pinaka-epilogue

1K 24 6
                                    

S E P T E M B E R      1 3      2 0 1 8
------------------------- 👪 --------------------------

Anghel's Point of View

"ANGHEL! Bumangon ka na nga dyan. Yung bananaque and kamoteque na ilalako mo ay kanina pa natapos maluto. Nako! Magrereklamo nanaman ang mga suki natin na hindi na mainit iyon. Bumangon ka na dyan at itinda mo na iyon." Napahawak ako sa sentido ko habang pinakikinggan lahat ng sinisigaw ni Nanay.

Tumingin ako sa paligid at nakitang nandito ako sa kwarto ko. Napatitig ako sa ceiling.

"Anghel!" Pumasok si Nanay.

"Nay, bakit po ako maglalako ng bananaque at kamoteque? Di ba't itinigil na natin ang paglalako nun?" Naguguluhan kong tanong sa kanya nang mag-sink in saakin ang sinabi niya.

"Anong itinigil naman ang sinasabi mo? Hindi natin pwedeng itigil iyon dahil doon natin nakukuha ang pangkain natin araw-araw." Sermon niya saakin. Kaagad napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Anong nangyayare?

"Nay, anong oras na po?" Tanong ko sa kanya.

"Mag-aalas tres na kaya bumangon ka na dyan. Sabi ko naman kasi sayo na huwag ka nagpupuyat." Patuloy ang panenermon saakin ni Nanay. Pero bakit pakiramdam ko may mali?

"Ano bang ginawa ko kagabi, Nay?" Tanong ko. Hindi ko naman maalala na nagpuyat ako kagabi. Ang naaalala ko nga ay nasa bundok ako.

At nakita ko doon si Inna.

"Sabi mo'y tinapos mo ang sandamakmak mong projects." Sagot niya. Projects? Wala naman akong matandaan na may ginawa akong projects.

"Bumangon ka na huy!" Binagsak ni Nanay ang pintuan at doon ako nagsimulang mapaisip.

Panaginip lang ba ang lahat ng iyon?

OoooOoooOooo

"Nay, nailako ko na ho lahat ng bananaque at kamoteque." Sambit ko pagpasok ko ng bahay namin. Inabutan ko namang nanonood ng tv si Nanay. Mamayang kaunti pa ang uwi ni Tatay dahil namamasada pa iyon.

"Nay, pwede magtanong?" Tanong ko tsaka tumabi sa kanya. Ipinikit ko rin ang aking mga mata tsaka isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

"Nagtatanong ka na, 'nak." Pamimilosopo niya saakin. Minsan talaga napapatanong ako kung bakit ganito ang Nanay ko eh.

"Sa tingin niyo po ba kailangan ko na talagang harapin ang pamilya ni Inna?" Saglit kong naramdaman ang pananahimik niya.

"Hindi ba't si Inna ang matagal mo ng hinahangaan?" Napakunot ang noo ko't bumaling sa kanya.

"Oo nga, Nay. Siya ang pinakamamahal ko at hinahangaan. Kaso nga diba...may nangyare noong nagpunta siya ng Korea." Mahinang sabi ko. Mukha namang naguluhan siya dahil sa isinagot ko.

"Anak, akala ko ba hindi mo pa nakakausap iyon?" Tanong niya. Anu daw? Hindi ko magets yung sinasabi ni Nanay. Maling tao yata ang tinanungan ko.

"Hayyy nevermind, Nay. Labas na lang muna po ako saglit. Papahangin lang po." Paalam ko sa kanya. Magsasalita pa sana siya ay kaso nakalabas na ako.

Sakto naman ay natanaw ko si Benjo sa di kalayuan.

"Hoy Benjo! Halika sandali!" Sigaw ko. Nakasimangot naman siyang lumapit saakin.

"Ano? Ipapalako mo nanaman saakin yung mga bananaque at kamoteque niyo? Grabi na yang pangha-harass mo saakin dahil sa pagpapakopya mo nung assignments natin noong isang araw." Kakamot-kamot pa ito ng ulo habng sunod-sunod ang pagrereklamo.

i have a secret // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon