J U N E 2 6 2 0 1 8
happy ending....or nah?
bwahahahahahahahaha!
-------------------- 👪 ---------------------Isabel's Point of View
Nandito na kami sa airport. Natatawa ako dahil eroplano ang naging dahilan kung bakit posible akong mamatay any time, pero heto ako't sasakay nanaman sa isa. Bago nag-book sina Mommy't Daddy ay siniguro muna nila ang kaligtasan ko. As in, pinakamahal na airline at pinagkakatiwalaan ang kinuha nila. Pinatriple triple check pa ni Dad kung walang problema yung eroplanong sasakyan namin. Buti na lang at kaibigan daw niya ang piloto. Si Tito Calvin Natividad daw. Dating kasama nilang artista na nagmamay-ari ng network na pinahtatrabauhan nila. Umalis daw sa pag-aartista si Tito Calvin dahil umibig sa isang babae. Kaya ayun, pinursue niya ang totoong pangarap niya na maging piloto.
Pero ang mas nakakatawa, nandito silang lahat. Sina Lola Min, Lola Karla, Lolo Ted, Lolo Roms, mga Tito at Tita ko, Ate Lhexine na nag-iisang Ate Arte ko. Sina Nanay Elisa, Nanay at Tatay ni Anghel, at syempre mawawala ba si Anghel? Hindi nga yan umuwi sa kanila mula nang matagpuan niya ako. Lalong naging clingy ang kulugo.
Pasimple ko silang tinakasan tsaka nagpunta sa may information desk. Ewan ko ba kung anong tawag dito, basta may mic tapos kapag nagsalita ka doon, maririnig sa buong airport.
I just want to do this once in a lifetime. Hindi ko kasi alam kung kailan ko ulit sila makakasama o kung makikita ko pa ba sila ulit. Kaya gagawin ko na ito kahit nakakahiya.
Nakiusap ako doon sa babae na may kailangan lang akong gawin. Nagmakaawa pa ako sa kanya at sinabi ang totoong kalagayan ko. Ginamit ko na nga rin ang pangalan ni Captain Natividad dahil kilala talaga siya dito kaya ayun, pinayagan na ako.
Bago ko in-on yung mic ay tumikhim muna ako. Pagkatapos ay nagsalita na ako.
"Hi, everyone!" Pagsisimula ko. Halos hindi ko na marinig ang boses ko dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Dapat sanay na ako sa mga ganitong bagay dahil hasa na ako sa school. Kaso, parati pa rin talaga ang kaba ko.
"Sorry for disturbing or interrupting you, but I just want to do this for once. I want to sing a song dedicated for the people who love me. Mommy Kath, Daddy DJ, Lola Min, Lolo Ted, Lola Karla, Lolo Roms, Tita Chrysler, Tita Kaye, Tita Magui, Tita Lelay, Tita Analain, Tito Kevs, Tito JC, Tito Jordan, Ate Lhexine na maarte, Nanay Elisa, Nay, Tay, at sa pinakagwapong guardian angel ko, Anghel. I love you guys so much. Hindi ko man maipangako ang habangbuhay na kasama niyo ako, maipapangako ko naman na habangbuhay ko kayong mamahalin at patuloy na susuportahan. This might be the last time that you will hear my voice, kaya huwag niyo na laitin ha? Mahal na mahal ko kayong lahat!" Pinatay ko muna ang mic tsaka pinakawalan ang isang hikbi.
Ilang beses din ako bumuntong hininga upang pakalmahin ang sarili dahil baka lalobg magibg kalait-lait ang boses ko sa lahat.
Muli akong tumikhim at in-on na ang mic.
{play mo na dito yung kanta, bes.}
"Hey baby, when we are together, doing things that we love." Panimula ko. Unang pumasok sa isip ko si Anghel. Lahat ng napagsamahan namin. Pagkatapos sina Ate Lhexine at Tita Magui, sa tuwing kakaladkarin nila ako kung saan-saan.
"Every time you're near I feel like I'm in heaven, feeling high. I don't want to let go, Love." Medyo napiyok pa ako sa salitang love. Girl dapat iyon kaso pinalitan ko dahil marami silang pinagdedicate ko sa kanta na ito.
"I just need you to know Love.
I don't wanna run away, baby you're the one I need tonight. No promises.
Baby, now I need to hold you tight, I just wanna die in your arms.." Hindi ko na napigilan ang hikbi nang makanta ko ang huling linya sa kanta.
![](https://img.wattpad.com/cover/143177407-288-k713714.jpg)
BINABASA MO ANG
i have a secret // kn
FanfictionI have a secret, they have too. ds: 4/10/18 de: 9/13/18