💫23

118 3 1
                                        

MFW💫23

Natapos ang lahat ng gawain sa bahay,
Tinitigtigan ko lang si Cristine habang nagpapalit ng sapin sa higaan at ng mga unan,

Bigla kong naisip ang sinabi nya kanina kay Andrea.
Na hindi naman daw sya nakakalabas.
Naisip ko, oo nga kalahing taon na syang nakatira sakin pero hindi nga ito nakakalabas,
Ni isang beses ko lang ito nasama sa palengke,
Malimit na nga lang ang labas nya tapos hanggang dyan lang sa pinakamalapit na tindahan at sa igiban lang ng tubig.

"Tin?"

"Hmm?!"

"Gusto mong lumabas?"

"San pupunta?"

"Sa perya, sa tyangge. Lakad lakad lang tayo"

Nakita ko ang mabilis na pag labas ng kanyang mga ngipin dahil sa malapad na pag ngiti,

"Talaga??"

"Oo, bihis ka na"
Nakangiting sabi ko,

Mabilis naman nya akong sinunod at nagbihis na,
Isang maong pedal at blouse ang suot nya,
Simple pero hapit na hapit sa katawan nya dahilan para lumitaw ang sexy na hulma ng kanyang katawan.

Habang naglalakad kami papuntang perya ay hindi na maalis ang mga ngiti sa kanyang Labi,
Pansin ko ang mga matang napapatitig sakanya dahil sa halos perpektong kabuohan nito, mula sa magandang mukha kutis at hubog ng katawan.
Masasabi kong maswerte talaga ako sa kasama ko ngayon.

Napadaan kami sa isang grupo ng mga kalalakihan kita ko ang halos pag luwa ng mga mata nila sa pagtitig kay Cristine,
Hindi ko alam kung dapat ba akong maProud o dapat mainis dahil sa mga tingin nilang parang pinag nanasaan na nila ito,

Kinabig ko si Cristine papalapit saakin at hinapit ang bewang,
Parang nagulat naman sya sa ginawa ko nginitian ko lang sya at gumanti naman ito ng ngiti saakin,
Sa itchura namin ay para kaming isang bagong magkasintahan lamang.

Pagkarating namin doon ay nagpalakad lakad lang kami sa tyanggian,
Tumitingin tingin ng ibat ibang uri ng mga paninda,

Nakita ko syang hinahawakan at sinusuri ang isang damit na nakadisplay sa isa sa mga pwesto sa tyangge.

"Maam kunin nyo po?"
Sabi nung tindera

Agad na binitawan ni Cristine yung damit
"Ay hindi po"

"Mura lang po yan Maam dalawa 180 lang po, kunin nyo na Maam"

Ngumiti lang si Cristine
Lumapit ako sakanya
"Gusto mo yon?"
Tanong ko sakanya

"G-Gabriel tinignan ko lang"
Mabilis na sagot nya

"Sir mura na po yon dalawa 180 lang po"
Alok na naman ng tindera

"Pumili ka na Tin ng dalawa"
Sabi ko,

"Hindi hwag na Gabriel"
Pag aalinlangan nya

"Sige na, minsan lang tayo makalabas. Saka wala kang mga damit sa bahay diba, bibili tayo ngayon"

"Eh baka mashort tayo sa budget"
Mahinang sambit nya

"Ako nang bahala sa budget, saka binigyan ako ng Nanay ni Aira kanina ng 500 sa pag aayos ko sa Bahay nila kanina may extra pa tayong pera"
Paliwanag ko

Bigla na lang syang ngumiti at binalikan ang hawak hawak nyang damit kanina lang,
Hinayaan ko lang syang mamili ng damit nya.
Bumili rin kami ng ilang piraso ng shorts nya pati na rin ang mga pares ng underwears.
Lahat ng mga kailangan nya ay binili namin, binilhan ko rin sya ng mumurahin na sandals,

"Ang dami nating binili, baka wala na tayong pang gastos nyan"
Pag aalala nya

Napangiti na lang ako nang makita ko syang nakanguso
"Kulang pa nga yan eh, sa susunod bibili tayo ng mga pang alis mo. Para pag mamamasyal tayo"

My Fake WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon