💫4

153 5 0
                                    

MFW💫4


Napalingon sakin ang babae habang hawak hawak nya ang walis.

"B-bakit ikaw ang gumagawa nyan" lumapit ako sakanya at kinuha yung hawak  nyang walis tambo

"A-asawa ko ba ang gumagawa nito?--"
Ibinigay naman nya ang walis saakin.
"--naku sorry" kita ko ang pag aalala sa mga mukha nya.

Hindi ako agad nakapag salita, totoo nga?
Totoo ngang hindi nya alam ang mga nangyare , hindi nga nya kilala ang sarili nya at ang alam nya ay asawa nya si Gabriel??.

"Asan na sya?" Tanong nya sakin

"N-nasa labas"

"Galit pa ba sya?" Tanong nya ulit.
Hindi ako nakasagot
Nakita kong tinatanggal nya ang benda ng sugat nya sa braso.

"Ouch!"

"Hwag mong tanggalin, kalalagay lang nyan" pag awat ko sakanya.

"Saan ba talaga ko nahulog? Bakit ang dami kong sugat?" Tanong nya

"Sa bubong nga po" nagulat ako nang biglang sumulpot si andrea at lily sa likod ko.

"Buboy? Asan si Gabriel?" Tanong ni lily sakin.
Napakamot naman ako sa batok ko,

"Tintin kumain ka na ba?" Nakangiting tanong ng asawa ko sa babae

Ngumiti naman ito bago tumango.
"Kayo? Gusto nyo mag timpla ako ng kape?" Mahinhin ang babaeng ito, at mukha syang anak mayaman.
Kung nag kataon problema nga ito.

"Naku hindi , kumain na kami eh, boy? Bakit ba nahulog sa bubong tong si tintin?." Muling tanong na naman sakin ni lily

"Kasi nga po nagsasampay si ninang" si andrea na naman ang sumagot

"Buti na lang at isinama ka na ni buboy dito, matagal na rin nung huli tayong nagkausap eh , wala na kong balita sayo bigla ka na lang kasing hindi sumagot sa mga tawag at text ko sayo tintin"

"P-pasensya na pero , h-hindi ko kasi maalala--"
Malungkot ang mga mata nyang sinabi yon,
Nakita ko naman gulat na gulat si lily
"N-nalilito ako, naguguluhan , kung nasan ba ako. Kung anong nangyare at kung s-sino ba talaga ako"
Dugtong pa nito at tuluyan na ngang umiyak

"Tintin, naku ok lang yan, baka dahil lang yan sa pagkakahulog mo mula sa bubong ng bahay nyo. Ayos lang yan unti unti ay maaalala mo rin ang lahat" sabi ni lily habang hinihimas himas ang likod ng babae at pinapatahan ang pag iyak nito

"Nasan ba ang asawa mo?. Nasan si gabriel? Muling tanong ni lily

"U-umalis sya eh, nagalit yata sya sakin" sabi nito at nagpunas ng luha

"Ano ? Bakit?--" bigla naman akong binalingan ng tingin ni lily
"-- naku buboy ha, pagsabihan mo nga yang kaibigan mo! May sakit na nga itong asawa nya inaaway away nya pa. Imbis na bantayan at unawain nya tong si tintin aawayin nya!" Inis na sabi ni lily

"A-ayos lang, hwag ka nang mainis sakanya naiintindihan ko naman eh" awat naman nung babae sa naghihimutok na asawa kong si lily

"Naku tintin , hwag kang pumapayag na ginaganyan ganyan ka na lang ni Gabriel, hindi ba nung araw ay ikaw tong palaging nag papayo sakin na dapat patas lang ang babae at lalake , kaya nga naging ganito ako katapang ng dahil sayo dahil sa mga bilin mo sakin" sabi ni lily

Ang buong akala talaga ng asawa ko ay si Cristine ang babaeng kaharap nya , ang akala nya ito ang asawa ni Gabriel.
Matagal na silang magkaibigan ni Cristine pero hindi pa sila nagkikita nito.
Naging matalik silang magkaibigan kahit pa sa cellphone lang sila nagkakausap.

My Fake WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon