💫28

71 3 1
                                    

MFW💫28
( may mga typos po ako, kasi diko na binabasa ulit bago ko ipublish.
Ayusin ko na lang pag natapos ko na, Intindihin nyo na lang)

PS: May Part two na po yung MY BOSS IS A JERK na story ko ( but di ko pa po sya ipupublish, Not until matapos ko tong story kong to )
PSS: Mag vote naman po kayo 😊 tapos comment na rin

Handa na sana akong tuluyang lisanin ang bahay na ito,
pag bukas ko ng pintuhan ay nakita ko ang imahe ng babaeng kanina pa hinahagilap ng aking mga mata.

"tin, san ka galing?"
mabilis ko syang hinagkan.

"kila Lily lang. nagpaalam na aalis na tayo. Teka! ang bilis mo ah. nakapag paalam ka na ba?"

"oo. nagsabi na ko. at pumayag naman sila kahit pa biglaan ito, bumalik lang daw ako kung kailangan"

bago pa kami tuluyang umalis ay muli naming inilibot ang mata namin sa bahay na naming  saksi sa pagmamahalan namin.

ilang oras man ang naging byahe namin ay walang sigundo na hindi ako kinabahan para sa gagawin kong ito.
puno nang takot at pag aalala ang bumabagabag saaking isipan.
pero isa lang ang sigurado ako.
gagawin ko ang bagay na ito dahil ayokong mawala saakin ang babaeng pinakamamahal ko.

"Gabriel, dito ba tayo nakatira?!" tila agad akong nabalik sa ulirat ng marinig ko ang boses si tintin
marahil ay dala na rin ng pagka inip at pagod kaya di na nya napigilang magtanong.

"a'ah, uo. dito tayo nakatira"

"bakit hindi tayo pumasok?. ilang minuto na kasi tayong nakatayo dito sa labas ng bahay"

Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko kaagad kayang pumasok sa bahay na kasama sya.
parang isang mabigat na bagaheng hindi ko kayang buhatin mag isa.
may biglang pagdadalawang isip ang nanaig saaking isipan.

"ito ang bahay namin ni Cristine. dito kami bumuo ng mga pangarap na hindi namin natupad. pero ngayon ibang Cristine na ang kasama ko"

pagkausap ko sa aking sarili.
inilibot ko ang aking mata sa kabuohan ng bahay.
may mga parte ng bahay na sira na at daoat nang ayusin.
ang mga gamit naman sa bahay ay kompleto pa rin naman.

ang bahay namin ay nakatayo sa isang maliit na bayan lamang.
nasa gilid kami ng bundok at sa di kalayuan ay may maliit na ilog.
mula sa bahay ay matatanaw mo ang palayan at magandang tanawin na may preskong hangin.
malayo ang bahay namin sa kabihasnan,
hindi matao at masasabi mong isang tahimik na lugar.

ang lupang kinatatayuan ng bahay namin ni Cristine ay nabili namin noong kami ay magkasintahan pa lamang.
sadyang pinili namin sa malayo sa bayan upang maging mas tahimik ang buhay namin.
ang mga pamilya namin at magulang ay may bahay sa bandang bayan na kung saan nasa malapit sa lahat.
sa eskwelahan, simbahan. palengke, plaza, parke at kung anuano pa.
hindi tulad ng sa amin na may oras ang byahe at masasabe mong malayo talaga,
mahigit isang oras ang kailangang igugol sa daan upang marating ang bahay namin.
kung kaya dati pa lamang ay pinag ipunan na talaga namin ang tricycle.
upang may pang pasada at pang service na rin kung aalis.

"ang alikabok"
pagrereklamo ni Cristine.

"sorry, matagal kasi akong hindi nakauwe kaya hindi na ito nalinisan."

paliwanag ko,
hindi ko maitatangging may pag aalinlangan akong dalhin sya dito dahil alam kong hindi ito kagaya ng maynila.
mahihirapan sya dahil napaka payak lang ng pamumuhay dito at magsisimula pa lamang kaming muli ng walang kaipon ipon dahil naging biglaan ang pag uwe namin dito.

My Fake WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon