Chapter 22: burial

804 29 10
                                    

M A Y       2 6      2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------

Kathryn's Point of View

"Palagi niyang sinasabi saakin na lahat daw ng achievements niya ay para sainyong dalawa." Nandito nanaman kami nina Mommy at DJ sa kwarto ni Sab. Sa mga nakaraang araw ay napanood na namin lahat ng videos niya.

Hindi ako matigil sa pag-iyak sa tuwing makikita ko siya sa tv. She grew up a smart girl. Lahat ng emosyon niya ay nakita namin sa mga videos niya. Meron doon na kinukwento niya yung mga nangyare sa kanya sa school, yung mga nagtatapat sa kanya na may crush daw sa kanya, yung mga awards na nakukuha niya, mga medals, mga competitions na sinasalihan at napapanalunan niya, noong nanalo siya ng SSG President, noong moving up niya ng grade 10, noong umiiyak siya nung elementary siya dahil nireject siya nung crush niya, noong sumubsob daw ang mukha niya habang tinuturuan siya magbisikleta ni Jordan, noong nagkasakit siya, noong nagalit siya dahil hindi kami pumupunta doon sa New York, noong excited siya dahil uuwi siya dito sa Pilipinas, noong malungkot siya dahil hindi kami umuuwi dito sa bahay. At ang huling video niya ay noong graduation niya ng grade 12.

"Mommy, Daddy, graduate na po ako ng grade 12. Ang dami ko pong nakuhang awards and medals. I think mahigit bente na itong mga nakasabit sa leeg ko. Nasasakal na nga po ako kaya tatanggalin ko na muna. Kakatapos lang ng dinner namin nina Lola. Sayang nga at wala kayo ni Daddy. Gusto ko talaga na kayo ang kasama ko sa graduation at makita niyong isabit saakin itong mga medals ko. Kaso naiintindihan ko naman po na hindi pwede. Nakauwi na rin po si Anghel at alam na niya ang lahat. Ayaw ko na po kasing isikreto sa kanya ang totoo, mapagkakatiwalaan naman po kasi siya. Uhmm..yun lang po ang kwento ko ngayon eh. Napagod din ako tsaka inaantok na. Bye po!" Halata sa mukha niya ang lungkot pero pinipilit niya ngumiti sa harapan ng camera. Nakikita na ang pamumuo ng luha sa gilid ng mata niya pero pinigilan niya. I can see longing in her eyes. Wala man lang kami sa tabi niya noong kailangan niya kami.

"She was so proud of you." Nabaling ang atensyon ko kay Mommy nang magsalita nanaman siya. "Sa tuwing may event sa school niya ay nandoon kami kahit na malayo sa kanya. Panay ang banggit niya sainyo. Para daw sa Mommy at Daddy niya na inspirason niya." Pinunasan ni Mommy ang luha sa mga mata niya.

"She was our gem, Kath. Lalong sumaya itong pamilya natin nang dumating siya." Niyakap ko si Mommy at pinasandal sa dibdib ko.

"Bakit kaagad siyang kinuha saatin?" Tuluyan na siyang humagulgol. Tahimik akong umiyak habang yakap kami pareho ni DJ.

OoooOoooOooo

"Si Inna, masayahing tao siya. Kapag sobrang pagod na namin, siya yung nagpapatawa at nagbibigay lakas saamin. Ewan ko ba kung anong meron dun at parati siyang nakalaklak ng energy drink." Napapailing na sabi ni Pablo, ang best friend ni Sab. Alam na nilang lahat ang totoo. "Pero nagpapasalamat ako sa kanya dahil tinuruan niya ako na maging isang magaling at responsableng lider at tao. She taught me a lot of things at iyon ang hinangaan ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya. I know wherever she is now, she is smiling dahil sa wakas ay hindi na pang-asar ang sinabi ko sa kanya. I will miss you, Inna kulet." Pagpapatuloy nito bago tumingin sa malaking litrato ni Sab tsaka naupo.

"Ang talino ng babaeng yan, minsan gusto ko dukutin yung utak niya. Pero siya yung pinaka-the best. Kaya nga kapag pinupuri siya ay hindi kami nagseselos o nagrereklamo kasi deserve niya lahat ng papuri. We all looked up to her. Para siyang superhero ng lahat sa school. Kainis nga minsan yan lalo na kapag pabebe kay Anghel. Pero kahit ganun, mahal na mahal namin siya." Si Tala ang pumangalawa. Nandito kaming lahat sa burial niya. Hindi natagpuan ang bangkay niya dahil ang sabi nila tuluyan na daw itong lumubog sa dagat at mahirap na mahanap. "Nawalan ako ng babaeng kapatid. She was my best friend. Siya parati ang nakakaintindi saakin, lalo na sa kabaliwan ko. Siya yung nasa tabi ko sa tuwing masakit ang loob ko sa mundo. Siya ang kasama ko sa lahat ng kalokohan at katarayan ko. She was always beside me when I need her. Hindi ko man lang nalaman na kailangan din pala niya ng balikat na iiyakan. Hindi ko man lang napansin ang lungkot sa likod ng mga ngiti niya. I'm sorry, Inns. Wala ako noong kailangan mo ako. Paano pa tayo mag-slumber party kung iniwan mo na ako? Mamimiss kita ng sobra. Sana happy ka na dyan ha? Promise yung mga secrets natin, mananatiling secrets. I love you!" Nakangiti siya kahit na umiiyak. Kita ko ang totoong pagkakaibigan nilang dalawa ng anak ko.

i have a secret // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon