Chapter 20: plan

810 26 4
                                    

M A Y      1 1      2 0 1 8

------------------- 👪 ---------------------

Anghel's Point of View

Nandito ako sa kwarto ni Inna. Malapit ng sumikat ang araw pero wala pa rin akong tulog mula kahapon. Hanggang ngayon kasi ay hinihintay ko ang balita mula sa Petmalu Airlines.

Last silang tumawag ay kaninang madaling araw, 12 na daw ang mga pasahero na nasa ospital at 40 na ang mga natagpuang patay. Hanggang ngayon ay nasa listahan pa rin ng mga nawawala si Inna.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na wala siya sa mga natagpuang patay na bangkay or malulungkot dahil hindi ko alam kung ano pa ang naghihintay na balita saakin.

Hindi ko talaga kakayaning mawala saakin si Inna.

"Anghel, anak.." Narinig ko ang pagkatok ni Tita Kaye sa pintuan ng kwarto ni Inna. Hindi ko magawang lingunin si Tita dahil nakatuon ang mga mata ko sa tv kung saan nakasalang ang mga videos ni Inna mula pagkabata hanggang ngayon na magkasama na kami. Kahapon ko pa pinapanood ang lahat ng ito. Hindi ako nagsasawa makita ang mukha niyang nakangiti sa tuwing ibabalita niya ang nangyare sa kanya buong araw, napapangiti pa rin ako sa tuwing nagsusumbong siya dahil sa nakakainis niyang araw.

"Anghel.." Binaling ko ang tingin kay Tita Kaye. Kita sa mga mata niya ang pagkaawa at pag-aalala saakin. "Nandito ang Nanay at Tatay mo. Nag-aalala na ang lahat sayo." Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pintuan at doon ko natanaw sina Nanay at Tatay. Umiiyak na pumasok at lumapit saakin si Nanay kaya hindi ko nanaman napigilan ang pag-iyak ko.

"Anak, anong nangyare?" Halata sa boses ni Nanay ang awa habang umiiyak at nakayakap saakin ng mahigpit.

"Nay, si Inna po. Hindi pa umuuwi si Inna, Nay. Dapat ngayon ang alis namin papunta ng Siargao. Hindi siya tumupad sa pangako niya na babalikan niya ako dito." Umiiyak kong sabi na tila nagsusumbong. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya saakin. Narinig ko rin naman na nagpaalam muna si Tita Kaye para makausap ko ang mga magulang ko.

"Anak, ito ang tatandaan mo ha?" Kumalas siya sa pagkakayakap saakin tsaka pinunasan ang luha sa pisngi ko. "Kailangan mo magpakatatag sa mga ganitong kaganapan sa buhay mo. Huwag mong hayaan na lamunin ka ng lungkot at panghihina ng loob. Kung nasaan man si Inna ngayon, alam kong gusto niyang magpakatatag ka at hintayin mo siya sa pagbabalik niya. Ha? Gawin mo ito para kay Inna at para sa sarili mo." Pagpapalakas niya ng loob ko. Paulit-ulit akong tumango at niyakap siyang muli.

"Hindi mawawala sayo si Inna, magtiwala ka lang sa Kanya, anak. Tawagan mo ang pangalan Niya at humingi ka ng tulong. Gagabayan ka Niya sa lahat ng bagay na gagawin mo." Muli akong tumango at kumalas sa pagkakayakap ni Nanay. Ang mga salita niya ang kailangan kong marinig para huwag mawalan ng pag-asa at magpatuloy. Laking pasasalamat ko talaga dahil siya ang Nanay ko.

"Huwag ka lang magkulong dito. Gawan mo ng paraan at hanapin mo siya." Bulong naman saakin ni Tatay. Dahil doon ay kaagad akong nabuhayan ng loob.

Tama sila, hindi pwedeng manatili lang ako dito at maghintay ng ibabalita saamin. Dapat ako na mismo ang gumawa ng paraan para mahanap si Inna.

IJ's Point of View {narrator, bregs}

Nang magpaalam sina Anghel kasama ng mga magulang niya sa buong pamilya ni Inna ay hinayaan siya sa nais nitong gawin. Lahat sila ay talagang nag-aalala kay Anghel dahil mula nang mabalitaan nito ang nangyare kay Sab ay wala na itong ginawa kung hindi magkulong sa kwarto ni Isabel at umiyak. Hindi rin ito kumakain.

Pag-alis nina Anghel ay siya namang dating ng mga magulang ni Isabel, Kathryn at Daniel. Lahat ay napalingon sa kanilang dalawa. Akmang sisigawan na sila ng Ama ni Kathryn nang pigilan ito ng Ina niya.

i have a secret // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon