S E P T E M B E R 0 3 2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------Anghel's Point of View
"Ba't ngayon ka lang?" Salubong saakin ni Cloud pagdating ko dito sa Mount Olympus.
"Hindi ako kaagad pinaalis ni Coach. Tsaka umuwi pa ako para magpalit ng damit." Sagot ko tsaka naupo sa tabi ni Miguel.
"Namiss kita, bro." Niyakap ako ni Pablo tsaka akmang hahalik saakin kaya kaagad kong hinarang ang palad ko sa nguso niya.
"Lubayan mo nga ako, Pablo, kadiri ka bro." Nakasimangot naman siyang lumayo saakin tsaka tumabi kay Tala at silang dalawa ang nagbangayan.
"Ako na lang kiss mo, Fafa Anghel, namiss kita ng sobra." Kaagad akong tumayo tsaka lumayo kay Miguel at tumabi na lang kay Ryker.
"Putcha, Miguelito, nangingilabot ako sainyong dalawa ni Pablo." Hinagod ko ang dalawang braso ko nang maramdaman kong nananayo ang mga balahibo ko.
"Sup, bro?" Tanong ko kay Ryker na tahimik lang na umiinom sa tabi ko. Mukhang wasak nanaman tong brader kong 'to.
"Huwag mo muna kausapin, bro, broken yan ngayon." Natatawang sabi ni Miguel kaya mabilis siyang nabato ng pulutan ni Ryker.
"Gago ka." Pabulong pa nitong sabi.
"Mamaya lang naka-move on na yan at lalandi nanaman ng iba." Sabi pa ni Miguel kaya tumayo na si Ryker at akmang sasapakin na si Miguel nang biglang tumugtog ang malakas na kanta at nagsimula na maging wild ang mga tao sa dance floor.
"Shiiiit! Let's party, people!" Sigaw ni Tala tsaka kinaladkad si Pablo at Miguel sa dance floor. Ang mga party animal, nagsimula na.
"Gala muna ako." Paalam ni Ryker habang hawak yung bote ng beer niya. Sinundan ko siya ng tingin at pamuntik pa siyang matumba habang papalayo saamin.
"Kanina pa yan dito. Tsk tsk." Nilingon ko naman ng kunot noo si Cloud na nakatanaw din kay Ryker.
"Anyare ba dun, bro?" Tanong ko sa kanya. Sa sobrang pag-iisip ko sa practice ng basketball at sa sobrang pagkamiss ko kay Inna ay hindi ko na alam ang nangyayare sa buhay ng mga kaibigan ko.
"Naalala mo yung babaeng kaaway niya parati?" Tanong niya saakin at tinanguan ko naman. "Ayun, nag-disappear daw, tsismis saamin ni Miguel." Pagkukwento niya.
"Akala ko ba kinamumuhian niya yun, bro? Eh bakit broken siya?" Natatawang tanong ko. Tignan mo yung broder naming yun, na-in love na yata sa kaaway niya.
"The more you hate, the more you love nga kasi bro." Natatawang sabi din naman ni Cloud.
Napapailing na lang ako sa kakornihan na sinabi niya tsaka lumagok sa bote ng beer ko. Weekends na rin naman at walang pasok bukas kaya magpapaka-wasted muna ako.
"Hanap muna ako ng chics, bro." Paalam saakin ni Cloud. Nginisian ko siya tsaka tinanguan.
Nagpatuloy ako uminom mag-isa. Ang mga putchang yun, ang sabi nila nagtatampo na daw sila saakin dahil hindi ako nakakapunta sa Friday night out namin, ngayon namang nandito ako ay iiwan nila ako mag-isa? Mga walang kwenta.
Nilunod ko na lang ang sarili ko sa alak habang nakikisabay sa malakas na kabog ng kanta ang tibok ng puso ko. Kung nandito siguro si Inna, hindi niya hahayaang uminom ako mag-isa. I'm sure sasamahan ako nun dito.
Eh kaso, siya nga ang unang nang-iwan saakin eh. Love is in the air nga talaga, kaya siguro iniwan niya ako sa ere.
"Ugh! Ang bilis ko naman tamaan!" Isinandal ko ang katawan ko sa sofa tsaka minasahe ang sentido ko.
"Tama na yan." Napangisi ako nang marinig ang boses ng pinakamagandang guardian angel ko.
"Should I stop, Inns?" Tanong ko sa kanya habang nakatingala pa rin ako at minamasahe ang sentido ko.
"Kung hindi mo na kaya, itigil mo na." Sagot naman niya.
"Alin ba ang unang dapat kong itigil? Ang pag-inom ng alak o ang pag-iisip sayo? Kasi parehong hindi ko na kaya." Mapait akong natawa dahil sa hugot na naitanong ko sa kanya.
"Hindi mo na kaya?" Tanong niya. Doon ko inilipat ang tingin ko sa kanya. She's wearing a simple white shirt and tattered denim pants. Ngumiti ako sa kanya tsaka napayuko.
"Hindi na. Nasasaktan na ako sa pag-iisip na wala ka na talaga saakin. Napapagod na ako maging mag-isa, nakakainip ng wala ka, Inns. Paano ba ako titigil?" Tanong ko sa kanya. Muli akong nagbukas ng isang bote ng beer tsaka lumagok doon.
"Akala ko ba hindi mo na kaya?" Tanong niya saakin. Pinunasan ko ang tumulong beer mula sa gilid ng labi ko gamit ang likod ng palad ko.
"Hindi na nga, kaso hindi ko rin naman kayang tumigil. Kaya siguro mas mahirap. Gusto ko ng tumigil pero hindi ko kaya." Nginitian ko siya ng malungkot tsaka bumuga ng hininga.
"Sana nandito ka na lang talaga, Inns. Sana hindi lang kita imahinasyon. Sana nandito ka talaga, kailangan kita dito, Inna." Marahan kong ipinikit ang mga mata ko nang maramdaman ko ang matinding pananakit ng ulo ko.
"Balik ka na saakin, Inns. Ang hirap na kasing mag-isa." Bulong ko tsaka sinubukang hawakan ang kamay niyang nakapatong sa sofa na nasa tabi ko lang.
"Huwag kang mag-alala, bro, hindi na ako aalis dito sa tabi mo." Iminulat ko ang mga mata ko at nakitang nakangiti ng nakakaloko saakin si Miguel.
Marahas kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya tsaka marahang ipinikit ang mga mata ko. "Putcha ka, Miguel, kung ikaw na lang ay huwag na. No, thanks!" Bulyaw ko sa kanya tsaka tuluyang isinandal ang katawan ko sa sofa at minasahe ang sentido ko.
Nakita ko nanaman si Inna. Natutuwa naman ako dahil kahit papaano ay nakakausap at nakikita ko pa rin siya kahit imahinasyon ko na lang ang lahat. Siguro sa ganung paraan niya gustong iparating saakin na nais din niya akong makasama habangbuhay. Kaso nga lang, huli na ang lahat.
"Madalas ko rin siyang makita, at lalo lang akong naiinis sa tuwing maaalala ko na panandalian lang iyon." Napalingon ako kay Tala na inisang lagok ang natitirang alak sa bote pagkatapos magsalita. "If she thinks we are happy, she's wrong." Halata sa boses niya ang pait at pangungulila. "Kung akala niya magiging okay ang lahat, nagkakamali siya. I don't know if I can accept the fact that she will never come back to us." Napayuko siya habang pinaglalaruan ang wala ng laman niyang bote.
"Parang kailan lang naplano namin ang magiging buhay namin together. Yung tipong kahit may work na kami, madalas pa rin kami magshopping na magkasama, photographer pa rin namin ang isa't isa, aattend sa wedding ng isa't isa, our children would be friends like us, then we will reminisce the past together with our grandchildren. Kaso sa isang iglap, naglaho na lang ang lahat." Napaiwas ako ng tingin sa kanya tsaka mabilis na pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko.
Inna and I dreamed of that too. Get married and have children. Then, suddenly, because of one tragic accident, everything faded away.
"Pero wala naman na tayong magagawa diba? We can only reminisce our memories with her." Sambit naman ni Cloud na bigla ring natahimik dahil sa biglaang pagbreak down namin ni Tala.
"Kahit wala na si Inna, we'll always make sure na nakakasama pa rin natin siya. Lalo na every Friday night. She's still with us, in our hearts." Nakangiting sabi ni Pablo, trying to lift up the mood again.
"True. Kahit anong ginagawa natin, parati siyang nasa isip, alaala at puso natin." Pagsang-ayon naman ni Ryker. Natutuwa ako dahil kahit hindi nila lubos na kakilala si Inna ay dinadamayan nila kami.
"Trueness! Kahit sa bathroom or toilet pa!" Sigaw naman ni Miguel at gumamit pa ng pambaklang tono kaya napatitig kaming lahat sa kanya.
"BASTOS! WALANG MODO!" Sigaw naming lahat tsaka siya pinagbabato ng pulutan.
Pero tama sila, kahit na wala na si Inna dito physically, she will always be with us spiritually.
-------------------- 👪 ---------------------
all that matters is love
BINABASA MO ANG
i have a secret // kn
FanficI have a secret, they have too. ds: 4/10/18 de: 9/13/18