Epilogue

771 22 6
                                    

A U G U S T      0 4      2 0 1 8
-------------------- 👪 ---------------------

Anghel's Point of View

"Anghel Yurico Madrigal! Tarantado ka talaga, hindi ka nanaman nag-attend ng practice kahapon." Nagmamadaling lumapit saakin si Coach tsaka hinila ang buhok ko sa patilya. Jusko ang sakit!

"Coach, ano ba! Grabe ka pa sa Nanay ko." Hinimas-himas ko ang patilya ko na pinuntirya nanaman niya. Sa kanya ko kaya gawin yun, matuwa kaya siya?

"Siguraduhin mong darating ka sa practice mamaya. Malapit na ang laban niyo." Sinamaan pa niya ako ng tingin bago tumalikod.

"Bye, Coach! Ingat ka palagi. Labyu!" Pinakyu nanaman niya ako habang naglalakad na siya palayo saakin. Paano namin gagalangin at katatakutan ang ganyang Coach? Ang cool masyado.

"Oh, Anghel, may walwal tayo mamaya sa Mount Olympus ha? Nagtatampo na sayo si Pablo." Natatawang sabi ni Cloud saakin nang makasalubong ko siya sa canteen.

"Oo. Darating ako. Sabihin mo sa kanya huwag niya ako gaanong mamiss." Natatawang sabi ko at inilingan lang naman ako at tuluyan ng umalis. Hindi ako nakapunta last Friday night dahil medyo naging busy din ako. Nakaugalian na kasi namin na nagpupunta kami ng Mount Olympus tuwing Friday.

Wala na akong klase ngayon, tapos na. Pero magstay na muna ako dito sa campus habang hinihintay ang oras para sa basketball practice namin mamaya. Baka chop chopin na ako ni Coach kapag hindi nanaman ako umattend mamaya.

Grabe, ang laki din pala ng campus namin kaya nanatili na lang ako sa theater room. Walang tao dito, medyo madilim dahil tanging maliliit lang na mga ilaw ang nakasindi. Pinili kong umupo sa may bandang taas na pinakagitna kung saan tanaw ng maayos ang stage.

Prente akong naupo doon habang nakatingin lang sa harapan. Itinaas ko ang mga paa ko sa sandalan ng upuan na nasa harapan ko tsaka ipinikit ang mga mata ko. Dahil sa sobrang tahimik dito ay naisipan kong kantahin ang you are my sunshine na kinanta ko noon para kay Inna.

"The other night, dear, as I lay sleeping. I dreamed I held you in my arms. When I awoke, dear, I was mistaken. So I hung my head and I cried."

OoooOoooOooo

"Sabihin mo naman saakin na okay at masaya ka na dyan, Inna. Para maipagpatuloy ko pa itong buhay ko." Ang huling pakiusap ko sa kanya bago ako tuluyang nakatulog.

-----

"Kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo para hanapin, para hanapin ka. Nilibot ang distrito ng iyong lumbay, pupulutin, pupulutin ka." Minulat ko ang aking mga kamay tsaka kaagad inilibot ang paningin sa buong paligid.

Nasa simbahan ako. Kung saan ko natagpuan si Mang Noli na nagdala kay Inna sa ospital.

"Sinusundo kita. Sinusundo.." Napalingon ako sa isang pamilyar na boses na narinig ko. Sa harapan ng altar, nandoon si Inna. Nakangiti habang pinagmamasdan ako.

"Asahan mo mula ngayon pag-ibig ko'y sayo. Asahan mo, mula ngayon pag-ibig ko'y sayo." Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

Nandito si Inna. Nandito siya sa harapan ko ngayon.

"Sa akin mo isabit ang pangarap mo di kukulangin ang ibibigay. Isuko ang kaba, tuluyan kang bumitaw." Nilahad niya saakin ang kanyang kamay pero hindi ko kaagad tinanggap iyon.

"Ika'y manalig. Manalig ka.." Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Nakangiti siya pero ang lungkot ng mga ito. Nakangiti ang kanyang mga labi pero, lumuluha ang kanyang mga mata kahit hindi niya ipakita saakin.

i have a secret // knTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon