Chapter 4: guardian angel

807 30 4
                                    

A P R I L      2 2      2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------

Isabel's Point of View

Nakatulala lang ako sa kawalan. Nakikipagtitigan sa ceiling habang patuloy na dumadaloy ang luha sa pisngi ko.

Suminghot ako tsaka pumikit.

Tanggap ko na yun eh, noon pa. Tanggap ko na na hinding-hindi nila masasabi sa lahat ang totoo. Syempre, iniisip nila na baka husgahan sila kapag nalaman ng lahat na nagkaroon pala sila ng anak sa pagkabata. Yes, my Mom was 16 years old and my Dad was 17 when they had me. Ayaw nilang malaman ng lahat yun dahil magandang example nga sila sa generation ngayon. Pinangangalagaan nila yung title nila kaya ako ang nagsasakripisyo, ako yung nasasaktan.

"FVVVVCK! Ang sakit sakit na! Bakit ba hindi tumitigil ang mga luhang ito? Tangna mo, Isabel, hindi ka ba napapagod kakaiyak? Napakahina mo! Napakaiyakin mo! Wala kang kwenta kaya hindi ka mahal ng mga magulang mo! Tangnaaa ang sakit sakit na!" Pinaghahampas ko ng unan ang sarili ko at tinakpan ang mukha ko nang mapagod ako.

"Ano pa ba ang kulang saakin, Mommy and Daddy? May ayaw pa ba kayo? May kailangan pa ba akong baguhin? Am I not good enough?" Patuloy na iyak ko. Hirap na hirap na ako sa paghikbi at halos hindi na makahinga dahil sa kakaiyak.

"Pangit ba ako kaya niyo ako ikinakahiya?" Mahinang tanong ko. Mula bata ako ay paulit-ulit na lang ang mga tanong na ito. At paulit-ulit ko rin namang pinapatunayan ang sarili ko. Kaso bakit hindi pa rin sapat? Bakit nagkukulang pa rin ako?

"Sab.." Pumasok si Lola Min sa kwarto ko at kaagad akong niyakap. Lalo lang akong naiyak dahil sa yakap niya. Sana si Mommy ang yumayakap saakin ngayon.

"Lola, ayaw ko na. I just want everything to stop. I want to give up." Bulong ko kasabay ng paghikbi. Lalong humigpit ang yakap niya saakin at unti-unti ko na ring naririnig ang pag-iyak niya.

"Don't say that, darling. We love you so much, huwag ka naman magsalita ng ganyan." Pagmamakaawa niya habang hinahaplos ang buhok ko. Nag-iyakan lang kami doon habang nakikiusap siya na huwag kong hilingin na sana mamatay na lang ako.

Ang sakit man isipin na baka sakali kapag namatay ako ay magkaroon sila ng pakialam saakin. Baka sakali matapos na itong sakit na nararamdaman ko. Gusto ko ng mamatay bago ko pa maramdaman na kinamumuhian ko na pala sila. Ayaw kong dumating ang araw na hindi ko na rin sila kilalanin bilang magulang ko.

"Gusto ko na po magpahinga." Marahang sabi ko nang mabawasan na ang pag-iyak at paghikbi ko. Kumalas naman si Lola sa pagkakayakap saakin at inayos ang nagulo kong buhok.

"Dadalhan kita ng tubig dito ha? Hintayin mo si Lola." Nakangiting sabi niya tsaka humalik sa noo ko bago tumayo at lumabas ng kwarto ko.

"Mahal na mahal kita, Lola." Isang luha ang tumulo mula sa mata ko bago nandilim ang lahat at pumikit ang mga mata ko.

OoooOoooOooo

"Putcha naman, Kathryn! Trenta anyos ka na! Ganyan ba kita pinalaki ha? Napaka-iresponsable mo! Tignan mo yang anak mo, nakahilata sa hospital bed, tapos may gana ka pa magpaalam saakin ngayon dahil may photoshoot ka? Punyeta naman! Hinayaan kita dyan sa pag-aartista mo dahil ang sabi mo dyan ka masaya. Pinangako mo saakin na aalagaan mo ng maayos si Isabel, pero parati na lang ang iyak ng bata dahil hindi mo man lang binibigyan ng atensyon!" Nagising ako sa sigaw ni Lola Min. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at natanaw ko siya na kausap si Mommy sa labas ng kwarto ko. Nasa ospital pala ako at napakarami nanamang apparatus ang nakasalpak sa katawan ko.

"Ma, pwede bang huwag mo ako sermunan ngayon? I'm tired of this. Sabi mo nga diba, anak ko siya! Kaya hayaan mo ako sa pagpapalaki sa kanya sa paraang alam ko at gusto ko." Sagot ni Mommy kay Lola Min. Tumayo ako mula sa hospital bed kung saan ako nakahiga at mabilis na tinanggal ang dextrose na nakakabit sa kamay ko at naglakad papasok ng banyo.

"Naririnig mo ba yang sarili mo ha? Paraang alam mo? Ganyan mo palalakihin ang anak mo, Kathryn? Kung hindi mo naman pala kaya ang ganitong responsibilidad, dapat hindi mo inuna yang kati mo!" Dinig ko pa rin ang sigawan nina Lola Min at Mommy sa labas. Inilibit ko ang paningin sa buong banyo para maghanap ng masusuot ko.

Sakto naman ay nakita ko doon ang iilan sa mga damit ko. Kumuha ako ng isang pantalon, puting tshirt, itim na hoodie, at yung paborito kong sapatos na regalo saakin ni Daddy noong birthday ko last year. Mabilis akong nagbihis at naghanap ng pwede labasan mula sa banyo. Mabuti at nakahanap ako ng bintana at medyo malaki-laki ito kaya kakasya ako.

Pumanik ako sa toilet bowl tsaka pinagsiksikan ang sarili ko sa bintana tsaka tumalon palabas.

Napaubo pa ako tsaka napahawak sa kamay kong nagdudugo na ngayon dahil sa paghila ko sa dextrose ko kanina. Kinapa ko ang mga bulsa ng suot ko at mabuti na lang may panyo sa hoodie na suot ko. Itinali ko ang panyong iyon sa kamay ko para matigil ang pagdurugo tsaka nagpatuloy sa pagtakbo kahit na iika-ika ako.

Lalayo na lang ako sa kanila.

OoooOoooOooo

Dumidilim na, naglalakad pa rin ako. Gutom na gutom na rin ako at nauuhaw pa. Nanghihina pa rin ako at ramdam ko ang pagkirot ng sugat sa kamay ko.

Naupo ako sa gilid ng kalsada tsaka napayuko. Naghalo-halo na ang nararamdaman kong gutom, uhaw, sakit, kirot, hilo. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hindi ko namalayang nawalan nanaman ako ng malay.

OoooOoooOooo

"Saan mo ba nakita ang batang ito, Anghel?" Naalimpungatan ako nang may marinig akong boses sa paligid. Unti-unti ko rin iminulat ang mga mata ko para malaman kung nasaan ako.

"Sa tabi ng kalsada, Nay. Napansin ko kasi yung kamay niyang nagdurugo tapos nang tanungin ko kung anong nangyare sa kanya, ayun wala na palang malay kaya dinala ko na dito." Dinig ko namang sagot ng isang boses ng lalake.

Napabalikwas ako nang maalala ang nangyare saakin. Oo nga pala't nawalan ako ng malay kanina sa tabi ng kalsada.

"Gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong saakin ng isang babae na sa tingin ko ay nasa 40's na niya.

"Uhm.. Maayos naman po. Nasaan po ba ako?" Tanong ko sa kanya tsaka tinignan ang itsura ko. Yun pa rin naman ang suot ko. Tinignan ko ang kamay ko at may nakabalot na dahon-dahon doon.

"Nandito ka sa munting tahanan namin, hija. Pasensya ka na at hinawakan ka namin dahil grabe na kasi ang pagdurugo ng kamay mo." Sabi naman ng isang lalake na mukhang kasing-edad lang ng babae kanina.

"Oh, nalabhan ko na yang panyo mo." Inabot saakin ng lalake ang panyo na pinantakip ko sa kamay ko. Wala na itong dugo. Teka, hindi saakin ang panyong ito.

"Isa ka pala sa tagahanga ni Daniel Padilla. Mas gwapo pa ako dun eh." Natatawang sabi niya. Napakunot naman ang noo ko.

"Paano mo naman nasabi yan?" Tanong ko sa kanya. Nginuso niya ang hoodie na suot ko at ang panyong hawak ko. "Brand niya yan, diba?" Tinignan ko ang hoodie ko. Shookt! Oo nga at brand ni Daddy ito sa network store nila. May burda rin ng initials niya ang panyo ko at Batman pa ang design. Wala ngang kawala. Kaya pala kaamoy niya ang hoodie at panyo. Baka naman naiwan ni Mommy sa cr ng private room ko sa ospital. Madalas kasi ay suot niya ang mga hoodie o damit ni Daddy.

"Ako nga pala si Anghel. Ang guardian angel mo, pinakagwapong guardian angel. Kung gusto mo naman, pinakagwapong future husband mo rin." Nilahad niya saakin ang kamay niya at kinindatan pa ako.

-------------------- 👪 ---------------------
all that matters is love

i have a secret // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon