💫8

98 3 0
                                        

MFW💫8

Nang matapos akong mapagluto ng ulam ay nagsalin ako ng ulam sa isang mangkok upang dalhin kay tintin.

"Andrea anak, pakiabot mo nga sakin yang supot na may damit yung nasa upuan"
Utos ko kay andrea

"Kanino po to mama?"

"Sa ninang mo. Dito ka lang ha, ubusin mo yang isinandok ko sayong pagkain"

Tumango tango lang ito ,
Nang makarating ako sa bahay nila tintin ay sumigaw na lang akong pagbuksan nya ako ng pinto dahil hindi ko na magawang kumatok sa dami ng dala ko,

Agad naman akong binigyan ng tulong ni tintin nang makita nyang hirap ako sa mga dalahin ko

"Hay naku tintin ang haba na naman ng pila dyan sa poso"
Ani ko habang inilalapag ang dala kong mangkok ng ulam.

"Poso?" Tanong naman nya

Hindi nya ba alam kung ano ang poso ?
Wala bang poso sa probinsya nila?
Kung sabagay , puro ilog at balon siguro ang kuhaan ng tubig sakanila.

"Poso, igiban ng tubig. Ayun oh, hindi ka pa ba nakakapag igib dyan?"

"Ahh, hindi pa eh" napakunot naman ang noo ko,

"Hindi pa?. Eh sinong nag iigib ng tubig mo?"

"Bago naman umalis si Gabriel pinuno nya yung drum sa ilalim ng lababo yung drum sa labas ng bahay , at yung sa banyo. Hwag daw akong lalabas"
Paliwanag nya sakin ,

Hwag lalabas ? Bakit naman hwag lalabas, pano kung magkasunog hindi pa rin lalabas? Kaya siguro napaka puti nya. Napakamasunurin naman nito at talagang ayaw nyang lumabas.

"Oh sya, maiba ko.  Kumaen ka na?"
Pagbabago ko sa usapan

"Hindi pa, maya maya na siguro. Kayo?"
Tanong nya

"Ah ako hindi pa , si andrea iniwanan ko dun sandali sa bahay na kumakain. Dumaan lang ako dito para ibigay tong ulam"

"Naku nag abala ka pa, salamat ha lily"
Sambit nya sabay smile

At napukaw na naman ako sa mga kumikinang kinang nyang ngiti.
Grabe, ang ganda nya

"Walang anuman. Ito nman parang hindi tayo magkaibigan ha"
Sabi ko sabay upo sa higaan nilang papag.

"Ay uo nga pala, eto pa oh chaadaan!!"
Masiglang sabi ko habang hawak hawak ang isang black terno ng panty at bra

Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Tintin, marahil ay sa gulat

"Binilihan ko kasi si andrea ng mga bagong pangloob, kasi market day ngayon dapat namimili ka kapag market day, madaming binabargain don makakamura ka"
Paliwanag ko sakanya.

"Habang naghahanap ako nakita ko to, 100 lang yan terno na. Maganda ang tela class.A kaya binili ko , kaso pagsukat ko hindi kasya sakin. Kaya naisip ko na ibigay na lang sayo, Tumataba na kasi ako dahil sa pagbubuntis ko, ang sad noh?"
Sabi ko .

"N-naku hwag na lily nakakahiya naman sayo , magagamit mo pa naman ito kapag nakapanganak ka na"

"Ano ka ba tintin, ilang bwan pa yun. O baka taon pa, mas mahirap nito baka hindi na ko pumayat pa"
Parehas kaming natawa sa nasabi ko.

"Sayo na yan , sayang naman eh . Hwag kang mag alala noh , bagong bago yan amuyin mo amoy bago pa sinukat ko lang yung bra, kaso hindi talaga kasya may tag pa nga oh" sabay abot ko sakanya na ipinapakita ang tag nito

"N-nakakahiya naman kasi eh"
Sabi nito sabay yuko ,

Wow mahiyain na pala sya ngayon ,
Ibang iba ang pagkakakilala ko sakanya sa cellphone at sa personal . Parang hindi sya si tintin.

"Hay naku tintin walang mangyayare sayo kung puro ka hiya, tignan mo nga yang asawa mo ni tsenelas ata ay hindi ka mabilihan , o baka talagang ayaw ka nyang bilihan dahil ayaw ka nyang lalabas ng bahay"

"Hindi naman siguro lily, baka madami pa yun gastos dahil sa mga gamot ko"

"Naku pinagtanggol mo na naman yang asawa mong ewan, halika tignan mo to"

sabay pakita sakanya ang isang sando at isang sexy maong short at isang blouse at isang 3/4 pedal pants

"K-kanino yan?" Tanung nya habang hawak ang blouse

"Sayo, sakin to pero maliit na hind na kasya maiipit ang tyan ko kapag pinilit ko kaya sayo na lang. Para makapag palit palit ka naman palagi na lang yan ang suot mo"

"N-naku lily hwag na. Hindi ko matatanggap pa to"

"Uy tintin grabe ka wala akong amoy sa katawan ah. Hindi man ako kasing kinis mo pero malinis ako sa katawan"

"Hindi ganun lily, nakakahiya na , binilihan mo na nga ako ng damit panloob eh malaking bagay na yun"

"Hindi na to sakin pwede tintin, ano ka ba ang dami dami ko pang damit don sa bahay tig dalawang terno lang naman ito sige na kunin mo na kapag hindi mo to kinuha magtatampo ako sayo"

Maya maya ay ngumiti sya at kinuha ang mga damit ,

"Salamat ha lily, ang totoo wala talaga kaming nadalang damit ko. Sabi ni Gabriel biglaan daw ang pag dala nya sakin dito kaya ganon"

"Ayun naman pala eh , tamang tama lang yan sayo . Pinili ko talaga yan kasi medyo magkasing katawan tayo nung hindi pa ako nagbuntis kay andrea, o sige mauna na muna ako ha at iniwan ko si andrea sa bahay hinatid ko lang talaga yan eh"

"Lily salamat ulit ah, salamat talaga"

"Naku wala yun, uo nga pala mamayang gabi andito na sila Gabriel nagtext si buboy sakin"

"Ah ganun ba, mabuti naman para may kasama na ulit ako dito"

"Sige na uwe na ko"

Pag kuwan ay umuwe na nga ako,
Parang gipit na gipit sila Tintin ngayon .
At sobrang higpit ni Gabriel kay Tintin ,
Mabuti na lang pala ako ay hawak ko sa leeg ang asawa ko ,
Simula nung magka anak kami ni buboy ay hindi na sya sumubok pang mambabae .
Takot lang ni buboy na iwanan namin syang mag ina .

---
pa vote and like po
Salamat :)

CayeLoves 💜💕
---

My Fake WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon