Chapter 11: denied

755 25 4
                                    

A P R I L      3 0      2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------

Isabel's Point of View

Last day na ng Event Month namin. Ito na rin ang araw na uuwi ako saamin. Mamayang gabi na rin ang uwi nina Lola Min at Lola Karla. Nasabi ko na kina Nanay ang pag-uwi ko saamin mamaya. Sinabi ko na uuwi kasi ang mga Lola ko kaya kailangan maabutan nila ako doon. Medyo nalungkot sila pero ang sabi ay welcome pa rin ako doon kahit kailan ko gusto. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng bagong pamilya sa kanila.

"Inna, nagkaroon daw ng problema sa mga activities ngayon." Nagpapanic na sabi ni Pablo saakin. Bigla naman akong kinabahan dahil ngayon na ang last day ng event month namin, bakit nagkaproblema pa?

"Pinalitan daw lahat ni Principal." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Bakit hindi kami pinatawag para nainform kami?

"Saglit lang ha." Paalam ko sa kanila at nagtungo sa opisina ng Principal namin. Lahat ng mga kasama ko ay hindi na magkamaliw. Ilang oras na lang kasi ay magbubukas na ang gate at papasok na lahat ng guests namin.

"Sir!" Katok ko. "Come in!" Sigaw niya pabalik kaya kaagad akong pumasok.

"Sir, Pablo told me about the charges that you did. Is there something wrong about the original plans po?" Tanong ko kaagad sa kanya. Tinanggal niya ang suot niyang reading glasses tsaka ako tinignan.

"Yes, I changed everything. Wala namang problema sa pinlano niyo Ms. Sprouse. I actually loved every bit of this event month. May inihanda kasi akong surpresa para sainyong lahat. I'm sure magugustuhan niyo ito. Alam ko na sobra na ang pagod niyong mga SSG officers kaya hindi ko na kayo inabala pa sa gagawin kong surprise. I want you to take a rest, okay? Have fun at ako na ang bahala sa last day ng event month." Nakahinga naman ako ng maluwang dahil sa sinabi niya. May nalalaman pa pala siyang surprise. Kahit kailan talaga tong si Sir.

"A'right, Sir. Lalabas na po ako. Thank you po." Nginitian ko siya at lumabas na ng office niya. Mabuti naman at siya na ang bahala sa last day ng event month.

"Ms. Sprouse!" Napalingon ako sa kanya nang tawagin nanaman niya ako. Sinenyasan niya akong lumapit kaya naglakad nanaman ko pabalik. "Don't forget your speech before this day ends. Lahat ng nagawa niyo sa buong event month ay ipaalam mo sa mga kamag-aral mo at sa mga guests. I want them to know about your hard works and achievements. I am so proud of you, anak." Nakangiting sabi niya. Mas lalo naman lumawak ang ngiti ko.

"Yes, Sir." Sagot ko at tumalikod na.

Ibinalita ko sa mga kasama ko ang sinabi saakin ng Principal. Lahat sila ay natuwa nang sa wakas ay makakapagpahinga kami sa araw na ito.

"Tara muna sa office. Palamig tayo." Pang-aaya saamin ni Cloud. Lahat kami ay umagree naman. Bago kami umalis ay binilin namin ang gate sa mga guards. After ng dalawang oras ay bubuksan na ito. Bahala na si Sir Principal sa gagawin nila ngayon.

"Bibili lang kami ng pagkain ni Pablo, may request ba kayo?" Tanong saamin ni Cloud.

"Kahit ano. Gutom at pagod na ako." Sagot ko sa kanila at umagree naman saakin si Tala. Sa buong event month na ito, wala na kaming matinong tulog. Ginagabi na kami ng uwi kakadecorate para sa susunod na araw tapos maaga pa kami papasok para sa paghahanda ng lahat. Hindi na kami nakakakain ng maayos para mapanatiling maayos ang lahat at walang aberya.

"Tangina pakiramdam ko mamamatay na ako sa pagod." Malutong na mura ni Tala tsaka ibinagsak ang sarili sa swivel chair niya dito sa opisina namin. Oo at may sarili office ang mga SSG officers.

"Same here." Mahinang sabi ko tsaka isinubsob ang mukha sa table ko. Ngayon ko lang talaga naramdaman ang pagod at antok at gutom. Pre-occupied kasi ako sa mga nakaraang araw kaya wala ng space sa utak ko ang pagod at gutom.

i have a secret // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon