A P R I L 1 7 2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------Isabel's Point of View
"Inna, okay na daw ba yung program para sa first day ng event month?" Tanong saakin ng Vice-President ng SSG na si Cloud.
"Ah oo, okay na lahat hanggang sa pinakalast day ng event month. Ipapakita na lang yun sa Principal then kapag approve, tapos na." Sagot ko sa kanya. Nginitian naman niya ako tsaka inakbayan.
"Ang sipag at ang galing talaga ng SSG President namin. The best talaga!" Natatawang sabi niya kaya sinikuhan ko nga. Pagkatapos nun ay diretso na kami ng office namin para pag-usapan ang natapos kong program na sinuggest din naman nila halos.
OoooOoooOooo
"What if, second day na lang ang quiz bee?" Suggest ng grade 9 representative namin. Napaisip ako bigla. "Tapos yung first day is opening which is the parade and speeches ng mga school admins." Pagpapatuloy niya. Napatango-tango naman ako. Hindi nga naman kakasya sa isang araw lang ang parade at quiz bee.
"Great idea, so palitan natin ito.." Dinelete ko sa presentation ang quiz bee sa first day tsaka pinalitan ng parade lang at puro opening prod. Mamaya na rin kasi namin ipepresent ito sa Principal kaya kailangan maayos na namin.
OoooOoooOooo
"So, that's the plan for the whole event month, Sir." Nakangiting pagtatapos ko sa presentation namin. Ewan ko ba sa Principal namin at ganito pa ang gusto niya. Para daw formal. Mema din eh.
"That was good! I liked it. Good job, officers. Mapagkakatiwalaan talaga kayo sa lahat ng bagay." Masayang sabi niya kaya nagtatatalon kami sa tuwa. Ilang linggo din namin brinain storm ang lahat ng gagawin para sa nalalapit na malaking event dito sa school namin. Mabuti naman at worth it lahat ng pagod at puyat.
"Kailan ang start ng pag-aayos niyo?" Tanong niya saamin. "Tomorrow po, Sir. Next week na po kasi ang event month." Sagot ng Secretary namin na si Tala.
"Okay, in case you still need me, you're always welcome here in my office." Ngumiti kaming lahat at nagpasalamat bago umalis. Paglabas namin ng office niya ay doon kami nagparty-party.
"Let's walwal, guys! We deserve to have some fun! Bukas ay simula nanaman ng puspusang trabaho natin." Pang-aaya ng Treasurer namin na si Pablo, ang pinakamaloko saamin. Lahat naman kami ay pumayag dahil sa nagdaan na ilang linggo ay talagang deserve namin ito.
OoooOoooOooo
Nagpunta lang kami sa pinakamalapit na mall dahil mamimili din kami ng mga gagamitin para sa decorations sa school bukas. Babalik pa kami sa school para ihatid yun dahil wala naman ang gustong mag-uwi sa mga gamit.
Nang mapadaan kami sa event center ay isang dinudumog na stage ang inabutan namin. Napakaraming tao at halos hindi na kami makagalaw sa kinatatayuan namin dahil sa pagsisiksikan ng lahat. Kaya naman pala nakakapagtaka at maraming tao dito sa mall ngayon kahit na Lunes.
"Pakshet na malupet mga frens!" Napalingon kaming lahat kay Pablo na nagpapanic na ngayon.
"Anong nangyare sayo, Pablo?" Tanong ni Cloud sa kanya.
"Tanga Cloud, nandito si Kathryn at Daniel!" Excited niyang sabi. Bigla naman akong natigilan dahil sa mga pangalang narinig ko. At bigla akong napalingon sa stage nang marinig ko ang boses ni Daddy.
Sht, nandito nga sila.
"Talaga fren? Omgggg lodi ko yang dalawa na yan!" Excited na sabi din naman ni Tala tsaka nakipagsiksikan sa mga tao. Silang lahat ay iniwan ako at nakipagtulakan makapunta sa harapan.
Damn, I need to get out of here.
Hindi ko na rin naman matanaw ang mga kasama ko kaya umalis na ako doon. Ako na lang mag-isa ang mamimili ng mga gagamitin namin para bukas. Kaya ko naman siguro bitbitin lahat ng yun.
"WE LOVE YOU, GUYS! THANK YOU FOR COMING!" Napalunok ako pagkatapos ko marinig ang boses ni Mommy. Buti pa sa mga fans nila ay nagagawa nilang sabihin ang mga katagang iyon, sa sarili nilang anak ay hindi man lang makasagot kahit 'ILY, anak.' lang.
Sinubukan ko naman na maging fan na lang nila kesa sa maging anak nila dahil baka sakali na mahalin nila ako gaya ng pagmamahal nila sa mga fans nila. Kaso wala, ako kasi ito eh. Si Isabel Georgina, ang pagkakamali nila mula noon hanggang ngayon at hanggang mamatay na yata ako. Ako kasi ang dahilan ng muntik ng pagkawala ng pinakamamahal nilang career. I am their greatest mistake and regret.
OoooOoooOooo
Natapos ako sa pamimili ng mga gagamitin namin bukas. Dahil sa pagmamadali ay nadala ko lahat ng mga iyon sa school at nakauwi kaagad sa bahay at nagkulong na sa kwarto. Hindi ko man lang namalayan nagawa ko lahat ng iyon ng mabilisan. Ni hindi ko rin sigurado kung tama ba ang mga nabili kong gamit.
Bahala na bukas. Iniwan naman ako ng mga kasama ko. Siguro naman hindi na nila ako susumbatan dahil ako naman mag-isa ang namili ng mga gamit.
"Inna, bumaba ka na dyan at kumain!" Napailing-iling ako. "Ayaw ko po kumain, Nay. Busog pa po ako." Pagsisinungaling ko. Wala akong gana kumain ngayon.
"Okay ka lang ba, anak?" Nagaalalang tanong niya saakin. Lalong bumigat ang loob ko dahil sa lambing ng boses niya. Kaso hindi siya ang kailangan ko ngayon, I need my Mom and my Dad but they're not here for me.
"Okay lang po ako, Nay. Kaunting pahinga lang." Sagot ko sa kanya tsaka nagkulubot ng comforter ko.
"Bumaba ka na lang kapag nagutom ka ha?" Hindi na ako nakasagot pa dahil nag-uunahan na ang mga luha ko sa pagpatak. Hindi na ako naubusan ng luha. Bakit ganito kasakit?
Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Mommy.
"Hello?" Natuwa ako nang sagutin niya ang cellphone niya.
"Mommy?"
"Isabel." Nagmamadali niyang sagot. "Do you need something?" Pagpapatuloy niya.
"I need you." Sagot ko kasabay ang sunod-sunod na hikbi. Natahimik sa kabilang linya kaya nagpatuloy ang paghikbi ko. Sa pananahimik pa lang niya, alam ko na kaagad ang sagot.
"Isabel, alam mo namang busy ako, huwag mo akong guluhin ngayon. May mall show pa kami sa Pampanga. Hindi ko rin alam kung makakauwi ako ngayon dyan sa bahay. Tawagan mo na lang si Yaya Elisa to accompany you, okay? Bye!" Then she hang up. Napalunok ako tsaka tinapon sa malayo ang cellphone ko.
"I hate this fvcked up life! All I want is your time and attention, Mom. Kahit yun lang, hindi niyo pa maibigay saakin! Damn it!" Sigaw ko tsaka tinapon lahat ng gamit sa kama ko.
"Nakakapagod maging anak niyo. Ayaw ko na." Umiiyak kong sabi tsaka kiniha ang backpack ko at kumuha ng iilan sa mga damit ko. Magstay muna ako sa bahay nina Lola.
OoooOoooOooo
"Sab, what brings you here?" Salubong saakin ni Lola Min. Kaagad akong naluha nang makita siya. "Lola.." Mabilis akong yumakap sa kanya tsaka umiyak sa bisig niya.
"What did your Mom do to you this time?" Tanong niya saakin tsaka pinaupo sa kama niya.
"Same reason?" Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko tsaka ngumiti sa kanya. Parati na lang sila ni Lola Karla ang takbuhan ko kapag sobrang sakit na.
"Stay here with us na lang kasi, Sab." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Ate Lhexine is here. Your Tito and Titas are here, your Lolo Ted and I are here. I mean, you don't need to stay at your Mom's place with your nannies." Yumuko ako tsaka umiling.
"Lalong mapapalayo ang loob ko sa kanila kapag humiwalay ako ng bahay, Lola." Sagot ko. Baka kapag dito ako tumira ay hindi ko na sila tuluyang makasama. Okay naman na ako sa isang beses sa isang linggo ko lang sila makita. At least, nakikita ko sila.
"Fine, basta kapag kailangan mo si Lola, nandito lang ako parati ha?" Tumango ako tsaka siya nginitian at niyakap. Mabuti pa sila, hindi nila ako tinuturing na pagkakamali. Pero sarili kong mga magulang, isang pagkakamali lang ang tingin saakin.
-------------------- 👪 ---------------------
all that matters is love
BINABASA MO ANG
i have a secret // kn
FanfictionI have a secret, they have too. ds: 4/10/18 de: 9/13/18