Chapter 18: in a plane

610 23 5
                                    

M A Y      0 7      2 0 1 8
kapag maraming feedbacks 'to
update ko yung next chap
tonight!
-------------------- 👪 ---------------------

Isabel's Point of View

Dahan-dahan ko sinarado ang zipper ng luggage ko tsaka sinuot ang boots ko at binitbit ang backpack ko. Tulog na tulog na tulog na kasi yung dalawang maarte kaya hindi na nila mapapansin na aalis ako.

Nacheck ko na lahat ng gamit ko at kumpleto na lahat.

Nag-iwan na rin ako ng note sa kanila at sinabing mauuna na ako umuwi sa Pilipinas. Wala na rin naman sila magagawa kapag nandoon na ako. Ako na rin ang magpapaliwanag kina Lola Min kung bakit mag-isa akong umuwi.

Alam kong maiintindihan nila.

Tsaka namimiss ko na si Anghel at sina Lola kahit na two weeks ko lang naman silang hindi nakasama.

Paglabas ko ng hotel ay kaagad akong pumara ng taxi.

"Gonghang-e delyeoda." Nakangiting sabi ko. Tumango lang naman siya tsaka nagmaneho. Nakatingin lang ako sa bintana habang pinapanood ang mga tao na naglalakad. Kakatapos lang ng ulan at ang huling dinig ko sa balita ay may bagyo daw dito.

Ang ganda pagmasdan ng patak ng ulan sa bintana habang punong-puno ng ilaw sa labas.

"You're a Filipino?" Tanong saakin ng taxi driver. Ngumiti ako sa kanya.

"Yes. How'd you know?" Tanong ko.

"You have the beauty that only Filipina women have." Sagot niya kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"My wife is also a Filipina." Namangha ako dahil sa sinabi niya kaya hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. "I met her when I went to the Philippines to have a short vacation. Our relationship didn't went well. We really had a rough one." Nakatingin lang ako sa kanya habang naghihintay ng sunod niyang sasabihin. "She was a model while I was just a taxi driver here in Seoul. I got her pregnant and that was the start of our fights." Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. "She wanted to get rid of the baby because of her career, but I said don't. That baby was ours. She went away but I followed and pursue her. Until I convinced her to marry me and have a new life with our baby. It wasn't easy to have a famous girlfriend. But thank goodness because we end up together. Now, we already have two children. But, still, I always admire her Filipina beauty." Natuwa naman ako dahil sa ikinuwento niya. Kahit na nahihirapan siya magsalita ng English ay pinilit pa rin niya.

"I am so in love with my family. Where's yours?" Tanong niya. Napaayos naman ako ng upo dahil sa biglaang pagtatanong niya saakin.

"They can't come with me, they're busy." Maikling sagot ko na lang. Mabuti naman at hindi naman siya gaanong curious sa kwento ng buhay ko kaya hindi na ako nagkwento.

Pero naantig ang puso ko sa kwento niya. Naisip ko, nung nabuntis ba si Mommy saakin, ano ang una nilang naisip? Sumagi kaya sa isip nila na ipalaglag ako? Did they even thought to fight for me? Pero mas pinili ko na huwag na lang isipin iyon. Masakit kasi, ayaw ko na rin itanong sa kanila. Ayaw kong malaman ang sagot. All I know now is I love them both and I am thankful dahil binuhay nila ako.

Lalo ko lang namiss sina Mommy at Daddy. It has been three years, baka naman pwede ko na silang makita ulit. Maiintindihan naman siguro nina Lola.

Kinuha ko ang cellphone ko at kaagad tinext sina Mommy at Daddy.

To: Mommy, Daddy
You're probably wondering why I texted you. Hindi alam nina Lola to, I'm in Seoul kasama sina Ate Lhexine and Tita Magui pero pauwi na rin naman ako. I want to see you, please? It's okay kung huwag na kayong lumapit saakin basta makita ko lang kayo. Kahit isang oras lang or kahit kahalating oras lang po. I just miss you so much. Thank you po. I love you!

Tinago ko na ang cellphone ko at sakto namang nakarating na kami ng airport. Nagbayad at nagpasalamat ako sa mabait na taxi driver at pumasok na sa loob.

Habang hinihintay ko ang maleta ko ay lumingon-lingon ako sa paligid. Maulan nanaman at mukhang macacancel pa ang mga flights ngayon. Huwag naman sana.

Lumipas ang ilang oras at mabuti na lang tumila na daw ang ulan at safe na magbyahe. Tumayo na ako at hinila ang maleta ko.

OoooOoooOooo

Nasa eroplano na ako at ilang minuto na lang ay take off na. Bago ko patayin ang cellphone ko ay nag-iwan ako ng mensahe kina Anghel.

To: guardian anghel
Pauwi na ako. Sunduin mo ko sa airport ha. Thank you and I love you so much!

To: Lola Min
Lola, pauwi na po ako. Sorry kung hindi na ako sumabay kina Ate Lhexine. Magstay pa kasi sila dito ng two days at gusto ko na umuwi. I'll explain further when I get there. I love you!

Pagkatapos ay pinatay ko na ang cellphone ko at nilagay ang neck pillow dahil bigla akong nakaramdam ng antok.

Maya-maya lang ay nagising ako dahil sa mga boses na naririnig ko sa paligid.

"Please, calm down!" Hindi na magkandaugaga ang mga flight attendants sa pagpapakalama sa mga pasahero at doon ko naramdaman ang paggalaw ng eroplano.

Shet, anong nangyayare?

"How can we calm down if we're crashing?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng isang matanda na sa tingin ko ay kasing edad na nina Lola Min.

"Just stay on your seats and remain calm. Our pilots are already fixing everything." Anunsyo nanaman ng isang FA. May iilan naman ang naupo na at piniling kumalma, may isang grupo na nagkukumahog pa rin, yung mga bata nagsisiiyakan na, at ako mas pinili kong kumalma at manalangin.

"Panginoon, kung anuman ang mangyayare saamin ngayon, Kayo na ho ang bahala saamin. Ipinagkakaloob po namin sainyo ang aming buhay. Amen." Iminulat ko ang aking mga mata. At doon, inanunsyo na nila na isuot ang life vest at paracute na avalaible per passenger. Gusto ko na maiyak dahil nararamdaman kong ito na ang katapusan ko.

"Sorry po Mommy and Daddy kung hindi ako makakapunta sa usapan natin. I'm sorry if you spared an hour for me but I wasted it. I love you so much." Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hinayaang tumulo ang mga luha sa pisngi ko.

Hinigpitan ko ang hawak sa necklace at strap ng paracute ko.

Then, the last thing I knew, pabulusok na pababa ang sinasakyan naming eroplano.

-------------------- 👪 ---------------------
ang sabaw ba? huhu.
-------------------- 👪 ---------------------
all that matters is love

i have a secret // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon