa kanyang noo bago ako tuluyang umalis.

Iniiwanan ko na rin ng pera si Cristine, upang makabili sya ng mga gusto nyang kainin, hindi ako nag aalala dahil hindi naman ang tipo ni Cristine ang klase ng babae na palaging nasa Labas
Babyahe kami ni Buboy at siguradong hating gabe na kami makakauwe kaya pinapasobrahan ko ng pera si Cristine.

Cristine Pov

Pag gising ko ay wala na si Gabriel,
Marahil ay maaga itong umalis.
Kagabe pa lang ay nag sabi na ito saakin na malayo ang pupuntahan nila ngayon at gagabihin sila.
Nakita ko ang limang daang piso na nakapatong sa ibabaw ng lamesa,
Kagabe pa ay ibinibigay na ito saakin ni Gabriel pero hindi ko kinukuha dahil may pera pang nasa akin,
Sobra galing sa mga naunang pera na ibinibigay saakin ni Gabriel.

Nag umpisa na akong maglinis at mag asikaso ng mga gawaing bahay.
Hindi lang ako nag iigib dahil bago pa man umalis si Gabriel ay pinupuno na nya lahat ng drum at balde ,

Katatapos ko pa lang maligo ng dumating si Lily sa bahay.
"Tintin tamang tama nakaligo ka na"
Bungad saakin ni Lily

"Bakit?"
Takang tanong ko

"Samahan mo ako, punta tayo sa bagong bukas na mall dyan lang malapit sa bayan, bibili kasi ako ng ipangreregalo ko sa pupuntahan kong kasal ng kababata ko"
Saad nito

"M-Malayo ba yon?"
Pagdadalawang isip ko

"Malapit lang, isang sakay lang naman. Tara na wala rin naman si Gabriel dito. Wala kang kasama, mamasyal ka naman"

Agad naman akong nakumbinse ni Lily.
Madalas na rin naman akong pinapayagan ni Gabriel.
Nagbihis ako at madali kaming umalis ni Lily.

Dala ko man ang sobrang pera na iniwan saakin ni Gabiel,
Wala naman akong makitang bibilhin para sa aking pansarili.
Madaming mapagpipilian sa bagong bukas na mall na ito pero ang gusto kong bilhin ay yung magagamit sa bahay.

Nang makapamili na si Lily ng ipangreregalo nya sa pupuntahan nyang kasal ay napadaan naman kami sa isang pamilihan ng pabango.

"Tintin bili tayo ng pabango promo oh. Buy1 take1 tig isa na lang tayo"

Muli ay na kumbinse na naman ako ni Lily kung kaya naman ay agad kaming bumili ng pabango.
Parehas na matamis ang amoy ng napili namin ngunit hindi matapang kung kaya naman hindi masakit sa ilong.

Pauwe na kami ng magpaalam si Lily na pupunta sandali sa malapit na CR.
Hinintay ko na lamang sya sa labas ng CR dala ko ang pinamili namin.

Habang naghihintay ay may isang lalake ang biglang lumapit saakin.
Mukha itong mayaman at mukhang hindi nalalayo ang edad nya kay Gabriel.
Sa tantya ko ay mas bata lang ito ng dalawa o tatlong taon sa asawa ko.

My Fake WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon