Chapter 26: i have a confession

815 25 8
                                    

J U N E      0 8      2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------

Isabel's Point of View

Nabaling ang tingin ko kina Mommy at Daddy na nakatingin saakin. Bigla kong naalala ang text ko sa kanila noong pauwi na ako.

"Mommy? Daddy? Pwede ko po ba kayong makausap?" Tanong ko sa kanila. Tinignan naman nila akong lahat. Umiling ako. "You don't need to leave. Stay if you want." Nakangiting sabi ko sa kanila.

"Doon lang kami sa labas. Take your time, okay?" Humalik sa noo ko si Lola Karla. Nginitian ko sila at pinanood lumabas ng kwarto ko.

Lumapit naman saakin sina Mommy at Daddy.

"Pwede ko pa po bang kunin yung isang oras na hiningi ko noon sainyo?" Nahihiyang tanong ko sa kanila. Alam ko kasi na busy sila. Baka makaabala pa ako. Baka nandito lang sila dahil pinagbantaan nanaman sila nina Lola.

"Oo naman, Sab. Ano ba ang sasabihin mo saamin? We'll listen." Nakangiting sabi ni Mommy tsaka naupo sa edge ng kama ko. Sa likod naman niya ay si Daddy.

"I just want to tell you a story." Panimula ko. Nakatingin lang sila saakin at nakikinig sa susunod kong sasabihin.

"When I was a kid, and I learned about your fame, I promised myself that I have to make you proud. I need to do good at school so that you could tell everyone how great I am." Nakangiting sabi ko. 

"Then, I did." Tinignan ko silang dalawa. Malungkot na ngumiti saakin si Mommy. "Parati akong nananalo sa mga contest, I was always on top. Sobrang dami na nga po nung medals, certificates, and trophies ko sa kwarto ko. Nagawa ko, I did well in school." Masaya ako habang inaalala ang mga panahong iyon. Naisip ko kasi na kahit wala sina Mommy at Daddy, maipapakita ko pa naman itong mga awards ko pag-uwi nila.

"Kaso bakit hindi pa rin proud saakin si Mommy at Daddy? Parati kong tinatanong ang sarili ko, kung ano pa ba ang mali? Ano pa ba ang kulang? Pangit ba ako? I'm sure hindi naman ako bobo dahil parati akong academic awardee with highest honors. Ako rin ang parating pambato ng school namin kapag quiz bee or kahit anong academic contests. Tapos hanggang sa naisip ko na baka ayaw talaga nila saakin? Hindi ba talaga nila ako mahal? Parati na lang yun ang tanong ko sa sarili ko." Saglit akong yumuko tsaka malungkot silang nginitiam.

"Tapos ngayon, ngayon alam ko na ang sagot. You love your career more than me. You love me, pero hindi sapat. Mahal niyo lang ako dahil kailangan, kahit anong mangyare kase anak niyo pa rin ako diba? Konsensya ang naging pangunahing dahilan bakit binuhay niyo pa rin ako." Saglit akong napalunok para pigilan ang nagbabadyang luha na patulo na. Ayaw ko na sana ng kadramahan pero kailangan ko lang talaga ilabas ito. I need them to know how I feel since I was a kid.

"And because of that, I am grateful. Thank you Mommy and Daddy for choosing to make me live. Thank you dahil kahit pagkakamali lang ako noon ay hindi niyo tinapos doon ang buhay ko, you let me see the world. You let me experience life. I will always be grateful for having you as my parents, Mommy and Daddy. Hindi totoo yung sinabi ko noon na mas magpapasalamat ako kung tuluyan niyo na akong pinatay." Mabilis kong pinunasan ang luha sa pisngi ko tsaka ngumiti. Puno na rin ng luha ang pisngi ni Mommy at Daddy.

Tumabi saakin si Daddy tsaka hinawakan ang kamay ko. Pareho na silang nasa harapan ko. Inabot ko ang mga pisngi nila tsaka pinunasan ang mga luha nila.

"Everyone knew that I only want the best for you, because you deserve everything in this world." Nakangiting sabi ko. Ibinalik naman nila ang ngiti saakin.

Pumikit ako tsaka bumuntong hininga. Ang sakit. Hindi ko alam kung paano ko pa sasabihin sa kanila. Ayaw ko nitong nangyayare.

"And you also deserve to know the truth." Tuluyang bumuhos ang luha ko. Pakiramdam ko ay may bumara na sa lalamunan ko at ayaw ko na ituloy ang sunod kong sasabihin.

i have a secret // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon