M A Y 0 3 2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------Isabel's Point of View
Pinanood ko sila na ilabas lahat ng gamit ko mula sa kwarto. Doon na muna ako kina Lola Min titira dahil seryoso daw si Lolo Ted na hindi na niya ako ipapakita kina Mommy at Daddy. Pabor naman ang lahat kaya wala na rin akong choice kahit na ayaw kong iwan mag-isa dito sa bahay si Mommy. Inaalala ko kasi na baka wala na siyang kasabay kumain sa tuwing uuwi siya. Pati mga katulong namin ay tinanggal nina Lola para daw matuto mag-isa si Mommy. Wala naman siyang magawa dahil pinagbantaan siya ni Lola.
"Let's go, Sab." Hinawakan ako sa kamay ni Tita Kaye at pinasakay sa kotse niya. "I'm sorry if you have to go through this, Sab. Ang bata mo pa pero nararanasan mo na lahat ng kasakitan sa buhay." Nginitian ko siya tsaka marahang napayuko.
"Nasanay na rin po ako, Tita. Huwag po kayo mag-sorry." Sabi ko. Pagkatapos nun ay nabalot na ng katahimikan the whole ride.
Kanina ay nag-iwan ako ng message kay Anghel dahil natambakan na pala ako ng messages galing sa kanya. Nag-aalala daw sila saakin kaya sinabi kong ayos lang ako. Magstay muna ako sa bahay nina Lola kaya wala silang dapat ipag-alala. Naiintindihan naman nila dahil alam nilang may problema ako sa mga magulang ko.
I know they deserve to know the truth dahil sila ang nasa tabi ko nang wala akong ibang malapitan. I owe them an explanation. Ipapaliwanag ko naman sa kanila ang lahat kapag kaya ko na.
"We're here." Napalingon ako sa paligid at nandito na nga kami sa bahay. Ibinaba na nila ang mga gamit ko kaya pumasok na ako at nagtungo sa living room.
"Welcome home, Sab!" Sinalubong nila ako lahat ng yakap. Nandito din sina Lola Karla, Lolo Rommel, Tita Magui, at Tita Lelay. Gusto ko maiyak dahil kahit ilang beses ko na gusto sumuko, nandito pa rin sila para saakin. Kapag naiisipan ko na talikuran ang lahat, parati nila ipinapaalala saakin na may mga tao pa ang nagmamahal at gusto makasama ako.
"Thank you, guys." Nakangiting sabi ko sa kanila.
"Let's go to your room, Sab!" At kinaladkad na nga ako ni Ate Lhexine kasama si Tita Magui at Tita Lelay.
OoooOoooOooo
"Putcha naman Pablo! Ano to?" Inangat ni Cloud ang navy blue na toga niya na nalagyan ng pizza sauce na kinakain ni Pablo.
"Pizza sauce yan, Cloud." Sagot ni Pablo at patuloy sa pagkain ng pizza.
"Ang dugyot mo kumain. Labhan mo tong toga ko. Ayaw kong may mantya yan sa graduation natin." Naiinis na sabi ni Cloud sa kanya. Pinapanood lang naman namin sila ni Tala.
Gagraduate na kami ng grade 12. Grabe hindi ko akalain. Parang kailan lang noong SSG officer pa kami ng Junior high school. Tatlong taon na rin akong nakatira sa bahay nina Lola Min. Nasanay na ako doon. Ang bilis lang lumipas ng mga taon, at sa mga nakalipas na yun ay totoo ngang hindi hinayaan nina Lolo na makita ako nina Mommy at Daddy.
I don't know kung big deal ba sa kanila pero mukha naman silang okay at walang pinoproblema. They never contacted me kahit man lang kamustahin or bisitahin. May balita naman ako sa kanila dahil napapanood ko sila sa tv. Mas naging showy na nga sila at vocal na sila sa nararamdaman nila para sa isa't isa, and I am happy for them.
Kahit anong mangyare ay hindi naman mababago na magulang ko pa rin sila. I always want what will make them happy. At kung ang naging paglayo ko ang nagpaluwag sa nararamdaman nila, then be it.
"So, saan niyo balak mag-college?" Tanong saamin ni Tala.
"KFIS pa rin. Loyal ako tsaka hindi ko na rin kailangan humanap pa ng ibang school, nasa KFIS na ang lahat." Natatawang sabi ni Pablo.
![](https://img.wattpad.com/cover/143177407-288-k713714.jpg)
BINABASA MO ANG
i have a secret // kn
FanfictionI have a secret, they have too. ds: 4/10/18 de: 9/13/18