Chapter 6: sneak

706 23 0
                                    

A P R I L      2 6      2 0 1 8
danilo's bday
tapos ko na po ito offline kaya
everyday na ud. keep the
feedbacks comin, guys!
-------------------- 👪 ---------------------

Isabel's Point of View

"Bananaquuuuuue! Kamoteque kayo dyan! Masarap at mainit-init pa!" Sigaw ko habang nakaipit sa pagitan ng kamay at balakang ang bilao kung saan nakalagay ang mga bananaque at kamoteque na nilalako ko.

"Lakasan mo pa ang sigaw mo para magising ang mga natutulog." Napairap ako nang pagsabihan nanaman ako ni Anghel sa kung ano ang dapat gawin. Kung alam ko lang unuuto lang ako ng bwiset na to.

"BANANAQUE AT KAMOTEQUE KAYO DYAAAAAN!" Buong lakas na sigaw ko.

"Hoy may natutulog dito!" Napaatras ako nang biglang may sumigaw. Nilingon ko si Anghel tsaka siya sinamaan ng tingin. Tawa naman ng tawa ang bwiset.

"Bananaque, pabili kami." Napalingon ako sa matandang babae na tumawag saamin. Kaagad akong napangiti nang sinabi niyang bibili daw siya. Iniwan ko si Anghel na tawa ng tawa doon tsaka lumapit dun sa matanda.

"Ilan ho ang bibilhin niyo?" Nakangiting sabi ko sa kanya. Yung litaw ang dimples para mas effective ang pagbebenta. Baka makuha silang lahat sa charms ko.

"Nako, may naalala akong artista sayo." Napalingon ako sa isang dalaga na lumapit saakin. "Pabili din ako. Tatlong bananaque at dalawang kamoteque." Pagpapatuloy niya habang titig na titig pa rin saakin.

"A-artista ho? Nako, nakaka-flatter naman yan." Kinakabahang tawa ko. Mali yata na nagpacute ako. Baka mahalata nga nila na may kamukha akong artista. Malamang, mga magulang ko ay artista.

"Oo, sino na nga ba yun? Teka lang.." Pinaharap pa niya ako sa kanya pero kaagad akong yumuko para suklian yung matanda kanina. "Benjo, halika dito!" May tinawag pa siyang binata na lumapit naman saamin.

"Uy, bananaque at kamoteque! Paborito ko to, pabili ako! Dalawang bananaque at dalawang kamoteque." Masayang sabi naman nung Benjo. Binigyan ko naman siya tsaka kinuha ang bayad niya.

"Tignan mo nga Benjo, may kamukha siyang artista diba?" Naiilang na talaga ako dahil dalawa na silang nakatitig saakin ngayon. Nasaan na ba ang walanghiyang Anghel na yun? Hanggang ngayon ba ay tumatawa pa rin siya doon at hindi man lang namalayang wala na ako sa tabi niya?

"Ay putcha! Kamukha niya si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla!" Nabilaukan pa si Benjo nang banggitin niya iyon. Napalunok na ako tsaka ready na sila takasan nang biglang sumulpot si Anghel.

"Inna!" Napalingon ako sa kanya. Halata ang pag-aalala sa mukha niya nang makalapit na siya saakin. "Pinag-alala mo naman ako. Bigla ka na lang nawala sa tabi ko." Umakbay siya saakin tsaka nilingon ang babae at lalakeng nasa harapan ko.

"Oh, Darla at Benjo, bumili na ba kayo ng paborito niyong merienda?" Tanong niya dun sa dalawa. Tumango naman sila kay Anghel.

"Sino to, Anghel?" Tanong ni Darla sa kanya.

"Si Inna, ang magiging ina ng mga anak ko." Mas lalo pa niya akong inilapit sa kanya kaya nasiko ko siya. Anong magiging ina sinasabi niya?

"Tangna mo Anghel, paano mo naman magiging syota yan eh ang ganda ganda at mukhang anak mayaman." Natatawang sabi ni Benjo sa kanya. Napangisi pa si Darla.

"Biro lang. Soon pa lang ano ba. Makahusga ka saakin ha? Hoy, kahit hindi kami mayaman, tignan mo naman ang mukha ko boi! Daig pa ang kutis ng artista sa kinis! Oh, una na kami. Ipapaubos pa namin itong bananaque at kamoteque. Nag-iipon na kasi kami para sa future." Paalam niya. Mabuti naman at makakaalis na kami doon. Napapatitig pa rin kasi saakin si Darla kaya masyado na akong naiilang. At hindi ko na lang din pinansin ang kalokohang pinagsasabi ni Anghel sa kanila.

i have a secret // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon