A P R I L 2 7 2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------Isabel's Point of View
Nagmamadali akong nagpaalam kina Tala at kumuha ng maraming invitations para sa mga outsiders. Ang sabi ko sa kanila ay kailangan ko na umalis at ako na ang bahala mamigay sa mga iyon, wala naman na silang nagawa dahil mabilis din akong nakaalis.
Nang makasakay na kami ni Nanay Elisa sa kotse ay hinawakan niya ang kamay ko kung saan may nakalagay pa rin na band-aid dahil may sugat pa rin ito dahil sa ginawa kong pagtanggal ng dextrose ko.
"Saan ka nanatili sa mga nakaraang araw, anak?" Tanong niya saakin. Hanggang ngayon ay namumula pa rin ang ilong at mga mata niya dahil sa ginawa niyang pag-iyak nang makita ako. Nginitian ko naman siya at niyakap.
"Nay, nameet ko na po yung guardian angel ko." Sambit ko imbes na sagutin ng diretso ang tanong niya. Hinawakan naman niya ang braso kong nakayakap sa kanya at hinaplos ito.
"Huh? Anong ibig mong s-sabihin?" Nautal pa siya sa huling salita na sinabi niya. Marahan naman akong natawa.
"Nanay, hindi naman porke nameet ko yung guardian angel ko ay ibig sabihin nakarating na ako sa langit. Huwag po kayong nega." Natatawang sabi ko. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil madalas kong sabihin sa kanya na gusto ko na makita ang langit, gusto ko na makasama si Papa Jesus, gusto ko mameet yung guardian angel ko. Noong bata kasi ako, kapag umiiyak ako, parati kong naiisip yung guardian angel ko ang nagko-comfort saakin. Kapag naman may sakit ako, parati kong iniisip na katabi ko si Mama Mary at siya ang nag-aalaga saakin. Wala kasi si Mommy para gawin iyon.
"Siya ang nagligtas saakin nung nahimatay ako sa daan, Nay." Nakita ko nanaman ang pag-aalala sa mga mata niya dahil sa sinabi ko at bumuhos nanaman ang luha sa mga mata niya.
"Huwag ka na ulit aalis, anak ha? Hindi mo alam kung gaano kami nag-alala sayo." Nginitian ko siya tsaka muling niyakap. Ayaw ko mangako sa kanya. Hindi ko alam kung hindi ko na ba gagawin ang umalis kapag nagiging sobrang komplikado na ang lahat.
Nakarating kami sa bahay at nakita ko nga doon ang sasakyan ni Mommy at Daddy. Ang sasakyan na ginagamit nila tuwing pupunta sila sa bahay na ito. Mga sikretong sasakyan nila.
Oo na, lahat na lang ng bagay na konektado saakin ay sikreto nila.
Nang makababa ako ng kotse ay hindi ko alam kung anong gagawin. I didn't expect them to look for me. I didn't expect them to even care.
"Halika na." Ngumiti saakin si Nanay at inilahad ang kamay niya. Bumuntong hininga muna ako bago ito tinanggap.
Pagpasok namin sa loob ay nandoon si Mommy at Daddy. Nakaupo sa couch at nanonood ng tv. Prenteng nakaupo habang magkayakap.
"Sab? Jusko, apo ko!" Napalingon ako sa may bandang kusina. Nagmamadaling lumapit saakin si Lola Min tsaka ako niyakap ng sobrang higpit. Niyakap ko naman siya pabalik.
"Thank God, you're fine. Saan ka ba galing? Why did you suddenly left?" Tanong niya. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko at napalingon kina Mommy at Daddy na nakatingin lang saakin. Gusto kong maiyak dahil nakita ko sila ulit.
"Kathryn, Daniel, your daughter is here. Tatanga na lang ba kayo dyan?" Tanong ni Lola Min sa kanila. Tumayo naman sina Mommy tsaka lumapit saakin. Kaagad akong yumakap ng mahigpit sa kanilang dalawa at bigla na lang naiyak.
"I missed you, Mommy and Daddy. Sorry po kung umalis ako ng hindi niyo alam. Hindi ko na po uulitin." Umiiyak na sabi ko. Naramdaman ko naman ang yakap ni Mommy saakin pero wala siyang sinabi. Sapat na yung pagganti niya ng yakap.
![](https://img.wattpad.com/cover/143177407-288-k713714.jpg)
BINABASA MO ANG
i have a secret // kn
FanfictionI have a secret, they have too. ds: 4/10/18 de: 9/13/18