A P R I L 2 9 2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------Isabel's Point of View
"See you tomorrow, guys! We all did great. Thank you!" Paalam ko sa mga kasama kong SSG officers.
"Inna, nandyan na ang driver mo?" Tanong saakin ni Tala. Oo nga pala't hindi niya alam na naglayas ako saamin. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang sasabihin kong dahilan ng pag-alis ko.
"Ahh ihahatid na ako ni Anghel pauwi." Sagot ko. Sabay naman talaga kami dahil iisang bahay lang ang uuwian namin.
"Osiya na. Anghel, ingatan mo yang beshywap ko. Ingat kayo pauwi ha? Babush!" Tumawa lang kami ni Anghel tsaka kumaway sa kanila.
"So, hindi nila alam na lumayas ka sainyo?" Tanong saakin ni Anghel. Naglalakad na kami pauwi. Medyo malayo-layo pa pero keri naman lakarin. Nagkukwentuhan naman kami kaya hindi nakakainip at nakakapagod.
"Hindi ko na sinabi. Marami na silang iniisip, ayaw ko na dagdagan pa." Sagot ko. Isa lang iyon sa dahilan ko. Ang main reason ko talaga ay yung totoong dahilan na nag-aayaw silang lahat dahil saakin.
"Kung kailangan mo ng tenga na makikinig sa kwento mo, nandito lang ako parati ha? Hihintayin ko yung araw na magiging handa ka sabihin saakin ang lahat. Kung hindi ka talaga komportable sabihin saakin, okay lang din Inna ng mga magiging anak ko." Tumigil ako sa paglalakad tsaka siya hinarap.
"Thank you, Anghel. Alam ko darating din yung araw na masasabi ko lahat sayo." Ipinulupot ko ang mga braso ko sa kanya at isinandal ang ulo sa dibdib niya. "Thank you, my guardian angel." Nakangiting sabi ko. Naramdaman ko naman ang mahigpit din niyang yakap saakin.
OoooOoooOooo
Second to the last day na ng event month namin. Hindi ko akalain na naitawid namin ng matiwasay ang ilang linggo na nagdaan. So far, wala kaming narinig na negative feedbacks. Ngayong araw na ito darating ang buong pamilya ng mga Frazier para bumisita at makisalo sa mga activities.
"Kinakabahan ka ba, Inns?" Tanong saakin ni Cloud. Inayos ko ang buhok ko tsaka hinarap siya at tinanguan.
"Hindi ka pa ba sanay sa mga ganitong bagay? Kaya mo yan." Pagpapalakas niya ng loob ko. Nginitian ko siya at muling tinanguan.
Ako kasi ang magwewelcome sa buong Frazier family dahil SSG officers nga ang in charge sa event na ito. Sinusuportahan at ginagabayan lang kami ng Principal at faculty members.
Pero tama nga si Cloud, sanay na dapat ako sa mga ganitong bagay dahil parating ganito ang ginagawa ko.
"Inns, nandito na sila." Bulong saakin ng isang kasama namin kaya muli kong inayos ang buhok ko at hinagod ang damit ko.
"Let's go, guys." Nakangiti akong humarap sa kanila at nanguna sa paglalakad.
Naghintay kaming lahat dito sa may gate kung saan sila papasok. Unang bumaba ang mga anak nila na binata at dalaga na. Wow, ang ganda at gwapo nilang lahat. Talagang prinsesa at prinsipe ang galaw at itsura nila.
"Sht ang gwapo nga talaga sa personal ni Prinsipe Phoenix!" Impit na tili ni Tala kaya sinamaan ko ng tingin. Hindi makapagpigil ng kaharutan ang bruha.
"Good day, Princesses and Princes!" Paunang bati namin. Ang bilin saamin ng Principal, sa ganung paraan daw namin sila batiin imbes na Ma'am/Sir or Frazier family or ibang chena pa yan. "Welcome to Kithley Frazier Internation School! Today is the 29th day of our Event Month and we prepared activities that everyone will enjoy. I am Cloud Mesina, your SSG Vice-President." Si Cloud ang nagsalita. Huli kasi ako mamaya.
"Hello, mga anak!" Masigla at masayang bati ni Princess Ianthe saamin. Totoo nga ang sabi nila, napakasimple niya. Sobrang down to earth daw at malapit ang loob niya sa lahat, madali din daw siyang pakisamahan at hindi niya ipapadama na isa siyang prinsesa na kailangan igalang ng sobra-sobra. At totoo nga din na may pagkakahawig sila ni Mommy. The difference is, mas simple siya kay Mommy at..mahal na mahal niya ang mga anak niya.
"Inna, ikaw na." Siniko ako ni Pablo kaya nabalik ako sa ulirat. Nakatingin na pala silang lahat saakin.
"Hello po, Princesses and Princes!" Bati ko sa kanila at bahagyang yumuko. Ganun din naman ang ginawa nila.
"This day, we prepared a simple yet magical event." Pagsisimula ko habang naglalakad na kami papunta sa field kung saan ang main hall ng event month. Maganda na ang pagkakaayos dahil inumaga na kami sa pagdedecorate ng buong field na ito. "We are having a carnival with a twist." Nakangiting sabi ko. Lahat naman sila ay mukhang naging interesado. "Lahat po ng makukuhang pera dito sa carnival ay mapupunta sa chosen charity ng mga SSG which is the Cheerful house." Lahat sila ay napapatango at mukhang namangha. Naisip ko kasi noong una na ibigay na lang ang nalikom naming pera sa carnival na ito sa mga mas nangangailangan since marami na ang nakuha namin in the past few weeks nitong event month. Nakasecure na rin ang mga perang iyon para sa mga susunod pa na gastusin dito sa Junior high school department. Pagkatapos ko magsalita at magpaliwanag, sina Tala at Pablo na ang nagtour sa kanila. Sila na talaga ang inatasan ko maging tour guide dahil sa kadaldalan nila.
Habang naglalakad kami ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko.
Lola Min calling...
Shookt. Alam na kaya niyang umalis nanaman ako sa bahay namin?
"Hi Lola!" Bati ko at naglakad muna palayo kina Tala. Sumenyas din ako kay Cloud na may important call ako at tinanguan naman niya ako.
"Hi Sab! How are you doing?" Tanong niya saakin. Mabilis naman akong nag-isip ng sasabihin.
"I am perfectly fine, Lola." Sagot ko.
"That's good to know. Sana ay naaalagaan ka na ng maayos ng mga magulang mo. I called your Mom and she said they're really trying to be your parents. Pinagbantaan ko kasi na ako ang magsasabi sa publiko ng tungkol sayo kapag pinabayaan ka pa. I am happy na sinusubukan nila kahit papaano." Mahabang sabi niya. My Mommy lied to her. Hindi niya sinabing umalis nanaman ako dahil nagkasagutan kami.
"Yes, Lola. I-I am really happy that they're trying." Mahinang sabi ko. Kapag sinabi ko sa kanya na umalis ako dahil pinagsabihan ako ng masasakit ni Mommy, baka totohanin niya ang banta niyang ibubulgar niya sa mga tao ang tungkol saakin. Ayaw ko naman na lalong magalit saakin si Mommy at Daddy.
"Anyway, kinumusta lang kita that's why I called. Namimiss na rin kasi kita kaya uuwi na ako tomorrow night. Ang alam ko ay bukas ng gabi din ang uwi ng Lola Karla mo kaya sabay na kaming pupunta dyan sainyo kinaumagahan. Okay, sweetie?" Napatanga naman ako dahil sa sinabi niya. Sht, edi kailangan ko umuwi saamin bukas ng gabi?
Anak ng!
"Sure, Lola. I can't wait to see you. Ingat po lagi. I love you!" Paalam ko. Baka hinahanap na ako ng mga kasama ko at nakipagtelebabad pa ako kay Lola.
"Bye, apo. I love you, too!" At ibinaba na nga niya ang tawag. Napabuntong hininga na lang ako habang naglalakad pabalik sa mga kasama ko.
Uuwi na ako saamin bukas.
-------------------- 👪 ---------------------
all that matters is love
BINABASA MO ANG
i have a secret // kn
FanficI have a secret, they have too. ds: 4/10/18 de: 9/13/18