S E P T E M B E R 1 1 2 0 1 8
------------------------ 👪 --------------------------Anghel's Point of View
"Anghel! Yung sinaing, pakitignan mo nga!" Dinig kong utos ni Nanay saakin. Tamad na tamad naman akong bumangon tsaka tinignan kung luto na ba ang kanin namin para sa hapunan.
"Luto na 'to, Nay. Kain na tayo, gutom na ako." Inilapag ko na sa lamesa namin ang kaldero ng kanin katabi ng tocino na ulam namin tsaka kumuha ako ng tatlong plato.
"Hindi ka pa ba bumibisita kina Inna? Napanood ko sa balita ay nakauwi na daw si Kathryn at Daniel mula sa America noong isang araw lang." Tanong saakin ni Tatay pagkaupo niya sa harapan ko.
"Hindi pa po, Tay. Wala rin naman ho akong gagawin doon." Sagot ko tsaka pinisil ang kamatis sa bagoong.
"Kamustahin mo man lang sila. Ayaw mo ba talagang malaman ang buong kwento?" Tanong niyang muli saakin. Nakatingin lang ako sa kamatis na hindi ko mapisil-pisil ng maayos dahil nakaramdam nanaman ako ng panlalambot sa tanong ni Tatay.
"Hindi na ho kailangan, Tay. Malinaw na saakin ang lahat." Sagot ko at sa wakas ay napisa na rin ang kamatis, tumalsik nga lang sa damit ko. Jusko, ang dugyot!
"Hindi naman maiibsan ng pag-iwas mo ang sakit, anak." Sambit naman ni Nanay tsaka inilapag ang isang baso ng tubig sa tabi ni Tatay.
"Nay, ayaw ko muna po malaman kung paano nahirapan si Inna sa paglaban para mabuhay siya. Hindi ko alam kung kaya ko na marinig ang kwento habang unti-unti siyang nawawala saakin, saatin." Pagkatapos ng usapang iyon ay tahimik na lang kaming kumain. Ngayon lang kasi nila muling nabuksan ang usapan na tungkol sa pagbisita ko kina Tito DJ at Tita Kath.
Balang araw makakabisita rin ako ulit doon, pero huwag muna siguro ngayon. Baka lahat ng pagkalimot at paglilibang ko sa sarili ko ay maglaho na lang bigla at bumalik lang lahat ng sakit mula nang maaksidente si Inna sa eroplano.
OoooOoooOooo
"Ayun nga, Inns, may bagong bukas na kainan dyan malapit sa KFIS. Ang sabi nila, masarap daw ang mga pagkain doon, lalo na ang mga desserts. Nagyayaya nga sina Tala doon bukas pero parang hindi ko naman feel sumama dahil wala ka doon. Naaalala lang kita kapag nakakakita ako ng maraming pagkain, ang takaw mo kasi." Nandito ako ngayon sa bundok kung saan ako unang dinala ng mga paa ko nang malaman kong tuluyan ng nawala saakin si Inna.
"Ang sarap ng hangin dito, Inns. Napakapayapa ng paligid." Niyakap ko ang mga tuhod ko saka ipinikit ang mga mata. Pinakiramdaman ko ang buong paligid.
Kaagad naman akong napangiti nang maramdaman ko ang paghampas ng hangin saakin.
"Thank you sa yakap, Inns. Wala bang kiss dyan?" Natatawang tanong ko sa kanya. Bigla namang tumigil ang paghangin kaya mas lalo akong natawa.
"Biro lang! Masyado ka namang pikon." Hinayaan ko ang sarili na isiping baka sakali nga na kasama ko si Inna ngayon. Kaso saglit na tuwa lang iyon, dahil kahit anong gawin ko ay darating pa rin yung oras na bigla ko na lang maalala na hinding-hindi ko na mararamdaman pa ang yakap niya.
Sana pala sinulit namin ang oras noon. Sana pala ginawa namin lahat ng magpapasaya sa kanya. Sana pala hinayaan ko na lang siyang batuk-batukan ako. Sana nilibot na namin ang buong mundo. Sana pala tinali ko na lang siya sa tabi ko.
Edi sana wala akong regrets ngayon..
"Hayyyy..." Bumuntong hininga ako. Nakakasawa na isisi saakin ang lahat.
"Then don't." Natigilan ako ng bigla ko na lang narinig ang boses ni Inna. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko nanaman siya doon. Nakatayo habang nakangiti. Kaso iba ang suot niya ngayon.
Naka-hospital gown siya.
"I-inna?" Nauutal kong tawag sa pangalan niya.
"You have to stop blaming yourself, Anghel." Dahan-dahan siyang lumapit saakin tsaka naupo sa tabi ko.
"You did nothing wrong, babe. In fact, you made me lived, you made me begin. For that, beside God, I'm most thankful to you. So stop blaming yourself." Napatitig ako sa mukha niya. She look at peace right now compare to the past few days na parati ko siyang nakikita.
"Are you happy?" Tanong ko sa kanya.
"I am." Mabilis niyang sagot tsaka lumingon saakin. "I hope you happiness, too, Anghel. We both deserve it. So, please, let me go." Napalunok ako dahil sa huling pangungusap na sinabi niya.
"If you want me to let you go, why am I still seeing you? You may go, kung saan ka man dapat pumunta. Pero bakit nagpapakita ka pa rin saakin?" Tanong ko sa kanya. Ito ang gustong-gusto ko malaman mula pa noong unang beses ko siyang makausap ng ganito.
"Because you still can't accept that I am dead and you need to let me go." Sagot niya. Muli ko nanamang naramdaman yung sakit nang malaman kong tuluyan na siyang binawian ng buhay.
"Anghel, hanggat hindi mo napapatawad ang sarili mo, hanggat hindi mo tinatanggap na wala na ako, hanggat iniisip mo pa rin lahat ng regrets and what ifs mo, hanggat hindi mo pa ako tuluyang mapakawalan, hindi ako makakaalis." Sagot niya ng puno ng pagmamakaawa at desperasyon. Tinignan ko siya sa mga mata at hindi ko makita ang repleksyon ko sa mga iyon. Tanging nakikita ko lang ay kung gaano na siya nahihirapan at nasasaktan.
"So please, I'm begging you, just let me go." Tumulo ang luha mula sa mga mata niya. Yung mapayapa at maliwanag na mukha niya kanina ay napalitan na ng paghihirap at sakit ngayon.
"I love you so much, Inns. What you want me to do right now would be the hardest thing that I will ever do." Binigyan niya ako ng isang tipid na ngiti.
"Ang dami kong what ifs and regrets, at ayaw kong pati ito ay madagdag pa sa mga iyon. So, even if it hurts, for the last time, ayaw ko na ulit makitang nahihirapan at nasasaktan ang Inna sana ng mga magiging anak ko. Kaya, Inns, malaya ka na. I hope you happiness and peace. Mahal na mahal kita, at hindi magbabago iyon." With that being said, pinahid ko ang luha sa pisngi niya at unti-unti naman siyang naglaho sa harapan ko ng may matamis na ngiti sa kanyang mga labi.
-------------------- 👪 ---------------------
all that matters is love
BINABASA MO ANG
i have a secret // kn
FanfictionI have a secret, they have too. ds: 4/10/18 de: 9/13/18