M A Y 0 8 2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------Anghel's Point of View
Bigla akong nagising nang marinig ko ang ringtone ko na para lang kay Inna. Tinignan ko muna ang oras at nakitang 3 o'clock pa lang ng umaga.
Pagbukas ko sa message niya ay kaagad akong napangiti. Sabi ko na nga ba at hindi ito makakatiis ng wala ako sa tabi niya. Gusto ko na lang isipin na ganun niya ako kamahal.
Nagreply naman ako.
To: Inna ng mga magiging anak ko
Oo naman. Hihintayin kita. I love you, too. Ingat ka, magpapakasal pa tayo.Binitawan ko na ulit ang phone ko tsaka bumalik sa pagtulog. Mahigit apat na oras din ang itatagal ng byahe niya kaya mamayang tanghali pa yun makakarating dito.
Itutulog ko na lang muna ito.
OoooOoooOooo
Nagising ako ng 8 o'clock at kaagad akong lumabas ng kwarto para uminom ng tubig. Pagkasalang ko ng tubig ay nagulat ako dahil biglang nagsalita si Nanay papasok. Nabasag tuloy yung basong hawak ko.
"Anghel, anak, gising ka na pala. May ibabalita ako sayo." Napalingon ako sa kanya tsaka pinulot ang basag na piraso ng baso.
"Anong nangyare, Nay?" Tanong ko sa kanya tsaka kaagad nilagay sa plastic ang basag na baso at tinapon sa basurahan namin.
"Hindi ba't nasa Korea ngayon si Inna?" Tanong niya saakin. Napakunot noo ako pero tumango din naman. "Opo, Nay." Sagot ko.
"Nabalita kasi kaninang alas quatro ng umaga na may bumagsak daw na eroplano galing Korea papunta dito sa Manila. Mabuti nga at hindi pa naman daw ngayon ang uwi nina Inna kaya laking pasasalamat ko." Ilang segundo rin nagproseso sa utak ko ang sinabi ni Nanay. Kalmado lang ang boses niya at talagang nakahinga siya ng maluwang dahil hindi ngayon ang uwi ni Inna.
Nang maalala ko ang tinext niya saakin kanina ay bigla na lang akong naubusan ng lakas.
Ngayon ang uwi niya..
"Tangina!" Kaagad akong tumayo tsaka nagbihis at umalis. Habang tumatakbo ako palabas ay dinig na dinig ko ang pagsigaw ni Nanay sa pangalan ko pero mas malakas ang tibok ng puso ko.
Huwag naman sana. Sana ibang eroplano iyon. Huwag naman sana ang sinasakyang eroplano ni Inna. Mabilis akong pumara ng jeep at nagpunta sa bahay ng Lola Min niya. Habang nasa jeep ako ay todo panalangin ako at wala na akong pakialam kung pinapanood ako ng lahat habang umiiyak at nakayuko.
Hindi ko kakayanin kung sakaling kasama si Inna sa mga pasahero ng eroplanong iyon.
Hindi ko kakayanin..
OoooOoooOooo
Pagbaba ko sa tapat ng subdivision nila ay kaagad kong tinakbo papasok, hinarang pa ako nung guard kaso kaagad din niya akong naalala dahil panay ako dito kina Inna kaya pinapasok niya ako.
Hindi ko lubos maisip na natakbo ko ng dalawang minuto ang gate ng subdivision hanggang sa bahay nila. Sakto naman ay papalabas ang van na sasakyan nila kaya hinarang ko iyon at buti kaagad nilang naipreno.
"Anghel?" Si Tito Kevin pala ang nagmamaneho.
"S-si Inna po, Tito?" Nanginginig na tanong ko sa kaniya. Mukha namang naintindihan niya ako at sinenyasan na sumakay na. Nagmamadali akong sumakay at kaagad naman niyang pinaharurot ang van. Nandoon sina Lola Min, Lolo Ted, Tita Kaye, at Tita Chrysler. Umiiyak silang lahat pwera kina Lolo Ted at Tito Kevin.
BINABASA MO ANG
i have a secret // kn
FanficI have a secret, they have too. ds: 4/10/18 de: 9/13/18