Chapter 24: ideal

733 28 6
                                    

J U N E        0 4      2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------

Anghel's Point of View

Kinabukasan ay kaagad kong tinawagan ang buong pamilya ni Inna para sabihing natagpuan ko na siya. Sinabi ko na rin kung saang ospital kami. At ilang oras lang ay nagsidatingan na silang lahat.

"Sab!" Umiiyak silang lumapit kay Inna kaya tumayo muna ako at nagpunta sa pinakalikuran.

Pinanood ko lang sila habang umiiyak at todo pasalamat na buhay si Isabel. Sina Lola Min naman ay kinausap ang doktor niya para itanong ang totoong kalagayan niya. Alam ko naman na lahat ng iyon kaya hindi na ako nakinig pa.

"Anghel?" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Sir Daniel, ang Daddy ni Inna.

"Ano ho yun?" Magalang na tanong ko sa kanya. Never ko pa kasi siya nakausap kahit mukhang alam naman na nilang boyfriend ako ng anak nila. Mula kasi nang mawala si Inna ay hindi naman ako namalagi doon sa kanila, busy ako kakahanap sa kanya.

"Can I talk to you?" Tanong niya. Medyo nakaramdam ako ng kaba dahil Daddy siya ni Inna. Sina Lola Min lang naman kasi ang may blessing sa relasyon namin.

"Sige po." Sagot ko tsaka ngumiti sa kanya. Tumalikod siya kaya sumunod na lang ako. At nakarating kami dito sa garden ng ospital. Wala man gaanong tao dito hindi katulad sa ospital sa siyudad. Medyo liblib na din kasi ang lugar na ito kaya iyon na din siguro ang dahilan kung bakit hindi nahanap kaagad si Inna.

Naupo sa isan bench si Sir Daniel. Kahit medyo awkward ay tumabi ako sa kanya pero nasa kabilang dulo ako nung upuan.

Nakatingin lang kami pareho sa harapan. Medyo nagiging awkward na kaya ako na ang babasag ng katahimikan. Mukha namang gusto niyang kwentuhan ko siya tungkol kay Inna.

"Noong una ko pong nakita si Inna, pinagkamalan ko siyang die hard fan mo." Nakangiting sabi ko habang inaalala yung araw na dinala ko siya sa bahay. "Suot kasi niya yung hoodie na brand niyo tapos may panyo pa siya na may initials ng pangalan mo." Pagpapaliwanag ko dahil halata sa mukha niya ang pagtatakha.

"Ikaw ang nagligtas sa kanya noong tumakas siya ng ospital?" Tanong niya saakin. Ngumiti at tumango naman ako.

"Tapos ikaw nanaman ang nakahanap sa kanya ngayon." Pagpapatuloy niya at bakas sa boses ang lungkot at dismaya. Bigla namang naglago ang ngiti sa labi ko dahil sa nakikita ko. Ibang-iba siya sa tv na masayahin at chill na tao sa nakikita ko ngayon, punong-puno ng pagkadismaya para sa sarili.

"Ako dapat yun eh." Lumingon siya saakin at halata na ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata niya. Marahan naman akong napalunok. Hindi ko kasi alam kung galit siya dahil inuunahan ko siya parati kay Inna or ano. "Ako dapat yung pumoprotekta sa kanya. I should've been her superhero, pero ako pa ang naging dahilan ng paghihirap at sakit na dinanas niya." Pinunasan niya ang mga mata niya gamit ang dalawang daliri at hinlalaki.

"Alam niyo po, Sir Daniel, ang bait ng anak niyo. Yun siguro ang unang dahilan bakit ko siya minahal." Kinurap-kurap ko ang mga mata ko dahil kapag umiyak ako dito ay baka mapagkamalan na kaming bakla.

"Kapag magkasama kami noon, nung hindi ko pa alam ang tungkol sa sitwasyon niyo, parati niyang nababanggit saakin kung gaano niya kayo hinahangaan ni Ma'am Kathryn." Pansin ko namang tumigil na siya sa pag-iyak at napangiti na. "Panay nga po niyang sinasabi noon na kapag nagkaroon siya ng boyfriend, gusto niya yung katulad mo, katulad ng Daddy, kasi daw.po idol niya kayo eh. Yung tipong may takot sa Diyos, gentleman, mapasensya, matalino, mabait, masipag at matiyaga, maginoo kahit may kaunting kalokohan, may sense of humor, maintindihin, nakakasakay sa trip, down to earth, astig, chill, cool, gwapo, malakas ang dating, magaling kumanta. Kahit daw hindi niyo kasing yaman, basta mayaman sa magmamagal. Grabe nga ho eh, naisip ko noon, wala na yata akong pag-asa sa babaeng to, mataas-taas ang standards. Mala-Daniel Padilla ang nais niya, eh nagtitinda lang ako ng bananaque at kamoteque." Medyo natawa ako nang maalala ko ang senaryong iyon habang nakahiga siya sa damuhan katabi ko.

i have a secret // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon