Chapter 27: promises

715 21 0
                                    

J U N E       2 5      2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------

Isabel's Point of View

"Anong sinabi mo, Inna?" Napalingon kaming tatlo nina Mommy't Daddy sa pintuan kung saan nakatayo si Anghel.

"A-anghel.." Nauutal kong sabi. Hindi na kasi maipinta ang mukha niya at gulong-gulo siya sa narinig niya.

"Iwanan muna namin kayong dalawa. Tell him the truth, Sab. Saaming lahat, siya ang mas may karapatan malaman ang totoo. He never gave up on you. Kami na ng Daddy mo ang bahala magpaliwanag kina Lola mo, ha?" Nginitian at tinanguan ko naman sina Mommy at Daddy. Humalik pa sila pareho sa noo ko bago lumabas at tinapik pa ni Daddy sa balikat si Anghel at pansin kong marahan niya itong pinisil.

Nang maiwan kaming dalawa ay lumapit siya saakin na kunot pa rin ang noo.

"Huwag mo ako kunutan ng noo, lalo kang pumapangit kapag lukot yang noo mo." Pagbabakasakali ko na pagaanin ang atmosphere namin.

"Huwag mo ako gaguhin ngayon, Inna, seryoso ako." Napalunok ako dahil sa tono ng boses niya. Kakatapos lang ng iyakan namin nina Daddy tapos itong kay Anghel, galitan naman yata ang gusto niya.

"Babe, calm dow--"

"Calm down, Georgina? Gusto mo akong kumalma after ko marinig na mamamatay ka na? Nagpapatawa ka ba? Kasi kung oo, hindi magandang biro yun." Napuno ng lungkot at sakit ang mga mata niya kahit bakas pa rin sa boses ang galit o pagtatampo dahil hindi ko sinabi sa kanya ang totoo.

"Anghel, sasabihin ko naman sayo e--"

"Kailan, Georgina? Kapag naghihingalo ka na dyan at wala na akong magawa?" Pagputol nanaman niya sa sasabihin ko.

"Eh kung patapusin mo kaya akong magsalita, letche ka!" Binato ko sa kanya ang unan na nahawalan ko at seryoso naman niya iyong sinalo.

"Sige, Georgina, ipaliwanag mo saakin nang maliwanagan ako." Naupo siya sa edge ng kama ko tsaka nakakunot noo akong tinitigan.

"Stop calling me, Georgina. Hindi ako sanay. Call me, Inna ng mga magiging anak ko. Doon mo naman ako sinanay eh." Nakayukong sabi ko at parang bata na nagmamakaawa sa kanya.

"Paano ka pa magiging Inna ng mga magiging anak ko kung ngayon pa lang ay iiwan mo na pala ako?" Inangat ko ang tingin sa kanya at sinubukan makipagtitigan kaso inirapan lang niya ako.

Hindi ko alam kung anong sasabihin. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Ano pa ba ang dapat kong sabihin kung alam naman na niya?

Nabalot kami ng nakakabinging katahimikan dahil pinipilit ko ang sarili na magpaliwanag sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat sa magaan na pamamaraan. Pero sino ba ang niloloko ko? Mamamatay na ako at kahit anong gawin ko walang ibang magaan na paraan para sabihin iyon.

"Inns, hindi ko kaya.." Napalingon ako kay Anghel nang bigla siyang magsalita. Nakayuko siya habang hinihimas ang mga mata gamit ang mga daliri sa isang kamay habang nakatukod ang isa pang kamay sa bakal ng kama ko.

"Huwag mo naman gawin sakin to." Iyak na siya ng iyak. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi tsaka pilit pinaharap saakin.

"Anghel, mahal na mahal kita." Bulong ko sa kanya tsaka pinunasan ang luha sa pisngi niya.

"Inna, please, huwag mo na akong iwan ulit. Hindi ko na kakayanin." Umiiling niyang sabi habang pilit na yumuyuko. Pilit ko rin naman siyang pinapatingala para makita ko ang mga mata niya.

"I won't. Hindi kita iiwan. Just like what I said to Mom and Dad, I will still watch over you from heaven. That time, ako na ang magiging guardian angel mo." Nakangiting pangungumbinsi ko sa kanya.

i have a secret // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon